「022」

83 5 0
                                        

Tumakbo na paalis ng cafeteria si Minji at dumiretso sa opisina niya. Doon niya nakita ang isang gray-haired guy, na pilit pinipigilan ng ilang guards.

❝Bitiwan niyo ako! Kapatid nga ako ni Minji! Ano ba!❞

❝Kuya,❞ She called their attention, ❝Stop.❞ Banta niya.

Binitawan na ng mga guards ang lalaki bago nagsialisan ang mga ito. Naiwan naman silang dalawa sa opisina. Prenteng umupo si Jimin sa harap niya.

❝Hindi mo ba ako ihahug dear sister?❞ He said, wearing a grin on his face. She did not answer and just sat on her swivel chair.

❝Kuya, anong kailangan mo?❞ She directly asked. Napatawa naman si Jimin sa inasta nito.

❝Wala naman, nangangamusta ng mamamatay-tao kong kapatid.❞ Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng nakatatandang kapatid. Nanginig siya sa takot nang bigla itong bumunot ng baril at itinutok sa ulo niya.

❝'Wag kang matakot, Minji. Nandito lang naman ako para maghiganti,❞ Jimin hid the gun and sat on her table. ❝I'll take your life soon, in exchange of the life you took.❞

Her hands were shaking in fear. Minji hopes that there would be someone to save her, either Jeonghan, or Joshua. Pero alam naman niyang imposible iyon.

❝Bakit ba galit na galit ka sa'kin kuya? Naiintindihan ko, kung galit ka sa'kin dahil sa atensyon na binibigay nila Mama sa akin noon, iyo na,❞ Napaiyak na siya dahil sa takot, ❝—Babalik nalang ako sa tunay kong pamilya. Tutal naman napagkasunduan na namin na babalik na ako at hahanapin sila.❞

Tumawa na parang baliw si Jimin at biglang hinawakan ang leeg ni Minji.

❝Wala akong pakialam doon. Ang pakialam ko, nandoon sa batang pinatay mo,❞ Jimin pinned her to the wall, still holding her neck. Pilit pa ring inaalis ni Minji ang kamay na iyon dahil nahihirapan na siyang huminga. ❝Pinatay mo ang anak ko. Pinatay mo siya.❞

Her vision became blurry, and the last thing she saw was Jimin walking out of her office.

 over • joshuaWhere stories live. Discover now