Bumuhos ang luha ni Minji nang makita ang kalunos-lunos na nangyari sa sasakyan ng kaibigan niya. Halos hindi na makilala ang sasakyang iyon, pero dahil sa plate number, naalala niya. Pinatay niya ang TV bago tingnan ang natutulog na si Jisoo sa tabi niya.
Isang linggo na siyang nagpapahinga pero ayaw pa siyang palabasin ng mga doktor dahil baka daw may namuo pang dugo sa ulo niya. Jisoo never left him for the whole week, even if it means that he had to be missing on his schedules.
Kahit masakit, tinanggal ni Minji ang dextrose na nakalagay sa kaniya bago tumayo sa kama. She thanked all the Gods for not waking Jisoo up, kaya nakalabas siya ng kwarto safe and sound.
Iika-ika siyang naglakad pababa ng hagdan para makapunta sa emergency room dahil sa panghihina ng tuhod niya. Nagbabaka-sakali, na baka doon dinala ang kaibigan niya. At hindi nga siya nagkamali.
Nanlumo siya dahil sa nakita niya. Nagwawala doon si Seokmin at Soonyoung habang pinapanuod kung paano irevive ng mga doktor ang naghihingalong si Hana. Pinipigilan naman ito ng mga kamiyembro nila. Duguan na ito, at para bang ilang oras na lang ay bibigay na ang katawan nito.
❝Tangina! Please save her!❞
❝Magbabayad ako kahit magkano! Buhayin niyo lang siya!❞
Nagtitinginan na ang mga taong nakapalibot sa emergency room dahil sa dami ng bilang ng taong nakaantabay sa pasyenteng iyon. Buti na nga lang at hindi sila nakikilala ng iba bilang Seventeen.
Lalapit na sana siya nang may humablot sa braso niya.
❝Minji! Pumunta ka na sa kwarto mo! Baka hanapin ka ni Kuya Jisoo—shit!❞ Natigil sa pagsasalita si Chaejin nang mahawakan niya ang basang bagay sa ay pulso ni Minji. Dugo.
Probably because of the dextrose she removed awhile ago.
Hinihila na siya ni Chaejin paalis ng emergency pero hindi siya natinag. She froze on her spot, watching how her friend fight for her life.
❝B-bakit..❞ A tear fell from Minji's eyes, followed by another one, until it was like a stream rushing down to her cheeks. ❝—si Hana?❞
Chaejin tried her best to hold back her tears, ❝Investigation. Sa tingin ko dahil 'yon sa pinaimbestigahan namin si Jillian at yung kuya mo. Before she told me na susunduin niya kami e nakipagkita siya kay Kuya Yoongi for the files. And after that, I lost contact. She never replied to my messages until I saw the news.❞She explained.
She cussed in her mind.
Kuya's making a move, isn't he?
At alam ko, lahat ng sangkot sa gulong 'to, madadamay.
Kaming dalawa ni Jisoo.
Ngayon pa nga lang kami magsisimula e, bakit ganito agad?
But I promise, I will try to save him from this chaos.
Even if it means death for me.
Minji felt dizzy after a few seconds, and felt like she wanted to throw up. Napatingin naman siya sa kamay niyang nagdudugo before she was consumed by extreme darkness.
❝M-minji!❞ Chaejin shouted as soon as she saw Minji lost her consciousness.
—
Naalimpungatan si Jisoo nang maramdamang wala ng nakahiga sa kamang katabi niya. Nakita niya ang pinagtanggalan ng dextrose na nakapatong sa kama. He immediately went to the restroom to check his girlfriend, but he found nothing. Lumabas siya ng kwarto at nagtanong-tanong sa mga taong nasa labas.
❝Ay oo sir, nagtataka nga ako kung bakit—❞ Hindi na nag-atubili pa si Jisoo at tumakbo na paalis ng information desk. Hindi pa man siya nakakalayo ay sumigaw muli ang nurse.
❝Bumaba ng hagdan sir! Papuntang emergency room!❞
He followed the nurse's instruction. Pagkababa niya sa emergency room ay nakita niya ang mga kaibigan niyang umiiyak, si Seokmin at Soonyoung, at ang babaeng duguan na nilalagyan na ng ventilator at life support.
Sa kabila naman ay nakita niya ang taong kanina pa niyang hinahanap. Wala itong malay at namumutla pa. His eyes widened nang makitang may bahid ng dugo ang hospital gown nito.
❝K-kuya Jisoo!❞ Tawag ni Chaejin sa kaniya na umalis sa pwesto nito kaninang katabi ni Minji. Agad siyang natanong kung ano ang nangyari at bakit may gulong nangyayari.
❝Naaksidente kasi si Hana e, I guess Minji saw that on the news kaya siya bumaba dito para tingnan si Hana. She passed out, tapos ayan pa, nagdugo 'yung pinagtanggalan ng dextrose niya.❞
He immediately went to her bed, and interlocked their hands. Halu-halong emosyon naman ang nararamdaman ni Jisoo ngayon dahil sa nangyari kay Minji.
Ipagpapatuloy ko pa ba 'to?
—
٩(๑'^´๑)۶

YOU ARE READING
over • joshua
Short Story❝i am not a game to be played on.❞ over ↷ h.js ❀shuaniverse ; 2019