「026」 ◀ r

95 5 0
                                    

2002.

❝Seung! May bago tayong laruan oh!❞ sabi ng batang babae sa kaniyang apat na taong kapatid na lalaki. Napangiti naman ang nakababata dahil sa nakita niya ang kaniyang noona na may dalang bola at baril-barilan.

❝Ate Sojeong, may aampon ba sa'kin?❞ Tanong ng nakababata sa ate niya. The girl was taken a back when her brother asked him that question. Sa panahong iyon, kahit walong taon pa lang si Sojeong, alam na niya ang nangyayari sa paligid niya.

Sojeong is surprisingly an intelligent kid. Dahil sa tulong ng ilang foundation sa orphanage nila, mas lalo siyang nahasa at naipasok sa isang magandang paaralan kasama ang kapatid niyang nasa preparatory level palang.

Seungkwan, bakit mo naman natanong?

❝Eh kasi ate, hindi ako kasing talino mo. Ayaw nila sa batang mataba lang.❞ Nasasaktan si Sojeong dahil sa ibinababa ng kaatid nito ang sarili niya.

Iniwan sila ng magulang nila sa ampunan noong anim na taong gulang siya at dalawang taon naman si Seungkwan. Hindi alam ni Seungkwan ang nangyayari pero siya, alam na alam niya.

Hinahabol ng loan sharks ang tatay nila at dahil malakas na tao ang kalaban ng pamilya nila, wala ng nagawa pa ang nanay nila kundi ibigay sila sa malapit na ampunan para makaiwas sa gulo. She remembered how her mother cried in front of them when they insisted to go to the orphanage. She remembered how she begged for them to leave her and fix the family's problem.

She ruffled her brother's hair and pinched his chubby cheeks. ❝Seungkwan, alam mo naman na hindi 'yon ang reason kung bakit hindi ka inaampon. May rason si God kung bakit. Nangako kasi si Mama na babalikan niya tayo dito. Babalik siya, Seungkwan. Promise. Saka ang galing mo kayang kumanta!❞ 

❝Sige ate! Paglaki ko magiging singer ako para sa'yo! Hehehe!❞

Ngumiti naman ng malawak ang batang Seungkwan at yumakap sa ate niya. Naaawa siya kay Seungkwan dahil sobrang bata pa nito noong iniwan sila ng mama nila doon, at ni walang matandaan na kahit ano tungkol sa nanay nila. Kahit itsura, o kahit ang mga panahong inaalagaan siya nito.

Lalabas na sana sila ng kwarto para makipaglaro sa iba pang mga bata sa ampunan nang biglang pumasok ang madreng nagbabantay sa kanila.

Sojeong, may gustong kumausap sa'yo. Seungkwan, sama ka muna sa akin, maglalaro tayo.Aya nito bago kunin ang bola kay Seungkwan at dalhin ito sa garden kung nasaan ang iba pang mga bata.

Biglang pumasok ang tatlong tao sa kwarto. Isang pamilya iyon sa tingin niya, kaya binati niya ito at nagbow. Lumapit naman sa kaniya ang batang lalaki at nakipagkamay.

❝Hello! Ako si Jimin! Gusto mo bang maging kapatid ko?❞ Tanong nito na ikinagulat niya. Napatingin siya sa dalawang nakatatanda na nakangiti na sa kanila ngayon.

Naguluhan siya at napansin iyon ng middle-aged na babae kaya umupo ito at pumantay sa kaniya.

❝Sojeong, we've been watching you here for too long. Jimin kept on nagging us to have a little sister but we can't give him what he wanted, may sakit ako sa ovary, Sojeong.❞ Bigla siyang naawa dito kaya hinawakan niya ang pisngi nito. Nanlambot naman ang babae kaya ang lalaki na ang nagpatuloy ng sinasabi nito.

Nanlumo siya sa tanong na iyon.

❝Handa ka na bang magpaampon, Sojeong? Pag-aaralin ka namin sa magandang paaralan. We will treat you like our own,❞ paliwanag nito.

❝Pasensya na po pero hindi ko po kayang iwan ang kapatid ko dito. Maliit pa po siya at kung aampunin niyo po ako, ampunin niyo din po si Seungkwan.❞ Pagmamatigas niya bago umiyak.

❝H-hindi namin kayang dalhin siya sa America, Sojeong..❞

❝Edi hindi po ako magpapaampon.❞

Naiyak bigla si Jimin kaya nagulat si Sojeong dito. Agad itong nilapitan ng ama at nilapitan naman siya ng babae.

❝Ibabalik ka namin. Nakausap na namin ang mga taong pinagkakautangan ng pamilya niyo, bayad na kayo. You can go back..after I die.❞ Bigla nitong saad kaya nagulat si Sojeong.

❝Parang awa na, Sojeong. Aalagaan ka namin.❞ 

She nodded.

Babalikan ka ni Ate, Seungkwan. Pangako yan.

❝Ate! 'Wag mo 'kong iwan!❞

❝Ate!❞

❝Ate Sojeong!❞

She saw how her brother Seungkwan begged to make her stay. At hanggang ngayon pinipigilan pa ito ng ilang sisters na habulin ang sasakyang sinakyan niya paalis ng ampunan. Naiyak siya kaya pinatahan siya ng katabi niyang kapatid na niya ngayon.

❝Tahan na, Minji.❞

❝Minji?❞ Naguluhan siya dahil tinawag siya nito gamit ang ibang pangalan. Napalingon naman sa kaniya ang babaeng nasa tabi ng asawa nitong nagmamaneho.

❝Ah yes, we forgot to tell you that you will not be Boo Sojeong, kasi simula ngayon, Park Minji na ang pangalan mo.❞ She explained.

Tinuruan naman siya ng manners sa ampunan kaya nagawa niyang ngitian ito. Tinatanggap na niya ang kapalaran at ang kasunduan nila. Na babalik siya kapag namatay na ang kaniyang bagong ina.

Hindi niya hinihiling na mangyari ito kaagad, hindi naman siya ganoon kasama para hilingin iyon. Ang gusto lang niya, magabayan ng maayos si Seungkwan kahit wala na siya sa tabi nito. Iniwan niya ito ng sulat kahit hindi pa ito ganoon kagaling sa pagbabasa para pagdating ng panahon, maiintindihan na nito kung bakit siya iniwan ni Sojeong.

❝Minji-ah! Lalaro tayo mamaya sa bahay ha? Ipapakilala kita sa friends ko!❞ Aya ni Jimin kaya pumayag siya, kahit mas gusto naman niyang magbasa ng libro o di kaya ay panuorin si Seungkwan na maglaro.

Pero wala ng Seungkwan na mangungulit sa kaniya. Wala ng Seungkwan na pipisilin niya ang pisngi dahil sa gigil. Wala na siyang papanuoring Seungkwan na naglalaro sa bakuran. Wala na siyang pakakantahing Seungkwan kapag malungkot siya. Wala na siyang aalagang Seungkwan.

yeah it turned out to be a sad story huhuhu. seungkwanieeee T__________T




 over • joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon