「038」

84 5 2
                                        


Jisoo sighed as he watched the nurses transfer Minji again to her room. She's still unconscious, at hindi na kasama sa plano ang pag-aalala ni Jisoo sa kaniya.

❝Mr. Hong?❞ Lumingon siya nang tawagin siya ng doktor.

❝Hindi natin alam kung kailan siya magigising, due to the stress, probably because she saw her friend almost dying earlier, naapektuhan ang receptors niya. And, ang dami ding dugo na nawala sa kaniya dahil bumukas 'yung maliit na sugat sa pulso niya. She needs to stay here for a week or so,❞ Nanlumo si Jisoo dahil sa sinabi ng doktor.

Kung nagising lang sana ako.

He blamed himself for what happened, kahit naman galit siya kay Minji, or not, hindi niya pa rin pwedeng pabayaan ang babae. The doctor excused himself kaya naiwan siya sa kwarto.

❝Min, kahit anong mangyari, sana matatag ka pa din.❞ He said, before the doors opened revealing Jeonghan and the other guys. Napalitan naman ng inis ang pag-aalala niya kanina, dahil alam niyang nandito na naman ang sagabal sa mga plano niya.

❝Hindi mo kasi binabantayan ng maayos! Paano kung mas malala pa 'yun nangyari diyan?❞ Jeonghan shouted, nanahimik naman ang mga kasama nitong sila Seungkwan at Dino. Lumapit dito si Jisoo na ngayon ay punong-puno na, nagtitimpi nalang talaga siya dahil ayaw niyang lumaki pa ang gulo sa pagitan nilang dalawa.

❝'Wag mo akong sisihin, parehas nating hindi ginusto 'to.❞ He said before leaving the three. Narinig niya pang sumisigaw si Jeonghan pero hindi siya natinag sa paglalakad paalis. Hindi naman siya aalis ng hospital, kundi magpapalamig lang kung saan.

Sa cafe na nasa labas ng ospital siya dinala ng mga paa niya. At dahil nandoon na din naman siya, bumili na siya ng inumin bago umupo sa isang pwesto sa labas ng cafe.

He continued watching people around nang makita niya ang isang pamilyar na pigura. Na papalapit sa kaniya. The person was smiling at him.

❝Jisoo...❞

❝Jillian.❞

 over • joshuaWhere stories live. Discover now