「024」

81 4 0
                                        

Napayukom ang kamao ni Joshua nang murahin siya ni Jeonghan. Gustong-gusto na niya itong suntukin sa totoo lang, pero sa mata ng nakararami, at ng mga fans, malapit silang magkaibigan ni Jeonghan.

That was before.

Hindi niya nga alam kung paano niya napipigilan ang sarili niya sa tuwing makakatabi niya si Jeonghan kapag may fan meeting sila. He really gets annoyed when fans requests something that includes Jeonghan.

Napagdesisyunan niyang kumuha ng canned beer sa baba kaya lumabas siya ng kwarto. Pero nakita niya agad si Sehyeon, ang girlfriend ni Wonwoo, na nagmamadali at para bang naiiyak na.

❝Sehyeon, anong meron?❞ Magalang na tanong niya dito. Mabait pa rin naman siya, sa ibang tao nga lang.

❝S-si Minji...❞

❝Anong meron kay Minji?❞ His voice was full of worries, pero as if naman talagang nag-aalala siya. Kailangan niya lang talagang makuha ang tiwala ng mga malalapit na tao kay Minji.

❝She passed out on her clinic. May pumalo sa ulo niya. Internal bleeding..❞ Hindi na niya pinatapos ang babae at hinila na ito papunta sa kotse niya. Narinig niya pa ngang sumisigaw si Wonwoo pero hindi na niya ito pinansin at pinaharurot papunta sa hospital.

But this time, he's genuinely worried.

He stared at Minji's sleeping face. Nasabihan na sila ng doktor na baka abutin ng ilang araw bago magising si Minji dahil sobrang lakas ng impact ng bagay na tumama sa ulo nito. He held her hands and kissed it on the back of her palms.

Bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa ang iba pa niyang kamiyembro kabilang na ang galit na galit na si Jeonghan.

❝Tanginamo! Anong ginawa mo?!❞

Hinila niya ito patayo gamit ang kwelyo ni Joshua.

❝Wala akong ginawa,❞ Prente niyang sagot bago alisin ang kamay ni Jeonghan sa kwelyo niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at hahawakan na sana ang kamay ni Minji pero tinabig iyon ni Jeonghan.

❝Lumayo ka kay Minji, Joshua.❞ Jeonghan warned. Hindi naman maintindihan ng iba ang sinasabi nito pero mas pinili nilang lumabas para bigyan ng privacy ang dalawa.

❝Ayaw ko e.❞

❝Kung gusto mo maglaro ng buhay ng iba, 'wag si Minji. Tanginamo! Kaibigan mo paglalaruan mo lang!❞ Joshua remained silent na ikinainis naman ni Jeonghan.

He punched him, dahilan para pumutok ang labi ni Jisoo. But instead of feeling the pain, it was like he became numb and just wiped out the blood coming out. He even smirked at him.

❝Mahina ka pa rin, Jeonghan.❞ Jisoo blurted out and was about to leave the room, but he tapped Jeonghan's shoulder. ❝Not enough to stop me.❞ And with that, he left Jeonghan in anger.

forgive me for i have sinned by making jisoo, our angel, a bad person huhuhu

 over • joshuaWhere stories live. Discover now