「027」◀ e

95 4 4
                                        

Iginala ni Minji ang tingin niya sa bagong bahay na tutuluyan niya. Malawak. Puno ng magagarang gamit ng bahay na iyon. Mamahaling mga mwebles ang nakapalibot sa sala. Mayroon ding nakasabit na litrato malapit sa hagdan at iyon ay ang pamilya Park.

❝Minji-ah! Tara sa taas, kukunin ko 'yung mga toys ko! Makikipaglaro na tayo sa mga friends ko!❞ Ani Jimin bago siya hilahin papunta sa kwarto nito sa taas. Tumigil saglit si Jimin at itinuro ang kwarto na katabi ng kaniya.

❝Minji diyan na kwarto mo ha? Para malapit ka kay Kuya,❞ Ngumiti ito kaya nakita ang hindi kumpleto niyang ngipin. Nginitian naman niya pabalik ang bago niyang kapatid.

Sojeong, or should I say Minji waited for her brother to go out of his room. After a while he handed her a pellet gun. Mukhang bago pa ito dahil nakasilid pa sa kahon. Sa totoo lang ay nakahiligan na niya rin ang mga panlalaking laruan dahil kay Seungkwan. Besides, she never had a chance to play dolls at all, dahil madalas ay puro teddy bears ang natatanggap niya sa ampunan.

❝Iyo na 'yan ha? Babarilin natin mamaya si Jeonghan!❞ Masayang sabi ni Jimin. Minji knew Jeonghan was one of his friends, so she did not ask any questions about him.

❝M-mama, sasama po ako kay Kuya Jimin.❞ Paalam ni Minji sa kaniyang bagong nanay. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinagkainan pero ngumiti ito sa kaniya at hinalikan ang noo niya.

❝Saan pupunta ang mga babies ko? Hmm?❞

❝Sa playground daw po. .babarilin daw namin 'yung Jeonghan.❞ Ani Minji na nagpatawa sa kaniyang ina.

❝Sige na, ipapasundo ko kayo sa papa niyo.❞ Niyakap niya ito bago lumabas ng bahay dala ang pellet gun na bigay sa kaniya ni Jimin.

Nakarating silang dalawa sa playground kung saan naroon ang ilang mga batang babae at ang mga batang lalaki na nagkukumpulan sa tabi ng slide. Napatingin sa kaniya ang mga batang babae at sa tingin niya ay masama ang tingin ng mga ito sa kaniya.

❝Aawayin ko sila kapag inaway ka nila Minji ah? Sumbong mo sakin!❞ She laughed.

Lumapit silang dalawa kung nasaan ang mga batang lalaki. Naramdaman ng mga ito ang presensya nila kaya napalingon sila sa dalawa.

❝Jimin, sino siya?❞ Tanong ng isa sa mga batang naroon.

❝Kapatid ko Namjoon hyung! Hehe.❞ Sagot ni Jimin. Tiningnan naman siya ng mga ito ng may halong pagtataka.

❝He...hello. Ako si So-Park Minji.❞ Kinakabahan niyang saad. Nagulat naman si Minji nang biglang magsipila ang mga batang lalaki sa harap niya.

❝Hello! Ako si Namjoon!❞

❝Kyungsoo.❞

❝J-junmyeon.❞

❝Hello Minji~ Ako si Jungwoo!❞

❝I'm Jeonghan.❞ Doon na nakuha ang atensyon niya. Isang batang lalaki na may bangs. Halata ding mayaman, pero halos lahat naman sila ay mukhang galing sa marangyang pamilya. Pero para kay Minji, ito ang pinakagwapo sa kanilang lahat. Ito pala ang sinasabi ng Kuya niya na babarilin daw nila mamaya.

Her heart skipped a beat when Jeonghan smiled at her.

She doesn't know why, but seeing his smile, removed all her worries and was replaced with vibrant happiness.

Ilang araw na rin silang laging nasa playground para maglaro. Walang gustong makipagkaibigan sa kaniya na babae dahil ampon lang daw siya. Nang malaman ito ni Jimin ay inaway nito ang mga nagsabi noon kay Minji.

❝Minji,❞ Tawag ni Jeonghan sa kaniya na kauupo lang sa bench. Naglalaro pa ang Kuya niya at ilan pang kaibigan nito pero umupo na si Jeonghan sa tabi niya kaya nagtaka siya.

❝Ayoko na, hehe. Nakakapagod.❞

❝Okay. Gusto mo?❞ Iniabot niya ang chips na pinabaon ng kanilang ina kanina. Tinanggap naman ito ni Jeonghan bago magpasalamat.

❝Bakit ayaw mo makisali kila Jimin?❞ Tanong nito.

❝Ayaw niya kasi daw baka madapa ako.❞ Sagot niya. Tumango-tango naman si Jeonghan bago ilahad ang kamay niya kay Minji.

❝Tara?❞

❝Saan?❞

❝Ipapakilala kita sa kapatid ko. Tayong tatlo nalang maglalaro!❞ Tugon nito bago siya hilahin papunta sa gilid kung nasaan ang monkey bars. Nakaupo doon ang batang babae na nakabraid ang buhok at naglalaro ng manika niya.

❝Somin, may bago tayong kalaro!❞ Sabi ni jeonghan kaya napalingon sa kaniya ang bata. Lumawak ang ngiti nito bago lumapit sa kanilang dalawa.

❝Hello~ Ako si Somin!❞

❝Minji.❞

After meeting each other, they became comfortable of each other's company. Somin often goes to their house to play with Minji, and Jeonghan, on the other side, have gotten closer to Minji even more.

Too closer. Little did they know, they already developed something, more than the thing called friendship.

Uhm ok sumasideline ang ibang bebi dito hAHAHAHAHAH


 over • joshuaWhere stories live. Discover now