061

169 8 3
                                    



"Jeonghan ko!" Minji happily said as she saw Jeonghan waiting for them at the airport. Hindi niya kasama si Johnny ngayon dahil nauna itong bumalik sa Seoul para sa isang business meeting. Kaya eto, si Jeonghan na naman ang nandyan para sa kaniya.

"Minji, may girlfriend na ako ano ba." He kid. Napasimangot naman si Minji dahil sa sinabi nito.

"Gago, feeling mo ba aagawin kita kay Hailey ha?" She said and rolled her eyes on him. Tinawanan lang siya ni Jeonghan bago ayain itong umalis.

Ang buong akala ni Minji ay ididiretso na siya nito sa condo niya pero dinala siya nito sa restaurant ni Natsumi at Minghao.

Kalma, Minji. Restaurant lang 'to. Oo, kumain kayo ni Joshua dito. Ano pa bang magagawa mo? She thought and let it aside afterwards.

"Ate!" Nagulat naman ang mga tao sa loob nang sumigaw ang may-ari na si Natsumi. Nasa counter kasi ito at tinutulungan ang isa niyang staff nang pumasok ang dalawa.

She hugged the younger for a few seconds bago paupuin sa isang mesa malapit sa counter. Natsumi excused herself para ipaghanda ang kakainin nilang dalawa.

"So, kamusta?" Jeonghan suddenly asked. She didn't notice he was looking at her the whole time, dahil busy siya kanina sa pakikipag-usap kay Natsumi.

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan. Balita ko nakaleave kayo ni Seungcheol. Anyare?"

"Something happened at the dorm. Umalis muna ako saglit para makapagpalamig. I am now staying at Hailey's, pero ngayong araw lang ako lumabas. Sana naman ay walang paparazzi na umaaligid sa bahay kundi patay ako doon." Nagtaka naman si Minji sa sinabi nito na may nangyari sa dorm. Tatanungin na sana niya pero naunahan na siya ng explanation nito.

"That guy and I fought. Buti na nga lang at hindi umabot sa puntong ihahagis ko na 'yung kutsilyo sa kaniya." Nagulat siya. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasapitin ng dalawang 'yan. The guy is an angel according to his image, and so is this man in front of him. She never thought of the two being so violent, to the point na halos patayin na nila ang isa't isa.

"Bakit?" His expression changed. It was like he is being sensitive to tell her what is going on between them. She repeated the same question as Jeonghan heaved out a deep breath.

"You. He wants to know where you are. Buti na nga lang at umuwi ka na dito kundi baka naabutan ka niya sa Jeju ngayon. Sabi ni Seokmin sa'kin nagleave daw siya, para puntahan ka." Napamura naman si Minji. She laughed sarcastically.

"Do you think I'll let him in after what he did? Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa'kin?" She smiled and held Jeonghan's hand, "Han, nandiyan si Johnny. Kahit pa anong gawin niya, hindi na ako babalik sa kaniya. I gave everything to him before but I received nothing. Sana naisip niya 'yan bago siya humingi ng patawad."

"Pero Minji," His eyes were telling stories, but Minji weren't able to identify them. "He's after you now. Hindi lang kapatawaran ang hinihingi niya. Pati ikaw."

-

So helLOooO peeps! First update of the year here in this story, ang tagal tagal na nito tas hindi ko pa natatapos shEt HAHAHHA thank you pala kay chaechaekim bahang-baha po ako gHorL luv u 🥺

 over • joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon