Chapter Five

60.6K 1.7K 110
                                    


Nanny no more?

"Wow"

Kung iisipin mo ay sing-laki ng isang College or University ang School na pinapasukan ng kambal. Pansin mo rin ang ibang bata na inihahatid ng mga naka kotse. Para bang hindi pwedeng wala kang sasakyan na maghahatid sa mga anak mo kapag dito mo sila papapasukin.

Dahil mula sa matayog na gate ay kailangan mo pang mag drive ng halos 10 mins. Bago ka makarating sa mismong Hall ng classrooms.

"Hindi po si Chardo Dalisay yan'? Yung sikat na artista sa TV. Yong' bida sa Teleserye na 'Ang Amerikano' ?"

Hindi maalis ni Lyan ang titig sa lalakeng kausap ang isang bata na nakashades. Hindi naman mukhang artista dahil hindi naman siya pinagkakaguluhan ngunit mukhang kabisado na ni Lianne ang hitsura niya.

"Opo. Dito po nag aaral ang mga anak niya." ang sagot naman ni Othan

"Marami po talagang anak ng mga artista ang pumapasok dito. Dahil sa buong San Vidad ang Glardestine ang pinaka magandang skwelahan para sa mga bata. May Senior High na din po sila dito. Kaya gusto nila, bata pa lamang ang mga anak nila ay dito na agad sipa pag-aralin"

"Grabe, nag aral lang ako ng daycare at kinder sa barrangay namin. Iisa nga lang electric fan namin noon" bulong naman ni Lyan sa sarili niya habang papasok sila sa isang malaking Hall.

Parang style Museum ang design ng buong skwelahan. May ilang buildings din si Lyan na na nakita. Ang building na pinasokan nila ay mukhang para sa mga daycare hanggang Kindergarten.

Nakita niya ang isang mas malaking Building na hindi kalayuan mula sa building na pinasukan nila na mas maraming estudyante ang nagsisipasukan, Mukhang sa Elementary naman iyon.

Maari mo ring' gawin na sightseeing ang buong Lugar. Bukod sa may Garden ito napakalawak, May sariling Park din ito para sa mga bata.

Exclusive for Rich People nga pala ang eskwelahan na ito.

Nang makarating sila Lyan sa tapat ng Classroom ay nagtaka siya nang may nakita siyang Pila.

"Jin! Jana! come here" Nagulat si Lyan nang sinalubong sila ng isang Teacher ay pinapila ang kambal sa unahan.

Napansin niyang may pila yata bago sila papasok ng Room. Siguro ito ang rules nila.

Napansin niya rin ang ibang bata sa likoran ni Jin at Jana. Bigla nalang kaseng nagbago ang kinilos ng dalawa. Kung kanina sa bahay ay parang sila ang nasusunod. Ngayon ay parang behave na behave sila.

"Kayo po ba ang bagong Nanny ni Mr. Buenavista? May ini-handa po kaming mini breakfast para sa inyo at sa mga bata. Proceed nalang po tayo mamaya sa Cafeteria pagkatapos ng Flag Ceremony" Nilapitan naman siya ng babaeng sumalubong kila Jin at Jana kanina. Mukhang ito nga ang kanilang teacher

"Ako si Miss Karen. Ang Adviser nila. " Naglahad naman ito ng kamay sa kanya

"Ah, Lyan po" Ngumiti naman siya kay Karen.

Habang nanonood ng Flag Ceremony si Lyan ay nakita niya ang kambal sa unahan. Hindi niya inaasahan silang dalawa ang mag le-lead ng ceremony. But Jin always have that poker face as well as with Jana. Parang walang i-sisingit ang isang ngiti sa mga mukha nila.

From the crowd she could distinguish the twins. Malayo ang pinagkaiba ng ibang bata sa kanilang dalawa. Mas madalas niyang makita ang kambal sa isang sulok lamang. No friends, no other kids around them. Para bang' it is already implied na wala nang lumalapit sa kanila.

Hindi rin nagtagumpay si Lyan na tawagin ang mga bata sa Cafeteria pag katapos ng Ceremony. Nagpumilit sila Jana na maghintay na lamang sa Room nila para sa kanilang 1st period.
"Mini-Breakfast?" Napakurap kurap na lamang si Lyan nang makita niya ang samu't saring klase ng pagkain na inihain sa kanya ng mga waiter doon sa Cafeteria.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon