Chapter Fifty-Five

40.1K 1K 145
                                    

Love comes and then it can also leave

"Live na matutunghayan natin ang official Prescon para sa nalalapit na pagpapakasal nila Mr. Chastino Edralin Buenavista at ang ating Beauty Queen na si Hana Grace Lauv!" Nang palabas si Estella sa Mart ay naagaw ng kanyang pansin ang breaking news sa malaking screen dito sa highway ng Gilberts. Nakita niya rin ang ilang tao sa harapan niya na nakaabang sa malaking screen.

"Magandang Araw po sa inyong lahat" Chase appeared on the screen with a flash of his name.

"Akala ko ba sila ni Ate?" Narinig ni Estella na saad naman ni Fara sa kanyang tabi na may bitbit ng ilang groceries.

"Kawawa naman ang Ate mo. "Napakuyom ang palad ni Estella at hinila nag-lakad palayo sa kumpulan ng mga tao.

"I'm 37 years old and everyone also thinks that it's about time for me to get married. " Bigla namang napatigil si Estella ng marinig niya ang sinabi pa ni Chase.

Nang dumungaw ulit siya sa screen ay nakita niya ang buong pangalan ni Chase nan aka flash sa screen.

"Chastino?" sambit nito.

"37 na pala si Sir Chase. " ani pa ni Aries.

"Nay bakit?" tanong naman ni Fara nang mapansin niyang nakatitig lang sa screen si Estella.

"Wala pang anak si Edward noon...." Mahinang saad nito sa sarili at saglit na nag-isip.

"Maisingit lang ano, Mr. Buenavista, Saan galing ang inyong second name? Dahil maraming nagulat nang i-reveal natin ang buo ninyong pangalan." Sabi naman ng isang interviewer.

"Ah, My Father gave me that name. I remember when I was still a kid he used to say that Edralin was a name of a beautiful woman. Hanggang ngayon hindi ko alam bakit niya ito dinugtong sa pangalan ko dahil lalake naman ako."Napahalakhak naman si Chase.

"Posible kayang..." Napatulala na lamang si Estella habang nakatitig pa rin sa screen.

"Si Chase ang nawawalang anak ni Lyn at Don Juanito?"

"It's been a long time... Estella" Nanlamig ang mga binti ni Estella nang marinig niya ang boses na iyon.

Nang tumingin siya sa kanyang tabi ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto ng isang taong matagal na niyang hindi nakita.

It was Edward.

Mukhang wala naman itong ibang kasama.

"I'm glad you are doing fine. Where is Romel?" Agad na nakaramdam ng galit si Estella dito.

"I see, you have kids" but she restrained herself when Edward saw Fara and Aries beside her. Pumaharap naman ito. "Anong ginagawa mo dito?"

"I always keep my word. So if you keep quiet. Sisiguradohin ko ang kaligtasan ng pamilya mo.."He smiled, but that was his scary smile. Hinawakan naman ni Edward ang kamay ni Estella at may iniligay na maliit na itim na pouch.

"See you around. I'll keep in touch" ang mag huling salita ni Edward ay nagsilbing pag-babanta sa kanya.

Nang binuksan ni Estella ang puch ay napaawang ang kanyang bibig. Tuluyang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata at napatingin sa direksyon kung saan nag-lakad palayo si Edward.

"Hayop ka Edward" Napaiyak ito.

Kumikinang na mga ginto ang laman ng maliit na pouch. Sapat na dahilan upang traydorin si Don Juanito at patayin ang kanyang matalik na kaibigan na si Lyn.

'Hindi ka na nakuntento, Pati ang anak ni Lyn ay ginamit mo' Naluluhang bumaling ulit si Estella sa malaking screen.

**

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now