Chapter Twenty

55.5K 1.6K 442
                                    

False Alarm

"Sir" Habang ninanamnam ni Chase ang kanyang kape ngayong hapon ay bigla niyang narinig ang boses ni Kim na kakapasok lamang sa kanyang office.

"Mayroong Workshop ang mga bata sa BuckDonalds. Hindi ko po pala nasabi sainyo" Lumingon naman si Chase kay Kim.

"Dito ba iyan? Malapit sa atin?"

"Yes Sir. If you want to go and see them. I can escort you." pagpriprisinta naman nito.

"Baka makaagaw lang tayo ng pansin. I do not like to be a disturbance. Kung workshop  nga iyon ng mga bata, paniguradong nandoon si Gwyneth. Ang isa sa mga Administrator ng Glardestine. "

Kaagad naman na napangisi si Kim nang marinig niya ang pangalan na iyon.

"Masyado siyang sipsip sa akin. Napapansin ko naman iyon. Marami din akong naibigay na pondo sa skwelahang iyon. Nangako sila sa akin na hindi nila ipagsasabi ang pagdodonate ko sa Glardestine Ngunit inannounce pa nila ito sa buong Gilberts" Napailing iling na saad ni Chase.

Inilapag ni Chase ang kanyang tasa sa mesa nang mainom na niya lahat ng kanyang kape.

Nagulat na lamang sila nang biglang bumukas ang pintoan at iniluwal ang isa sa mga kanilang Security Guard.

"Sir, nasa ibaba po ang mga anak ninyo"

Mula rito sa itaas makikita mo ang kalawakan ng 1st floor kapag dudungaw ka sa raillings. At nakita nga niya ang kambal. 

Nag-hahabulan pa ang dalawang bata habang nagkukulitan.

"Where is Lyan?" Naalarma naman si Chase at agad na tinungo ang malaking hagdan sa kaliwa. Magkabila kase ang hagdanan at may kataasan din ito.

"Hey, kiddos!"tawag ni Chase sa dalawang bata kaya napatigil naman sila kaagad.

He never bring his children into his office. Dahil panigurado ay gulo lamang ang dala ng mga ito. Kung hindi man baka sila mismong mag-aama ang magaaway.

RosaKing's office is just beside The Shopping Mall. Ngunit sa sobrang lawak ng Mall ng RosaKing ay may kalayuan parin ito.

"Where is your Nanny?" He asked. Nag-kibit balikat lang naman ang dalawang bata.

"Can we swim to the fountain?" Biglang tanong naman ni Jin. Napatingin naman ai Chase sa malaking fountain sa harap

"Ano ka ba, You can't swim there. People will stare at you." Napilitan si Chase na hawakan ang dalawang bata at isama sa kanya papunta sa kanyang opisina.

"Wah!" Napatingin naman si Chase kay Jana dahil biglang napasigaw ito nang makapasok sila sa kanyang office.

"It's huge.." Namangha ang dalawa sa lawak ng opisina ni Chase. Agad silang nagtungo sa couch ni Chase at tinesting ang kalambutan nito.

"No-Not.. the couch" Napahina nang tuluyan ang boses ni Chase nang nagsitalon talon silang dalawa.

"I'd rather buy new one than to fight with you" Sinubukan niya namang i-kalma ang kanyang sarili.

"Ahh!" Napabalikwas ng takbo si Chase nang makita niyang nadulas si Jana at nahulog ito sa sahig.

Napaiyak ng malakas si Jana habang nakahawak ito sa kanyang ulo na natama sahig.

"Kim!" Napasigaw si Chase habang karga karga niya si Jana na umiiyak.

"Sir!" natarantang pumasok naman si Kim sa silid.

"Call an ambulance." utos naman nito.

"Jana don't cry.. I will give you powers" napatingin naman si Chase may Jin na pilit inaabot ang kamay ni Jana.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon