Chapter Eighteen

53.8K 1.7K 45
                                    

A Messy Buffet

Nakakapagtaka ang biglaang utos ni Chase kay Lyan na bihisan ang mga bata gayong wala naman silang pasok.

Habang hawak hawak ni Lyan ang kamay ni Jin at Jana nang makalabas sila ay nakita niya lamang na naka shorts at t-shirt with collar si Chase habang may kausap ito sa Telepono.

"Okay, I'll see you" Nang makita ni Chase na handa na sila Lyan at ang mga bata ay kaagad niyang ibinaba ang telepono.

"Saan daw po kayo pupunta ng mga bata, Sir?" Tanong naman ni Lyan nang binuksan ni Kim ang pintoan ng Kotse nila.

"Kakain sa labas. You should come too" ang sabi naman nito at pumasok sa loob ng kotse.

Hindi naman nakaimik si Lyan at sumunod lamang sa sinabi ni Chase.

Ngayon ay si Kim ang nasa Driver's Seat. Mukhang sila sila lamang ang lalabas ngayon at walang bodyguards na nakasunod sa kanila.

"May idea ka ba kung saan tayo pupunta?" Bumulong naman si Lyan kay Kim nang nakapasok ito sa sasakyan.

"Malalaman mo rin" Nakangising saad naman nitoa at pinaandar ang sasakyan.

Pasulyap sulyap si Lyan sa likod,  mukhang pinaguusapan ni Jin at Jana ang bagong episode ng Pororo na pinanood lamang nila kanina. Medyo palakas ng palakas ang boses ni Jana kaya naman parang na-iistorbo si Chase sa likod. Nakakunot noo pa kase itong nag-swiswipe sa kanyang Tablet. Mukhang trabaho na naman ang inaalala nito.

"Lyan, Thomas and his friends iyong Train na nag-sasalita right?" Napatingin sa likoran si Lyan nang marinig niya ang boses ni Jin.

"Jin"

Napatingin kaagad si Lyan kay Chase nang binulabog sila ng boses ni Chase.

"You say, Ate Lyan. Do not just say Lyan."

"Lyan is her name.." ang saad naman ni Jin sa kanyang ama.

"But Lyan is older than you. You must respect those who are older than you.." Tinignan ni Chase si Jin at Jana.

"Ate Lyan,"

Nag-ngitian si Jin at Lyan. Napatingin si Lyan kay Chase saglit. That was very cool of him. Isa pa, Chase looks more of an ordinary person today. Simplehan lang ang porma. Bagay na bagay sa kanya ang puting T-shirt nito at ang kanyang shorts na itim. Napakakinis ng balat kaya hindi mahirap bihisan at pilian ng kahit na anong kulay.

Ilang minuto pa ang inabot nila sa byahe nakarating sila sa isang malaking Buffet Restaurant sa Guanzons.

"Kakain tayo dito. " Napatingala si Chase.

"Kailanhan po yata mag-book muna, Sir" ani naman ni Lyan habang nakatingin sa mga nakaupo sa labas na nag-hihintay.

Nagkakapagtaka dahil walang Reservation na ginawa si Chase. He patiently waited outside. Ngunit ang dalawang bata ay kanina pa bumubulong kay Lyan na nagugutom na sila.

"If you eat now, hindi na kayo makakain mamaya." sabi naman ni Lyan.

"Next po!" Napatayo kaagad si Chase at nagpunta sa Receptionist.

"Table for 4 please. Can I request two baby chairs? "

"This way po, Sir"

Sumunod naman si Lyan habang hawak hawak ang kamay ng dalawang bata. Medyo may karamihan ang Tao ngayon.

Patok ang Buffet style na restaurant nowadays,Bukod sa unlimited ito ay marami kang pagpipilian ng iba't ibang klase ng pagkain.

Napatigil na lamang si Lyan nang Binuhat ni Chase si Jana at pinaupo ito sa isang baby chairs.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now