Chapter Forty-Six

50K 1.3K 507
                                    

True Home Waits..

Today's driver is Chase. It's not Othan. Mag-sasalita pa sana si Lyan pero hinawakan na ni Chase ang kanyang kamay at pinasakay siya sa upuan sa harapan. Pinagmasdan lang ni Lyan na paupuin ni Chase ang dalawang bata sa likod sa mga baby sits na naka-attach.

"Daddy are you coming with us?" kunot noo'ng tanong naman ni Jin na nasa likod ng kotse.

"Yes. Daddy is coming with you. " Kasabay nang pag-simula ni Chase sa pag-mamaneho ay humawak siya sa kamay ni Lyan na nakapatong sa kanyang mga hita. Walang tigil ang ngitian nilang dalawa tuwing nag-tatagpo ang kanilang mga mata.

This was one of her dream. Alam niyang hindi pa panahon para ideklara na magiging parte sya ng pamilya ni Chase pero ang pakiramdam niya ngayon ay parang ganon na nga.

"Sana makapag-set ako ng schedule para sa outing natin ng mga bata. It's my dream to go with you.."

"You pack our lunch, I drive. We'll play with them.." Unti-unti namang napawi ang ngiti ni Lyan habang nakikinig sa sinasabi ni Chase.

Simula kase nang opening ng RosaKing ay mas lalo pang naging busy si Chase. Madalang na silang nagkikita. Tuwing gabi lamang ay kumakatok si Chase sa kanyang kwarto. Everytime Chase does that it's almost 3am or even 5am. Ganunpaman sinisikap ni Lyan sipotin ito. Naiintindihan naman niyang busy'ng tao si Chase.

"I heard Hana keeps coming to meet the kids sa school nila. Nag-dagdag na ako ng security" Napatingin naman si Lyan sa side mirror kung saan nakita niya ang dalawang kotseng nakasunod sa kanila.

"Alam kong gusto mong matuto ang  kambal sa normal na buhay ng isang bata.But for now ibabalik muna natin ang mga body guards nila"

Matapos ng nakakalarmang sinet-up ni Hana na pananakot sa kanila ng mga kambal ay nanigurado na si Chase na wala nang ibang makakalapit sa kanila. Nag-usap din si Lyan at Chase tungkol dito.

"Hana is brave enough to threaten me with a bomb. Hindi ko na alam ang mga susunod pa niyang gagawin"

"Wala naman pong bomba noon. Hinatid niya kami sa Farm mismo. Sabi din niya na hindi naman siya nagtratrabaho kay Hana"

Bigla namang itinabi ni Chase ang sasakyan sa tabi nang marinig niya ang sinabi ni Lyan. Laking gulat na tumingin si Lyan kay Chase dahil sa biglaang pag-preno naman nito.

"What did you just said?"

"Hindi raw po siya si Hana ang boss niya." She stuttered. Medyo kinilabutan siya sa reaksyon ni Chase.

"May sinabi ba siyang pangalan?" he asked.

"Ren daw po ang pangalan niya."

"Did you hear that, Kim? Look for that person" ang sabi naman ni Chase bago niya tuluyang inalis ang wireless earphone na nakalagay sa kanyang tainga.

Napansin ni Lyan ang kaagad na pag-bago ng kanyang mood at pinaharurot niya ulit ang sasakyan. Mas mabilis na ngayon ang pagpapatakbo niya kumpara kanina.

Isa ito sa mga bagay na napansin ni Lyan sa kanya. Mabilis na mainis o magalit si Chase kahit sa maliliit na bagay lamang.

"Relax.. " Lyan stroked the back of his head up to his hair. Nang tumigil sila dahil sa Stop Light ay unti-unting gumuguhit ang ngiti sa mukha ni Chase. Ito rin ang napansin ni Chase, tuwing makikita niya si Lyan ay nakakaya niyang i-kalma ang kanyang sarili..

"You know, I can't forgive anyone who will try to hurt you.. and the kids" kalmadong saad naman ni Chase. "Right now, you are the most important possession I have."

"Wala namang mangyayari sa amin." Napangiti na lamang si Lyan.

It was very unusual that the people see Chase carrying his twins at inihatid pa niya sa school ang mga ito. May mga nakaligtas na nag-picture sa mag-aama. Chase is currently wearing his office attire except for his black coat. Naka tupi lamang ang kanyang polo hanggang sa kanyang braso at nakasuot ito ng shades—to avoid eye contact to other people.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now