Chapter Fifty-Two

38.8K 1.1K 202
                                    

When does love stays forever?

"Lyn" ito na siguro ang pangatlong beses na tatawagin ni Juanito si Lyn habang nag-lalakad sila sa kalawakan ng mga palay na nag-sisimula pa lamang na lumaki.

"Lyn—" bumaling bigla sa kanya ito.

"Sandali lang ako doon sa Italya. Kailangan ko lang asikasuhin ang kumpanya. Masyado na akong nag-tagal dito ng walang plano. Pangako, pag-balik ko ay hindi na ako aalis." Sinuyo naman ni Juanito ito at hinawakan niya ang dalawang kamay  nito. Batid nitong ang rason kung bakit hindi siya kinikibo nito ay ang biglaang pag-balik niya ng italya.

"Paano kung hindi ka na bumalik?" Naluluhang saad naman ni Lyn.

Napangisi lamang si Juanito. Bigla namang lumuhod ito sa kanyang harapan na labis na ikinagulat ni Lyan.

Napaawang ang bibig ni Lyn nang makita niya ang maliit na box at nang binuksan ito ni Juanito ay tuluyan na siayng hindi nakapagsalita.

"Alam mo bang napakahirap humanap ng itim na perlas? Pero humanap ako para sa 'yo" ngiting saad naman ni Juanito

"Ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko sa isang tao. Alam kong Malaki ang agwat ng edad at ng mundo natin. " Bigla na lang tumulo ang mga luha ni Lyn nang mag-simula si Juanitong mag-salita.

"Pero ang nararamdaman ko sa 'yo ang siyang naglalapit sa ating dalawa. Hindi kita minamadali. Pangarap ko na maabot mo lahat ng pangarap mo sa buhay. Gusto ko lamang ibigay ang singsing na ito bilang palatandaan na, maari kang umuwi sa akin kapag handa ka na. Hindi kailangan ngayon o bukas.
Pero kaya kong mag-hintay hanggang sa....panahon na natin." Nang mag-angat ng tingin si Juanito kay Lyn ay puno na rin ng luha ang mga mata nito.

"Because obviously, It's not yet our time to be together.. But it doesn't mean that we stop this love right here. We can stay in love and wait for the right time...."

Pinatayo naman ni Lyn si Juanito habang patuloy sa paghihikbi ito. Bakit ng aba napakamapag laro ng tadhana kung minsan? Minsan kung hindi iyong tao ang mali, ang panahon naman ang siyang mismong mali.

"Mag-hihintay ako sa 'yo. Kakakyanin kitang hintayin." Inilahad naman ni Lyan ang kanyang kamay bilang senyales na maari nang isuot ni Juanito sa kanyang ang singsing.

Nang maisuot ni Juanito ito sa kanya ay sinunggaban ni Lyn ng mapusok na halik si Juanito. Gumanti ng buong puso si Juanito sa bawat pag-halik ni Lyn sa kanya.

**

"Sir. You have been staring for so long to that ring" Nabulabog ang pag-tulala ni Edward sa maliit na crystal container na nag-lalaman ng black pearl ring.

"No matter how many years has passed, this ring is the saddest thing I've ever seen in my entire life" Napabuntong hiningang saad naman ni Edward..

"Hindi ko pa rin magawang itapon." Napailing-iling ito at sinarado ang lalagyan.

"Amara was right. All the things that I did, they will all come back to me one day..." Tumayo naman ito mula sa kanyang upuan at nag-tungo sa malaking bintana kung saan niya nakikita ang malawak na view ng buwan ang ng ilang bituin sa kalangitan.

"I wish the old man could forgive me. But if he has already seen all of the things I did, marahil sinusumpa na ako nito kung nasaan man siya."

"Sir—"

"Abi, Did you know what is my greatest sin?" Edward turned to her with that bitter smile.

"My greatest sin is that I ruined their love. I totally end it tragically." Nagpakawala naman ito ng mahinang tawa. "I realized that I have become the person who I always fear. Pero huli na ang lahat. Wala na akong magagawa upang ibalik ang nakaraan."

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon