Chapter Twenty-One

54.4K 1.5K 152
                                    

Room Makeover!

Nabulabog ang umaga ni Chase nang may narinig siyang kaladabog mula sa mga kwarto ng mga bata.

Habang hawak hawak ang kape nito ay nagtungo siya sa hallway papunta sa kwarto ng mga bata.

"What--the...hell is going on?" Pahina nang pahina ang boses nito nang makita niya kanyang anak sa loob ng kwarto nila. Hawak-hawak ni Jin ang vacum cleaner at si Jana naman ay may hawak na Feather duster. A thin line formes in his lips as he looked at them wearing small aprons. May panyo pa sa ulo ng mga bata at talaga g terno pa silang dalawa ng suot. Para silang mga mini-maids.

"That's dangerous. Bitawan niyo 'yan" babala naman ni Chase at tuluyang pumasok sa kwarto nila.

Kinuha naman ni Chase ang Feather duster at itinabi niya ang vacum cleaner.

"Alam niyo bang hindi niya dapat ito hinahawakan. Sa matanda lamang ito." pinagsabihan naman ni Chase ang dalawang batang nakayuko.

"Jin-Jan! I have fruits for you!"

Nang marinig ni Chase ang boses na iyon ay agad siyang lumingon.

"Ano bang pinapagawa mo sa mga anak ko? Hindi ba't ang trabaho mo ay bantayan sila? Bakit mo sila pinag-lilinis"

Nagulat si Lyan dahil pansin ang galit sa tono ng boses ni Chase.

"Ah, Sir. General Cleaning po kase ngayong araw. Naisip kong isama ang mga bata para sa pag-lilinis ng kwarto nila. "

"Maalikabok masyado. Hindi pwede sa kanila ang mag-linis. Tawagin mo si Sally at siya na ang gagawa nito. "

Napaawang ang bibig ni Lyan sa sinabi ni Chase. Mukhang hindi maganda ang gising ng isang ito at umagang-umaga ay nagagalit ito.

"Siraulo 'to. Malinis na nga eh"

"Wow, ang linis naman. GoodJob! Jin-Jan. I-susunod naman natin ang mga books niyo. Tutulungan niyo ba akong i-ayos iyon?"

Bumalik naman ang sigla ng mga bata sa sinabi ni Lyan.

Gumising ng maaga si Lyan upang planohin ang makeover sa kwarto ng mga bata.

Habang nag-aalmusal sila kanina ay binilisan niya ang pag-linis ng kwarto nila. The kids also volunteered to help and It was a good idea. Binihisan ni Lyan ang dalawa upang lalo nilang ma-enjoy ang pag-lilinis. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan na maaring hindi pa nila alam kung paano mag-linis ngunit ito ay initiative ng mga bata.

"Wah" Napamangha ang dalawang bata nang inilapag ni Kim ang isang karton ng storybooks

"Are you excited? Babasahin natin lahat ng ito" Napayuko naman si Lyan at pinamasdan ang ekpresyon sa mukha ng mga bata.

"I want the dinosaur one" masayang sabi ni Jana nang makuha niya ang dilaw na libro na tungkol nga sa dinosaur.

"Sige Let's fix these. lagay natin sa shelf."

Nagtulungan naman si Jin at Jana na ilagay ang mga libro sa bookshelf nila.

Childcare552: Napakahalaga ng pagpapaunawa sa mga bata ng mga gawaing bahay. Giving them task such helping at home will make them feel the sense of being responsible.

Nag-lagay din sila Lyan ng malilit na Lamesa at mini sofa sa may malapit sa book shelf. Katabi ng bookshelf ay inilagay naman ni Lyan ang speaker kung saan nag-papatugtog ang mga bata.

"Nagiging makulay na ang kwarto nila. Dati ay napakaboring" hindi niya inaasahang mangangaling iyon kay Kim.

"Akala ko ako lang nakaisip niyan" Napabuntong hiningang saad naman ni Lyan.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now