Chapter Six

56.8K 1.7K 72
                                    

Challenge from the Boss!

Napaawang ang bibig ni Lyan nang bigla niyang maramdaman na tumahik yata ang buong bahay matapos niya mapasigaw.

Nakita niya ang mahinang pagtawa ni Sir Chase. Gwapo sa malapitan, Gwapo parin sa malayuan. Anong klaseng nilalang ito? Pati pagtawa poise na poise.

"Pwede ko bang makausap muna si Lyan?" paalam naman nito kila Secretary Kim at Aling Teressa.

Parang gusto na lamang ni Lyan sumama kila Sally habang paalis sila ng Kusina. Ito na ba yung D-Day? Na sesesantihin na naman siya?

"Gusto mo bang kumain muna bago tayo magusap?" He asked.

"Hindi po. Sabihin niyo na po ngayon" Napailing iling si Lyan

"Well, You may have seen my kids. Hindi ordinaryong Nanny ang katapat nila." Ang sabi naman ni Chase.

"I can raise your pay..."

Parang nag spark ang mga mata ni Lyan na napatingin kay Chase. "Talaga po!?"

"If.. you successfully accomplish my challenges"

Saglit na napatigil si Chase pagkain at pinunasan niya ang kanyang bibig. Hindi rin alam ni Lyan kung bakit pati sa pagpunas niya ng labi ay nakaantabay siya. But It was worth it. Saan pa ba siya makakakita ng ganitong kapula at kasexyng labi?

"You see, My twins are very picky eater. They aren't eating proper meals. Panay chocolates. "

Napatayo si Chase. Nag angat din ng tingin si Lyan sa kanya. Kanina pa nakatuon ang titig niya dito. Ni minsan hindi pa niya inilipat ang titig niya.

Chase doesn't look like a Dad. Napakakinis, Matipuno. Tamang tama ang pangangatawan sa kanyang tangkad. Siguro nakakadagdag ang mga damit niya sa kagwapuhan niya. But all in all. Chase is a complete total package. Matalino tignan, Malinis, at napakaporma.

"If you make them eat a proper meal. I'll raise your pay. If your challenge is consistent. Ibibigay ko ulit ang pangalawang challenge" Napatigil si Chase sa harapan niya.

"For every accomplished challenge, Your pay will be higher."

Wala sa isip na napatango tango lamang si Lyan habang nakatingin sa kanya. "I need an answer. Not just..you know gestures"

"Ah! Opo Sir. Ako pa! Kayang kaya po yan!" Parang nagulat si Chase sa pagkalakas lakas na boses ni Lyan.

**

Bago tumuloy sa kanyang kwarto si Chase ay nakita niya ang pintoan sa kwarto ng mga bata. Mukhang maaga napatulog ang dalawa ngayon. Dahan dahan niyang i-sinarado ang pintoan.

He could give a good life to twins. Maliit na bagay lamang 'yan sa kanya. He was able to leave his life in Italy at nagpatuloy siya dito. Everything went smoothly with his business. He is successful and rich.

Lahat ng bagay kaya niyang ibigay sa kanila. But there is one thing that he can't give—A new replacement to their Mother.

Aminado naman si Chase hindi pa kaya ng dalawa na palitan ang Mama nila. Isa pa, He is not close to them and it felt like they are not acknowledging him as their Father. Isa rin siguro sa mga rason kung bakit walang nagtatagal na Nanny sa kanila ay dahil pakiramdam nila walang nang ibang mas hihigit pa sa Mama nila.

He felt bad for them. Ang mawalan ng Ina sa maagang edad ay masakit at mahirap. But the twins has a life ahead of them. He still needs to find a way to give them a bright future. Kahit ito man lang ang maibigay niya bilang isang Ama.

Nang makapasok siya sa kanyang silid ay nadatnan niya si Secretary Kim na inaayaos ang kanyang higahan.

"What's with this?" Napangisi siya nang makita niya ang kanyang kama na napakaayos. Parang ngayon lamang inayos ito ng kanyang sekretarya.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now