Chapter Four

61.4K 1.6K 86
                                    

Mr. Handsome in the House!

"Senyorita! Senyorito! Gising na po!"

Malakas na pinatunog ni Lyan ang alarm clock para gisingin si Jana at Jin. Pero nagtalukbong ang dalawa sa kani-kanilang kumot at hindi parin bumangon. Napilitan siyang lapitan ang dalawa sa kanilang kama at inalis ang kumot

"I wanna sleep!" sigaw naman ni Jin at sinubukang agawin mula sa kanya ang kumot.

"Hindi pwede senyorito. Kayo ay papasok na po" Inilayo niya ang kumot ng dalawa at binuksan ang kurtina ng mga bintana upang mapilitan na silang bumangon.

"Inihanda ko na rin ang mga pampaligo niyo. Kaya Go na!"

"You're so loud!" reklamo naman ni Jana habang napakumot ito sa kanyang ulo at pumasok na sa CR.

Habang nagliligpit si Lyan sa kwarto ng mga bata ay napansin niya ang isang litrato sa ilalim ng unan ni Jin.

"Ang ganda naman niya"

Namangha ito nang makita niya ang isang larawan ng babaeng may kaputian at medyo singkit ang mga mata. Nakasuot ito ng puting bestida ay nakalugay ang kanyang buhok mula baywang.

"Ito kaya ang mama nila? Ang ganda naman niya" Hindi niya mapigilan mapamangha sa babae sa larawan. And why would Jin hide something like this in his pillow? Napalinga si Lyan sa buong silid. Napaka simple lang ng kwarto ng mga bata. Walang laruan o kahit anong storybooks. Kung iisipin mo parang hindi halatang kwarto ng isang bata.

Nang marinig ni Lyan ang pagbukas ng pintoan sa CR ay agad niyang itinago ang larawan sa unan ni Jin. Nilapitan niya agad si Jin at Jana na naka bathrobe na ngayon.

"Sanay ba talaga kayong sabay maligo?" Napangiti si Lyan habang pinupunasan niya si Jin.

"We have separate shower room. Don't mind me. I can handle myself" akmang pupunasan na sana niya si Jana pero dinaan siya nito sa english niya. Mas diretso pa yata ang pag english ng mga bata kaysa sa kanya

"Ilang taon na nga ulit kayo?"

"6" sumagot naman si Jana habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Mayroon din kase itong sariling desk na may salamin at ilang mga essentials. Habang tinititigan ito ni Lyan ay para siyang dalagang highschool at mukhang sanay na sanay ayusin ang sarili niya.

"Ang bata niyo pa pala. Hindi na ba kayo naglalaro ng toys?"

"Dad hates toys." Napansin ni Lyan ang pagyuko ni Jin.

Mula nang dumating siya dito ay napansin niya ang kakaibang lamig sa mga mata ni Jin. Bihira man niyang makita si Chase sa bahay pero napapansin niyang hindi talaga maganda ang relasyon nilang mag-aama.

She was always wondering the feeling of having a father. Bata palang kasi si Lyan ay namatay na ang Ama nito. Nasanay na siyang mabuhay na ang Nanay lamang niya ang kanyang magulang.

This house is so huge but she realized how empty it is.

"Alam niyo ba noong 6 years old ako,  May mga toys ako nun. Mga pinaglumaan ng kamag anak namin. Tapos nakikipaglaro ako sa labas. "

Napansin ni Lyan na parang hindi nakikinig ang dalawa sa mga sinasabi niya.

"I'm a bigboy now. I don't need toys" ang sabi naman ni Jin at inagaw ang towel mula kay Lyan. "Labas ka na. " napaatras si Lyan nang itinulak siya ni Jin sa pintoan.

"Hmmm. Mana manahan talaga ang pagiging masungit" Napailing iling nalang si Lyan nang padabog na isinarado ni Jin ang pintoan.

Napadungaw siya sa baba nang may marinig siyang boses. Mukhang si Secretary Kim iyon na may kausap sa ibaba.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now