Chapter Twelve

57.5K 1.9K 103
                                    

This Chapter is dedicated to villalynlacayanga

**

Bad Move

I-pinangako ni Lyan na uuwi siya ng maaga ng Lunes upang maihatid pa  niya ang mga bata sa eskwelahan. Para na rin makapag luto siya ng baon nila.

Nang papasok na sana siya sa malaking pintoan ay nadatnan niya si Jin at Jana sa tapat ni Chase. Base sa hitsura ng dalawang bata ay mukhang pinagagalitan sila ni Chase.

"Lagi na lang ba kayong ganito? Nag-hahanda ako para sa trabaho ko tapos ang tigas tigas ng ulo ninyo. Huwag niyo nang papasukin sa eskwelahan ang dalawang ito."

Umalingawngaw sa loob ng bahay ang galit na boses ni Chase. Malungkot ang mukha nila Sally nang magtinginan silang dalawa ni Lyan.

"Ikaw Jin, Tama ba na Paglaruan mo ang mga bagay na hindi sayo?" Naalarma nalang si Lyan nang hawakan ni Chase sa braso si Jin.

"Jin" agad na lumapit si Lyan sa mag-aama.

"Stay away, Lyan. I'm talking to my kids." Seryosong saad naman nito sa kanya.

Napatingin si Lyan sa box ng Kakanin na natapon sa sahig.

"Jin played with that. It was an important gift to my business partners. Kailangan ko siyang pagalitam dahil hindi na tama ang ginawa niya" Akmang lalapitan ni Chase si Jin pero hinarang ni Lyan ang katawan niya sa kanya.

"Anong oras po ninyo kailangan ang mga iyan?"

"Before Lunch. "

Tinalikuran ni Lyan si Chase at humarap kay Jin. "Umakyat na muna kayo ni Jana sa taas at magpalit. Pupunta na kayong school dali na" Ngumiti si Lyan upang pagaanin ang loob ng dalawa

Agad na umakyat ang dalawa. Chase was startled as to how they obeyed her.

"What was that? I was talking to them." His voice is even more scarier this time.

"Hindi niyo po dapat pinagalitan si Jin sa harapan ni Jana. O kahit sino sa kanilang dalawa sa harapan ng marami. " Napayuko si Lyan dahil nagdadalawang isip ito kung tama bang nagsalita pa siya sa kalagitnaan ng galit ni Chase.

"Nakakalimutan mo na ba kung anong trabaho mo dito? I told you to stick with your job!" Napasigaw si Chase sa Galit. Niluwangan niya ang kanyang necktie at napahinga ng malalim.

"Papalitan ko nalang po ang tinapon ni Jin na kakanin. "

Nagtungo si Lyan at kinuha ang malaking box na pinaglagyanan ng kakanin. Mamahalin nga ang mga ito. Pati ang lalagyan ang parang gawa pa sa matibay na plastics na kulay red at may disenyo pa. Ang mga kakanin lang naman ang papalitan. Maari pang gamitin ang container.

"Alam mo ba kung gaano katagal 'yan niluluto?"

"Depende po sa klase. Kakanin na may latik lang naman po ito. " Napatayo si Lyan.

"Kayang kaya ko po ito lutuin hanggang mamaya. "

Ang pagtama ng kanilang mga mata ay hindi inaasahan. Chase slowly calmed down as she was talking with him.

"Make it Special. Huwag mo akong ipahiya" Pagbabanta naman nito kay Lyan.

"Nako, Lyan.. Ako na muna ang maghahatid sa mga bata. " Habang papapunta sa kusina si Lyan ay sinundan siya ni Sally.

"I'll buy you all the ingredients, I-sulat mo lahat." Nagulat si Lyan nang biglang lumapit si Kim sa kanila sa kusina. He is very serious right now.

Ginamit ni Kim ang natitira niyang oras para bumili ng lahat ng kakailanganin ni Lyan para sa pag-luluto ng suman latik.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now