Chapter Twenty-Seven

51.6K 1.8K 337
                                    

Heart, Stop..

"Para kang nag-tratrabaho sa 911." Pinagmasdan ni Joy si Lyan mula ulo hanggang paa. Samantala ay hindi naman nabaling sa iba ang atensyon niya at nanatili lamang ito kay Chase.

"First Aid Kit, Check. Water, Gatorade, Pineapple Juice, Check. Extra T-shirt check, towels check, Tsinelas, Check. Snacks, Check"

"Ano ka ba, Baka may masamang mangyari sa amo ko" Nag-aalalang saad naman nito habang nakatingin kay Chase at sa ibang mag-sasaka. Kasalukuyan nila itong tinuturuang mag-tanim ng palay. Sinubukan ni Lyan na kausapin si Chase na huwag na lamang ituloy ito pero hindi niya maintindihan ang pagmamatigas ni Chase.

"Sino bang namamatay sa pag-tatanim ng palay, Lyan?"

"Malay mo madapa siya tapos magkasugat siya. O dikaya mastroke sa init. Hindi ba ganon iyong mga CEO sa drama? Bigla bigla nalang silang aatakihin kase may sakit pala sila. Nako-Aray!"

Napahawak naman si Lyan sa kanyang ulo pagkatapos siyang masabunutan ni Joy. "Manood ka pa ng drama para lalo kang maging paranoid. Pag-igihan mo"

"Pero habang tumatagal na pinagmamasdan ko ang Boss mo, fit na fit sa kanya iyong pantalon na nahiram mo ha. Nababakat  ang magandang hulma ng pwet niya. Nag gygym ba siya?"

"Oo nga eh. Feel ko, Oo kase anim ang abs niya."

"Grabe! Nabilang mo iyon?"

Napaawang ang bibig ni Lyan nang mapagtanto niya ang kanyang mga sinabi. Did she just fantasize her Boss?

"Oh!" Bigla namang lumusob sa kaputikan si Lyan nang makita niyang kamuntikan nang na-out balance si Chase

"Sir! Okay lang kayo? Nasan po ang masakit?"

Umilag naman kaagad si Chase nang makalapit si Lyan sa kanya dahil kamuntikan na siyang natamaan ng payong na hawak niya "Actually okay lang ako, Kamuntikan na akong mabulag dahil sa payong mo" Mahinang napatawa naman si Chase.

"Trust me on this one will you?"

Chase looks so passionate in whatever he does. Dahil sa hindi masyadong magandang relasyon ni Chase sa kanyang mga anak ay hindi naman inaasahan ni Lyan na mapapakisamahan niya ang mga mag-sasaka dito. He seemed smiling a lot today. Nakarinig din siya ng tawanan at kwentuhan. It's good to see Chase being mixed up in a crowd. Parang nagiging katulad siya ng ibang normal na tao siya bawat araw.

It's like déjà vu

It seems like Chase is almost having the same progress just like the twins.

Nang umahon si Chase sa kaputikan ay napansin ni Lyan na maraming putik ang kanyang damit. Hindi naman na niya ito natawag nang dumiretso ito sa poso.

"S-Sir" Agad na tumingin sa ibang direksyon si Lyan nang makita niyang nag-hubad ito ng damit.

"Lyan, may sabon ka bang dala?" Napapitlag naman ito nang bigla siyang sumigaw.

"M-meron po akong d-dala d-dito" Inilahad naman ni Lyan ang isang sachet ng sabon

"Hindi ko maabot ang layo mo. Pwede bang lumapit ka" Dahil mas lalo siyang nataranta sa utos ni Chase. Hindi na siya nakaisip ng ibang paraan upang mai-abot kay Chase ang sabon. Hinagis na lamang niya ito sa direksyon kung saan naghuhugas si Chase.

"Galit ka ba?" Narinig niya pang sabi nito.

Huminga naman ng malalim si Lyan at nagpaypay gamit ang kanyang mga kamay

'Bakit ka ba nag-huhubad, Sir hindi naman tayo nag phophotoshoot' bulong naman nito sa kanyang sarili.

"Kanina ko pa naamoy iyong bananaque, Nakakagutom" Naramdaman naman ni Lyan ang presensya ni Chase sa kanyang tabi.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now