Chapter Forty-Five

50.9K 1.3K 117
                                    

Dangerous Love

Habang sinusundan ni Lyan si Jin na takbo ng takbo dito sa playground ay natanaw niya ang isang pamilyar na babae na papalapit ngayon sa kinaroroonan nila.

"Tita Ciarra!" galak na sinalubong ni Jana ang babae. The girl in an orange dress smiled as she carried Jana. May kasama ding itong body guards. She was sure that those guards don't belong to Chase. Iba ang pormahan ng mga guards na nakasunod kay Ciarra. Pansin din niyang hindi Pilipino ang mga ito.

"Walk with me." Hindi naman inaasahan ni Lyan ang sinabi ni Ciarra nang makalapit siya dito.

Mga ilang minuto ang iginugol ni Lyan sa pag-lalakad lakad kasama ni Ciarra. Tangkahin man niyang kausapin si Ciarra ngunit halos magka-pareho sila ni Chase. Nakaka-intimidate kasama. It's so surprising that she really look elegant and beautiful. Magkapatid sila ni Chase, same genes runs on them.

"I'm pretty sure you heard about Hana's announcement on RosaKing's opening" Hindi naman nakagsagot kaagad si Lyan sa bungad ni Ciarra sa kanilang usapan.

If she were to ask, she knows it's just her tricks. She is very aware of her games also, Chase confirmed to her that it wasn't real. Hindi na niya pagdududahan ang mga salita ni Chase.  She also decided that she would face her feelings, if she really wants to be with Chase then she has to be a part of this too. Hindi na niya iiwan lahat kay Chase.

Ngunit sa mata ng ibang tao at sa pamilya ni Chase, Hana is the best candidate to be his partner. Silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng pag-mamahalan nilang dalawa.

"Kung ganon, nakapagdesisyon ka na ba?" Nang humarap na si Ciarra sa kanya at bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba. Parang kausap niya lang din si Chase ngayon.

Ciarra's eyes are like compelling her to give her answers. Though she was trying hard not to open her mouth. Pero kusa ka na lang mapapasagot tuwing titignan ka niya sa mata.

"Hindi madali ang mundong pinasukan mo, Lyan. Chase's world is so much for someone like you to take. Higit sa lahat, hindi ka kayang ipagtanggol ni Chase sa lahat ng sitwasyon. Soon you will have to go down by yourself.. This kind of love doesn't last forever..."

Nakaramdam kaagad ng kirot sa kanyang dibdib si Lyan sa sinabi ni Ciarra. She couldn't reject every word she is saying because at some point, it yields to the truth. This love that she has with Chase isn't easy. She knows that at first, kaya naman sinubukan niyang pigilan ito. Ngunit tuwing nag-wawala ang puso walang santong pinapakinggan ito. This love consumed her, kaya naman itigil na niang pagkaitan ang sarili niya sa tunay niyang kagustuhan.

"Alam kong, darating kami sa puntong kailangan pumili ni Sir Chase." Nag-lakasloob naman itong mag-salita. With all her strength she tried to halt the tears that are about to come. "Kung sakaling hindi na niya ako pipiliin, Maiintindihan ko.."

Matapos niyang tumigil ng ilang segundo dahil sa sunod sunod na mabibigat na hiningang pinakawalan niya ay nagawa na niyang mag-angat ng titig kay Ciarra "Pero kay Sir Chase ko dapat maririnig na 'ayaw na niya'.. Hindi sainyo o kahit kanino man."

She was confused for a moment as to how she was able to let those words out especially to Ciarra. But she has already made up her mind. No Running away..

"Kapag malabo ang lahat, laging nandiyan si Sir Chase para linawin sa akin ang mga bagay-bagay. But it was only this time that I realize the love that he is trying reach out to me. I should be worthy of that love.." She sniffed. Tuluyan nang namuo ang mga luha sa kanyang mata ngunit bago pa man ito tumulo ay kaagad niyang pinunasan ang mga ito.

"Tsk." Bigla namang napahawak sa baywang si Ciarra at nagbuntong hininga pa ito. "This will be a painful battle. " mahinang saad naman nito.

"But knowing my brother.. He's  really in love with you" she said.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now