Chapter Eleven

58.3K 1.7K 125
                                    

This Chapter is dedicated to Ziemonia_0012

**

Day Off

Nagkaroon ng pagkakataon si Lyan na bumalik sa San Silvestre upang bisitahin ang kanyang mga kapatid at ang kanyang Nanay na kahit Sabado ay nagtitinda parin sa harapan ng Palengke.

"Nay! Andiyan si Ate!" Nang matanaw siya ni Aries mula sa di kalayuan sa kanilang pwesto ay lumabas ang kanyang Ina na may hawak hawak pang sandom. Mukhang nasa kalagitnaan pa ito ng pagpriprito.

"Ano 'yan ate?"

Ibinigay ni Lyan ang mga dala niyang supot kay Aries. Dumaan muna kase ito mga Grocery kanina upang ibili ng makakain ang kanyang mga kapatid. Napalawak din ang ngiti ni Aries nang makita niya ang isang bucket ng Jollibee Chickenjoy

"Oh Fara nandito ka rin pala?" Sinalubong din siya ng isa niyang kapatid na mas matanda ng dalawang taon may Aries.

"Ang dami naman ng binili mo Anak." Hindi makapaniwalang sabi ng kanyang Nanay habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na hinahalungkat ang mga pinamili ni Lyan.

"Nako, Nay. Konti lang 'yan. Medyo malaki ang bigayan sa bagong trabaho ko. Kaya Nay, kapag nagtuloy tuloy na po ako doon huwag na po kayo mag-tinda"

Napailing iling naman ang kanyang Nanay Estella  "Hindi Anak. Malakas pa ako saka kayang kaya ko pa. Mababagot lang din ako sa bahay"

"O sige. pero kapag di kaya huwag nang magbubukas Nay ah.."

Natutuwang pinagmasdan ni Lyan ang kanyang dalawang kapatid habang abala sa pagkain ng Chickenjoy. Dahil malapit ang pwesto nila sa Jollibee at hindi maiiwasang maamoy ang chicken doon ay lagi silang natatakam at matagal na nilang gustong makatikim ng pagkain sa Jollibee.

Napatingin naman bigla si Lyan sa kanyang Ina na nagbabalot ngayon ng Turon.

Lumapit ito sa kanya at ikinagulat ng kanyang Nanay ang pagyakap ni Lyan sa kanya.

"Oh? Bakit may problema kaba?" Nag-aalalang Lumingon kaagad ito sa anak at iniangat ang ulo ni Lyan na sumbsub sa leeg niya.

"Wala. Sobrang nagpapasalamat po ako na Ikaw ang naging Nanay ko.." Umupo si Lyan sa kanyang tabi.

"Hindi ako nag-sisisi na lumaki ako sa hirap at kahit mahirap parin tayo ngayon Okay lang sa akin, Nay" Napangiti naman si Lyan habang pinipigilan ang kanyang luha. "Mas mahirap mawalan ng Ina kaysa mawalan ng masarap na ulam at magandang bahay."

"Nako, Bakit naman naiiyak ang panganay ko?" Pinunasan ng kanyang ina ang luhang tumulo sa mata ni Lyan.

"Diba't noong bata ako ay lagi 'kong pinapangarap na sana maging mayaman ako. Pero, noong tumira ako sa bahay ng amo ko, Ang lungkot.."

And then she suddenly remembered the twins.

Kung tutuusin parang prinsesa at prinsipe si Jin at Jana. Parang palasyo ang kanilang bahay sa sobrang lawak at laki nito. Mas marami pa ang bodyguards at kasambahay nila kaysa ang bilang ng taong babantayan sa bahay nila.

"'yong amo ko laging nasa trabaho. Ang mga bata naman ay bihira ngumiti. Noong ganon ang edad ko ang saya saya ko na kapag naka kupit ako ng 3 pesos sayo. Tatakbo ako sa tindahan para bumili ng candy" Natawa naman ito bigla.

"Ikaw talaga, di nagkukupit ka nga noon" Kinurot ni Gina ang anak sa tagiliran

"Shinashare ko naman sa mga kapatid ko, Nay talaga." Napahalakhak din si Estella habang inaalala ang mga nangyari noong bata pa sila.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now