Chapter Twenty-Two

54K 1.7K 307
                                    

Different Worlds

San Vidad Business Ball happens once a year. For the people of San Vidad, this is one of the most important events of the year. Ang Business Ball ay gathering ng lahat ng mga mayayamang negosyante. But you must pass the minimum requirement for net worth assets. Ibig sabihin ay kung isa kang normal na negosyante lamang ay hindi ka makakasama. Ito ang event na para sa mga pinakamayaman na negosyante sa buong San Vidad.

Inaabangan din ito ng ibang tao dahil sa 'Auction' na mangyayari. Kung saan mayroong bidding ng mga limited edition items at pag-aagawan ito ng mga businessmen. And the highlight of the event is the last one item that determines the richest businessmen.

There is no doubt that Kalix Guanzons, the CEO wins the most expensive item every year, making him the richest businessman of San Vidad. Hindi naman na ito nakakapagtaka dahil nangunguna rin ang Guanzons sa pinakamayamng syudad sa buong San Vidad. It has been like this for a long time. Na umabot na sa puntong ipinangalan na nila sa kanila ang buong lugar. Dahil malapit nang makuha lahat ng mga Guanzons ang lupa sa lugar nila.

In the past years, Gilberts takes the bottom place always. Nitong mga taon lamang na umaakyat ito ng position sa rankings.

And everyone is looking forward this year because Gilberts will have a new face.

Ang flash ng mga camera ang sumalubong kay Chase nang makababa ito sa kanyang limousine. Lalong nag-init ang salubong ng mga tao nang makita nila si Hana na lumabas din sa limousine

Paniguradong laman ng headline ng balita bukas na ang Date ni Chase ay ang Dyosa ng buong San Vidad na si Hana Grace.

She is wearing a gold long gown and accessories the totally goes along with her gown. Usap usapan din na lahat ng suot ni Hana ngayon ay galing kay Chase.

Chase wears a simple black tuxedo with a gold ribbon in it. Lahat ng attire nila ay inorganize mismo ng isang designer mula pa sa Italy.

"How do you feel?" Bumulong si Chase sa tenga ni Hana habang nag-lalakad sila papasok sa loob.

"I'm trembling. Hindi ko alam, Siguro ay dahil kasama kita" She smiled.

The Venue for this is event is the Mercedes Ye Alonda. Ang palasyo sa San Vidad na prineserve ng mahabang panahon. Matatagpuan ito sa Syudad ng Garrisons. As the hosting City, this event will surely be a pressure on them.

Each table is assigned to a corresponding businessman. Hindi naman inaakala ni Chase na magkatabi pa ang table nilang dalawa ni Kalix.

"That was a cool entrance" Nang makaupo si Chase ay kaagad na nag-salita si Kalix.

"Well, Ano pa nga ba at nandito ako." Chase maintained his smile as he respond to Kalix. Mahina namang napatawa si Kalix.

"Nagustohan mo ba ang regalo ko sa'yo?"

Napakuyom ang mga palad ni Chase nang marinig niya ang sumunod na sinabi niya. Pinigilan niya ang sarili sa gusto niyang gawin. He wanted to punch Kalix. But this isn't the right place to do that.

"Thank you. I'll send you a gift soon too." Pagbabanta naman sa kanya ni Chase. But Kalix just laughed. Mukhang hindi talaga natitinag ang binata.

Kalix is known as the CEO of Guanzons. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Chase ang diskarte nito sa trabaho. He is good in his dirty tricks just to win everything. Ito na rin siguro ang rason kung bakit hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan. Maraming na-ibalita na naging ka-affair nito ngunit bigla din naglaho. He was caught in some scandals to before, but he is good in pulling some strings.

When Kalix started doing some tricks to Chase, that is the gift that he is referring to. Kabilang na roon ang pagkahuli ni Othan noon sa Police Station. And the latest gift from him now is an information about Hana.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now