Chapter Fifty-Three

40.2K 1.2K 75
                                    

This Love that consumes...

"Edward" Bago pa man din pinihit ni Edward ang doorknob ay tinawag siya ni Don Juanito na kasalukuyang nasa kanyang higaan.

"Hindi ba dapat nag-papahinga na kayo?" ang saad naman ni Edward at lumapit sa kanya. Kanina kase ay tulog ito kaya hindi na niya ito inistorbo.

"Babalik ka ba ng pinas ngayon?" Nagpumilit pa itong bumangon kaya agad niyang inalalayan ito.

"I had to attend a meeting there. Sasama si Amara sa akin. " tugon naman nito.

"I wish I could go." Napansin ni Edward ang luha na nagilid sa mga mata ni Don Juanito. Nakatingala lamang ito sa kisame at pansin mong parang nag-hahabol na ito ng hininga.

"I want to see Lyn."

"Ilang beses na natin siya hinanap hindi na siya nagparamdam" inis na saad naman ni Edward.

"Mukhang tama lang na hindi na kami nagkatuluyan" Tuluyan nang tumulo ang luha ni Edward. "I don't want her to feel alone when I die.."

Nag-iwas ng tingin si Edward. He is aware that he had something to do with this.Dahil sinadya niyang hindi ipaalam kay Lyn lahat ng gustong sabihin ni Don Juanito sa kanya at ang kanyang kalagayan.

When they came back here in Italy, he saw this as an opportunity to totally remove Lyn from his life.

"But I really want to hear her voice now.." Napapikit pa siya.

"Magpahinga na lang kayo. Don't think of her." Itinaas naman ni Edward ang kanyang kumot hanggang sa dibdib nito.

Nang araw na iyon ay nag-tungo si Edward sa Pinas upang asikasohin ang papeles ni Amara dahil napagdesisyunan na nilang tumira sa Italy. Mula nang magkasakit si Don Juanito ay siya na ang umasikaso sa lahat ng negosyo at ari-rian nito. Kaya naman napagdesisyunan niyang doon na lang siya magsisimula ng kanyang sariling pamilya. But before everything else, he needs to settle something, reason why he also came here in San Silvestre.

Sa malayuan pa lamang ay nakita niya si Lyn sa harapan ng kanilang bahay. Nabitawan ni Lyn ang hawak hawak niyang basket ng ilang gulay na kakatapos lang niyang pitasin.

"Edward!" tumakbo ito papalapit sa kanya. "Si Don Juanito ay kasama mo ba? Nasaan siya?" Kaagad na namula ang mga mata nito at tumingin sa kanyang likoran.

"Hindi ko siya kasama. Naparito ako upang ipaalam sa 'yo na wala na siyang interest upang balikan ka. I just wanted to inform you so you won't wait any further' ito lang naman ang sinabi ni Edward at tinalikuran na niya ito.

"Iyong mga sulat ko... ay hindi nakarating sa kanya diba?" mistulang napako si Edward sa kanyang kinatatayuan.

"What are you saying?" kunot noong saad naman nito nang humarap ulit siya kay Lyn.

"Hindi nakarating kay Juanito ang mga sulat ko. Isang buong taon ako nag-hintay. Imposibleng nakalimutan na niya ako" Naluluhang napailing-iling naman si Lyn.

"Narinig kita noon. Bago kayo umalis, balak mong akinin ang lahat ng ari-arian niya. Kaya hindi rin ako mag-tataka kung pati siya ay ilalayo mo sa akin!" bigla namang napataas ang tono ng boses ni Lyn.

"Tumigil ka sa mga sinasabi mo!" mahigpit na hinawakan ni Edward ang panga ni Lyn dahil sa inis niya.

Natahimik naman silang dalawa nang may marinig silang iyak ng bata.

Nanlaki ang mga mata ni Edward na tumingin kay Lyn. Buong lakas namang kumalas si Lyn sa kanya at tinakbo ang bata sa loob na umiiyak.

"Shh... baby andito na si Nanay." Kinarga naman niya ang baby mula sa kanyang duyan.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now