Chapter Twenty-Six

52.1K 1.6K 192
                                    

Follow You

Nadatnan ni Lyan si Chase sa labas ng mansion. Mukhang walang pasok ito ngayon dahil hindi siya naka office attire. Naka shorts lamang ito at naka T-shirt ng may collar. Napakasimple pero napakalinis tignan. Isa sa mga nagustohan ni Lyan kay Chase ay ang pagiging malinis nito. Napakaayos ng buhok nito lagi.  Sa gilid sa hati ng buhok, at pinatigas gamit ng wax.

"Are you ready?" Napalingon naman si Lyan sa kanyang likoran at hinanap kung sino ang kausap ni Chase.

"Ako po?" turo naman nito sa kanyang sarili.

"No, I meant that plant at your back"

"Ano po?"

"Yes Ikaw. Kung wala ka nang hinihintay pa na iba, Lumakad na tayo" sabi naman ni Chase habang hinahalungkat ang kanyang cellphone.

"Bakit meron bang tayo?"

"Ano?"

Napailing-iling naman kaagad si Lyan sa kanyang sinabi. Hindi na niya namalayan nakatulala na siyang pinagmamasdan si Chase.

"Sabi ko po. Aalis na po muna ako"

"Kaya nga. Tara na, ihahatid kita diba?" Ibinulsa naman ni Chase ang kanyang cellphone at binuksan ang pintoan sa harapan.

"Hindi na po, Sir. Mas mablis po kapag commute"

"Tinatanggihan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang mag-taas si Chase ng kilay niya. He looks scary this time. Nataranta naman siyang pumasok kaagad sa sasakyan. Mas pipiliin na lamang niyang mag-pahatid kaysa naman magkaroon pa ng posibilidad na masesanta pa siya nito. Afterall, He's the Boss.

Tinanggap ni Lyan ang suhestyon ni Chase na umuwi ng ilang araw muna sa San Silvestre. Mukhang kailangan niya din ng kahit ilang araw lang na pahinga. Those days the she were on the hospital consumed her energy. Nararapat lang na mag-pahinga muna siya. She was so thankful for his thoughtfulness. Mabuti nalang hindi mabagsik si Chase na employer. He thinks the concerns of his employees. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan ito. Napansin din niyang maayos ang pakikitungo niya sa mga tao na nasa paligid niya. Kung para saan pa't nagtagal ang kanyang mga kasama sa bahay at ang kanyang secretary na si Kim.

"Gilberts is buying a portion of San Silvestre hindi ba?"

"Opo. Pero nag proprotesta ang mga mag-sasaka ng San Silvestre. Dahil kapag papatayuan na ng buildings ang sinasaka nila, wala na po silang hanap-buhay" Napatango-tango naman si Lyan kay Chase.

"I think, Gilberts stands firm on that decision."

"Hays, Sir.. Kung makikita niyo lamang po ang lugar namin. Napag-iwanan na po ng San Vidad ang San Silvestre."

Halos tatlong oras lang din ang itinagal ng byahe. Hindi pa rin makapaniwala si Lyan na si Chase mismo ang nag-dridrive para sa kanya. And this is the only time that she realized, bakit hindi siya nag-sama ng drivers? Hindi pa niya ito nakitang nag-drive papunta sa opisina, kaya naman bigla itong nakaramdam ng hiya.

Napabagal ang takbo ng sasakyan nang makapasok sila sa bungad ng San Silvestre. Nakita ni Chase ang maraming tao sa gilid ng daanan. Tama nga ang sinabi ni Lyan, na maraming nagproprotesta.

"Dito na rin ba sila natutulog? Bakit ang daming tao?" Hindi napigilan ni Chase ang mapatingin sa mga tao na nasa gilid ng daanan. Ito na rin siguro ang sanhi ng pagbagal ng usad ng mga sasakyan papasok at papalabas ng San Silvestre.

Matanda man o bata ay kasama rin sa pag-proprotesta.

Napatigil ang tingin ni Chase sa isang matandang lalakeng may hawak na karatula. Mukhang nasa 70 na ang edad ng matandang ito. Karamihan sa kanila ay mag-sasaka.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now