Chapter Fifteen

60K 1.7K 180
                                    

The Queen Arrives... again

Napatingin si Jin at Jana sa mga malaking bowl na inilapag ni Lyan sa mesa. In preparation for Holloween, Hiningi ng kambal ang tulong ni Lyan para sa kanilang Halloween party na gaganapin sa kanilang school. Syempre, hindi mawawala ang 'Treat or Trick". And this includes giving sweets on halloween.

"Wow. First time niyong makikipag Treat or Trick" Ang sabi naman ni Sally habang tinutulongan si Lyan sa mga hinahanda nilang ingredients.

Hindi naman na bago ang pagiging Isolated ng kambal. Lyan also encourage them to participate, bakas naman sa mga mukha ng mga bata na nais din nilang maranasan ang mga ganitomg school activity. Plus factor na din ang paggawa nila ng cookies ngayon.

"Wah." Napanganga si Jana nang makita niya ang isang tray ng maliliit na cookies na binake ni Lyan. It's fresh from the oven and the good smell of these newly baked cookies is everywhere.

"I have marshmallows, nips, chocolate chips and and melted chocolate in here. " Inumpisahan naman ni Lyan ang kanyang instructions.

For today's Activity, Inaya ni Lyan ang mga bata na samahan siyang gumawa ng mga treats na ibibigay para sa kanilang Holloween party.

Kumuha si Lyan ng isang cookie at dinip niya ito sa melted chocolate. Pagkatapos ay nilagyan niya ng marshmallows ito.

"You can choose which topping you want. Kaya ba ni Jin-Jan ito?"

Excited na tumango tango ang mga bata at sinuot ang plastic gloves na ibinigay ni Sally sa kanila.

Napangiti lamang si Lyan habang pinagmamasdan ang dalawang batang tuwang tuwa habang nag didisenyo ng mga cookies.

"Bakit mo naman naisipan na tumulong sila sa pag-gagawa ng mga cookies?" Siniko naman ni Sally si Lyan

"Eh kase nga ibibigay nila 'yan. Para bang mas magiging confident sila na ipamigay 'yan kapag alam nilang gawa nila."

Napatango tango lang naman si Sally habang kumakain ito ng chocolates.

"Isa pa, magandang bonding ito ng kambal. Hindi 'yong lagi silang nagkukulong."

Child Care 429: Find different recreational for your kids to kill boredom. Hindi sa lahat ng oras ay nasa school sila. Utilize their free time to make them do something more different other than studying. It is a good bonding with the family too. If children do somethimg different other than their daily routine, they could carry these confidence little by little in doing something bigger as they grow up.

"Ito oh, you can use this to write a message or you can draw something on the cookiee" Iniabot naman ni Lyan ang dalawang maliliit na icing bag na sakto lamang sa malikiit nilang kamay.

"Hahahaha. This you!" Napahagalpak sa tawa si Jana nang ipinakita niya ang isang cookie na drinawingan niya ng mata at ilong.

"Ang saya niyo kapag wala Tatay niyo ha,"

"Miss Sally, nandito si Miss Hana" Napatingin si Sally kay Gary, ang isa sa mga Butler dito na kakapasok lamang dito sa Kusina.

Agad na nataranta si Sally, saktong dumating naman si Aling Teressa.

"Ihahanda ko na 'yong paborito niya. Hay nako. nasaan na ba iyon" Natatarantang hinalungkat ni Aling Teressa ang kanyang maliit na notebook. Sa dinami dami ba naman kase ng kakabisaduhin niyang putahe ng mga bisita ni Sir Chase.

"Nako, akala ko hindi na babalik 'yang babaeng 'yan dito" Napailing iling si Sally habang nag hahanda sa kusina.

"Nako. Lyan, tuloy niyo lang iyan ha. Paghahanda lang namin si Miss Hana."

The Boss and his TwinsOn viuen les histories. Descobreix ara