Chapter 6 (Her new life)

1.6K 59 0
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin at uunahin ko, dahil unang una hindi pangkaraniwan ang ganitong trabaho para saakin, wala akong kasintahan ngunit kailangan ko magbantay ng mga bata at gumanap na parang totoo nilang ina.

Hindi ito madali at hinding hindi ito magiging madali, para sa isang tulad kung hindi lumaki sa ina o sariling magulang, lumaki na ako sa ibang tao. Ngunit Ngayon kailangan kung gampanan ang isang bagay na kailanman ay hindi ko naranasan.

Pinaglalaruan ata ako ng tadhana.

"Mom?" nadako ang aking mata sa maliit na boses sa aking gilid, may dala itong maliit na drawing book at hinarap saakin ang gawa nito.

''Is it beautiful?" kislap ng mata nito saakin, nahihiya pa itong ngumiti. Pinagmasdan ko ang makulay nitong gawa saka gumawad ng matamis na ngiti.

Itinungkod ko ang aking mga kamay sa tuhod upang pumantay kay sa bata na may kulot na buhok na nababagay lang sakanyang maliit at bilogang mukha. "Napakaganda, punong puno ng kulay." Komento ko, saka ito humagikhik at itinago ito sa likod saka naglabas ng isa pang larawan at pinakita saakin.

"Kuya Kad made this, is this pretty to?" Ngiti parin nito habang nawawala na ang mata dahil sa mala soipao nitong pisnge.

"Pretty and meaningful" aniya ko, makikita mo sa drawing ng nakakatandang kapatid ang kahulugan sa likod ng simpleng drawing na iyon, hindi ko man mawari ng tama pero ang masasabi ko lang ay hindi pangkaraniwan mag-isip si kad, para na itong matanda kumilos, magsalita gayon din siguro ang mag-isip ang batang 'to.

Hinaplos ko malambot at ang kulay kape nitong buhok.

"Join us mom, let's draw and give it to Dad." Hila nito saakin papuntang living room. Nakita ko si kad na may sinusulat na agad itong itinago ng makita ako.

"Anong nilalaman ng isinulat mo kad?" Nakangiting tanong ko dito.

"None of your business." nagulat ako sa sagot nito, tumalikod ito saakin saka umalis.

"kuya kad!" sigaw ni aven sa kuya nya. "Let's draw."

"I don't want to draw ave." nakatalikod na sagot nito.

"pleaseee kuya kad, pleasee!" naiiyak na pagmamakaawa nito, napahinto sa pag lakad ang kanyang kuya at walang nagawa kundi bumalik sa dinaanan. Sadyang walang makakatiis sa lambing ng boses nito.

"I won't draw, but brother will stay here." turo nito sa couch na ikinapalakpak ni Aven.

"It's okay! But i don't want to draw now..Let's play!" tayo nito.

"I don't want to play aven." pagmamatigas ni kad habang totok sa telebesyon.

"Kuya kad..why are you doing this..kuya kad..*Snif* are you mad at me?" patong ng maliit nitong kamay sa balikat ng kapatid habang naiiyak na tumitingin dito.

"Sege na kad pagbigyan mo na si aven, total wala ka namang gagawin hindi ba?" taguyod ko dito, dahil mukhang maiiyak na ang nakababata nitong kapatid kung hindi man mapagbigyan, she is still a kid at gusto nya nang may kalaro lalo na sa ganito kalaking bahay.

"But do me a favor first woman." lapit nito saakin, bigla naman akong kinabahan sa favor na gusto nitong hingiin.

"Hanggang kaya ko. Ano ba iyon?" mas lumapit pa ito saakin at inayos ang salamin.

"Pursue Dad to let us go to school." bulong nito, nanlaki ang mata ko dahil sa hiling nito.

Hindi ko alam kung mahihikayat ko ba ang boss ko sa kagustuhan ng panganay nya, hindi ko rin alam ang totoong dahilan kung bakit ayaw nyang papasukin sa paaralan ang mga bata gayong saktong sakto na ito sa edad, dapat rin nilang matutunan makipag kapwa tao sa ibang mga bata.

"You can't? Your useless."
Aniya nito saka lumayo saakin.

"Mom, Can we play now? I want to play." hila ni aven sa laylayan ng damit ko.

"She can't, aven. She can't even grant a simple wish." aniya nito.

"Sino naman ang nagsabing hindi? Of course gagawin iyon ni mom. Hindi ba aven?" tumango si aven ng nakangiti.

''Really? You will really do that?" tanong ni kad na namumuhay ang mata.

"I'll try kad, Ano ang halaga ng pagiging mag-asawa kung isa lang ang mag dedesesyon hindi ba?" sa kauna unahan ay nakita ko itong napangiti, kahit saaking kaloob looban ay hindi ko alam kung papaano ko sisimulan kumbinsihin ang kanilang ama gayong wala naman akong papel sa buhay nya, makakaya ko ba?

Bahala na.

"I will expect for that...mom." alis nito. "Hide now, I'll found you especially you little bear!" tukoy nito sa kapatid na kumaripas ng takbo at nagtago, ganon rin ang ginawa ko at nagtago.

Paano ba ako magsisimula? Kailangan ko bang deretsuhin ang pagkasabi? O pasikot sikutin? Ipagluto ko kaya? Baka sakaling lumambot ang puso ng boss ko..

***

Umabot ng maghapon ang laro namin dahil hindi parin napapagod si aven. Sya ngayon ang taya dahil kuta ng ng kuya kad nya ang bawat sulok kung saan ito nagtatago, pumunta ako sa garahe at napasandal sa isang kotche nang biglaan itong bumukas na ikinatilapon ko sa damo.

"Sir? Kayo pala." hawak ko sa pwetan kung magkakabukol ata sa lakas ng pagklamba.

"What are you doing?" walang gana nitong tanong.

"Nakikipaglaro kay aven sir." aniya ko, hindi ko mawari kung nakatingin ba ito saakin dahil sa suot nitong tinted na salamin.

"Playing like a numb will bored her. Make some trill next time." saad nito saka tumalikod saakin, nanatili lang akong nakatayo roon habang nakayuko.

"Daddy!" Rinig kung sigaw ni aven sa ama nito habang masayang tumatakbo.

"I miss you baby aven, how was my princess?" tanong agad nito sa anak ng makalapit ito saka kinarga gamit lang ang isang braso.

"Doing fine with mom!" sagot nito.

"That's great to hear, i didn't regeret having her." aniya nito saka ako hinila at hinapit ang aking baywang na nagpalaki ng aking mata.

Hindi ako nakapagsalita ng maglakad kami paloob na parang isang pamilya.

Para itong isang masayang litrato ng isang masayang pamilya ngunit may tinatagong lihim sa likod nito.

Sa di kalayuan ay bahagyang nakangiti si kad habang papalapit saaming gawi, napunta ang maliliit nitong mata saakin saka makahulugang tumango.

"Hi Dad." bati nito sa ama, ginulo lang nito ang buhok, saka naupo sa sofa kasabay ng paghila parin nito saaking kamay.

Hindi ako naging komportable sa ganito kalapit sa isang lalake at lalo na sa boss ko, kaya agad akong napatayo habang patuloy silang naguusap.

"Magluluto lang ako." agad kung sambit, saka nagmamadaling tumungo sa kusina.

Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko mawawalan ng hangin ang katawan ko. Nagbukas ako ng ilang aparador ngunit gayon parin ang nakikita kung pagkain, lahat ay karne.

Wala na akong ibang pagpipilian bukod dito, inilabas ko iyon sa lalagyan at kumuha ng kutselyo saka ito hiniwa sa maliliit na piraso, ngunit biglang nadulas ang kutsilyo at tumama ang matulis na dulo nito sa daliri ko, agad na lumalaytay ang dugo papunta sa sahig, mukhang napalaki ang hiwa ko sa daliri ko imbis na sa karne.

Ramdam ko ang hapdi at sakit nito, maya maya ay may narinig akong kalabog sa labas, hindi ko na binigyang pansin ang sugat at nagmamadaling lumabas ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng kusina ay may humarang na dito.

"May nangyari ba sa labas?" natatarantang sagot ko habang sumisilip sa labas na patuloy nitong hinaharangan.

"Nothing, but here." napatingin ito sa sugat ko, wala sa sariling itinago ko iyon sa likod kahit ramdam ang hapdi.

Maingat nitong kinuha ang aking kamay at iniangat, "You'll lost lots of blood if you'll continue your clumsy moves."

Nanlaki ang aking mata ng isubo nito ang nagdurugo kung daliri sa bibig niya na parang ninanamnam ang lasa nito.

"Sweeter than liquor."

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon