Chapter 27 (Her Visit)

918 27 1
                                    

Halos mag iisang buwan na akong tinuturaan ni alexus ng archery na sinasabayan pa ng pagtuturo nya ng tamang pag gamit ng espada, sya ang lagi kung ka sparring kaya mas ginagalingan ko kahit alam kung mas dihado ako.

Ngayon naman ay tinuturuan nya akong gumamit ng baril na kina nginginig ng aking kamay, hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit biglaang tini-train ako ni alexus na parang isasabak nya ako sa isang madugong labanan.

"Here, wear this." may inabot ito saaking protective gear para daw hindi ako mabingi pagkatapos ng training.

Sa isang mesang pabilog nandoon ang mga bala at iba't ibang klase ng baril, kinakabahan tuloy ako dahil lagi kung nakikita sa telebisyon kung paano nila patayin ang isang tao gamit nyan. Ni ayaw kung lapitan ang lamesang iyon.

"Why don't you get one, so we can start?" naiinip na baling saakin ni alexus.

"A-ah. Sege." nag aalangan man ay dinampot ko ang pinakamaliit na baril.

"It has a bullet in it, be careful." payo nya, muntikan ko na tuloy iyong mabitawan.

Naglakad lakad ito habang nilalaruan ang baril sakanyang kamay, huminto ito saka pinagmasdan ang target nya, isa lang naman iyong can na may laman na nakahilera sa isang mahabang mesa. Ikinasa na nya ang kanyang baril saka iyon itinutok sa mga lata na nasa isang milya ang layo. Ipinutok nya iyong isa isa sa mga can habang kalmadong naglalakad.

Walang sablay, lahat sapol.

Humahanga man ngunit alam kung hindi ako pwedeng magdiwang rito, dahil alam kung ako ang susunod na titira sa mga lata na nakaratay sa kabilang mesa na parehaba.

Nag uusok pa ang kanyang baril ng ilapag iyon sa mesa saka umupo sa katabing upuan habang naka dekwatro.

"Your turn." sambit nya na hindi man lang tumitingin sa aking gawi.

Hindi na ako nag salita at inayos nalang ang aking pang protekta sa mata at tainga. Nanginginig ang dalawa kung  kamay na iniangat iyon at derektang itinutok sa aking target.

Alam kung pag ikinasa ko iyon ay lalabas doon ang delikadong bala, hinigpitan ko ang hawak ko sa baril tama lang upang hindi ko mahila ang gatilyo ng baril. Huminga muna ako ng malalim saka lakas loob na iginalaw ang aking hintuturo paurong na nakahawak sa gatilyo ng marinig ko na ang putok nito.

Kauna-unahang gamit ko ng baril.

Iginala ko ang aking mata ngunit wala man lang ni isa ang tinamaan. Sumubok pa ako ng isa hanggang naging dalawa at tatlo na hanggang naubusan na lang ito ng bala wala man lang naligaw upang tamaan ang mga latang kumikintab pa at nakatayo.

Pinapa ulit-ulit nya ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakatama. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng yamot sakanya at saaking sarili.

Tinanggal ko ang protective gear ko at inilapag rin ang baril na aking hawak sa mesa.

Biglang humikab si alexus at tumayo saka kumuha ng baril at nilagyan ng bala.

"Teaching you is harder than my kids." pang iinsulto nya na ikinasalubong ng aking kilay.

"Bakit ba kasi kailangan ko pang matuto nyan, hindi naman ako mag pupulis o kaya mag susundalo, nakakainis." pabulong ko, na alam kung tama lang para marinig nya.

"Come here." aniya na hinigit ang kamay ko habang ang isang kamay ay hawak ang baril, gaya ng dati ay pumwesto ito saaking likuran, na ngayon ay mas malapit na kahit ang malamig nitong balat ay aking nararamdaman.

"This is revolver with a six bullet in it. Wait, can you give a chill? Your trembling." nangunguyam nitong sabi.

Gusto ko tuloy itong sikuhin, nanginginig ang kamay at mas lalo lang akong kinakabahan dahil sobrang lapit nya saakin na kulang nalang ay yumakap.

"Lumayo lang kayo ng kunti 'sir'." pagdidiin ko sa huli kung sinabi saka nag gawad ng pilit na ngiti.

"How can i teach you well if you look like a impatient dog right now." mahina lang iyon at kalmado ngunit dahil napakalapit nya saakin ay rinig na rinig iyon ng malinaw kung tainga kahit may naka pansak na ear plug.

"Kaya ko na." bahagya akong lumayo kay alexus saka wala pag aalinlangang hinablot ang baril saka sunod sunod na ipinutok sa lata na nakatama ng apat, nawasak iyon kasabay ng pagkahulog na may umaagos na tubig.

Hindi ako makapaniwalang tumama iyon, tinanggal ko ang ear plug at biglang nagtatalon sa tuwa at nagsisigaw habang napayakap kay alexus, nawala ang yamot kung nararamdaman sa paulit-ulit kung kapalpakan.

"Ehem!" 

Natigil ako sa aking ginagawa at gulat na lumayo kay alexus ng may narinig kaming boses.

"Did i interrupt you guys? Oh, sorry. You can continue."

Ipinatunog pa nito ang labi saka nagkunwaring walang nakikita. Nakasuot ito ng off shoulder na damit na abot hanggang puson na  pinaparisan ng kanyang mini skirt habang suot ang kanyang kulay brown na knee high boots. 

Bahagya nyang inayos ang kanyang sombrero habang inililipad ng hangin ang kanyang maalon na buhok.

"Who let you come here?" walang interest na balin nito kay luzzet, na nagkunwang nagulat ng kausapin sya ni alexus.

"My self and no other than alexus." matamis nitong ngiti.

"Are you that forgetful luzzet? Are you that stupid and small minded to let your self came her without my permission?" kalmado ngunit may riin nitong pagkakasabi kay luzzet na walang bakas ng pagkatakot, tanging mapapansin lang sakanya ay ang pagiging desperada nito.

Naalala ko tuloy bigla ang dahilan kung bakit nya ako laging pinipilit noon na tanggapin iyong imbitasyon, iniisip nya sigurong lalayuan ko si alexus pag nalaman ko ang sekreto at ang kabrutalan ng kanyang pamilya ngunit..balik sa pinag usapan, aalis lang ako dito pag si alexus na mismo ang tumapos ng aming kontrata.

Kahit anong mangyari.

"Alexus please, I'm not here to trouble you two. We've been in 3 years, why are dumping me like you never know me? Can we start like a friend? Hm?" paawang tingin nito saamin.

"I think you need to forget all luzzet, i should have done this before..but because once i trusted you that you'll never dissapiont me. My surmise on you proven right."

Biglang nawala ang ngiti ni luzzet na napalitan ng pag-aalala.

"NO! I can't alexus. You don't have to do that. No. I don't want to forget you, please. You know i love you right? I really do!" nagtatangis itong napapahakbang paatras.

Anong binabalak ni alexus? Kahit naman masama ang pakikitungo at ugali ni luzzet hindi  parin tamang saktan ito. Sa halip na magalit, naawa ako kay luzzet. Ramdam kung totoong mahal nya si alexus kaya nakakagawa sya ng mga bagay na hindi dapat.

Bago pa makalapit si alexus kay luzzet ay buong tapang kung hinawakan ang kanyang malamig na kamay. Napahinto ito saka nakakunot noong bumaling saakin, tanging mahinang pag iling ang aking sinagot.

"Bigyan mo ng pagkakataon si luzzet, alexus." tanging lumabas sa bibig ko.

Gulat namang napatingin sa akin si luzzet luhaan man ang mga mata ay halatang hindi ito makapaniwala saaking sinabi.

Ngunit isang marahas na pag alis ni alexus sa aking kamay ang tanging ginawa nito, saka umalis na walang iniwang salita. Sa pag alis ni alexus, gayon din ang mabilis na paglapit saakin ni luzzet na humawak saaking kamay na pagkahigpit higpit habang naluluha ang mga matang nakatingin saakin.

"Thank you.. Thank you rusina!" bigla nya akong niyakap, wala naman akong nagawa kundi tapikin ang likod nito.

Napabaling ang aking mata sa pabilog na mesa na may nakakalat na baril, may isa pang bala ang hindi ko nai- kasa kanina, tamang tama may panggagamitan ako ngayon. Natigil ako sa aking masamang pag-iisip ng muli itong nagsalita.

"Can we be friends?" aniya.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon