Chapter 28 (A meet of his friend)

890 27 1
                                    

"Can we be friends?"

Hindi ko pa nasasagot ang mahirap na tanong ni luzzet na kung tutuusin oo at hindi lang naman ang pagpipilian.

Hindi rin naman nya hinintay pa ang aking sagot at inaya akong makipag kwentuhan kahit na labag sa aking loob ay nagpakita parin ako ng kabutihan sa bisita.

"Alam mo bang sobrang saya ko dahil ngayon nalang muli ako naging welcome dito. Thank you sis." mangiyak ngiyak nitong sambit, kailan nga ba naging ka tanggap tanggap ang isang 'to sa lugar ni alexus? Kailan pa kami naging mag 'sis'?

"Sorry kung natarayan rin kita at noong--."

Naputol ko na ito bago pa nya ipa-alala ang pang lilinlang nya saakin.

"Nagdaan na ang iyon." giit ko.

"So your forgiving me?" kikislap kislap nitong tingin saakin.

"A-ah pag iisipan ko." nagbawi naman ito ng tingin na may lungkot.

"Okay lang hindi naman ganoon kadali magpatawad but i hope we can be a good friends." aniya saka ngumiti. Hindi ko mawari kung ang ngiti ba'ng iyon ay totoo.

"Bakit mo naman gusto ako maging kaibigan? Hindi kaya may pakay ka?" nakita ko ang pag lunok nito at mabilis na pag iling.

Oo nga naman rusina bakit nya ba sasabihin sayo kung talagang may pakay o masama syang intensyon? Ang tanga mo rin minsan eh.

"Don't get it wrong sis, lahat ng malapit kay alexus ay gusto ko ring mapalapit saakin. Lahat ng gusto nya gusto ko rin." aniya habang hinahawakan ang kanyang kwentas na kumikintab.

"At saka espesyal saakin si alexus gaya nang pagka espesyal ng kwentas na ito na kauna unahang regalo nya saakin noong nasa puder nya pa ako.." muling pag-aaalala nya sa nakaraan.

"Napakaganda." sensirong komento ko, kaya pala masyado akong nagagandahan at kapansin pansin ang kwentas na iyon dahil galing pala iyon kay alexus.

"Wala ba syang nai-regalo sayo?" takang tanong nito.

"Hindi naman ako humihiling ng kahit ano, sa papel lang kami mag-asawa. Kaya hindi nya na obligasyong bigyan ako ng kahit ano." Sambit ko.

"Your so kind sis, ngayon alam ko na bakit ikaw ang napili ni alexus. As you said na sa 'papel' lang kayo mag-asawa. Can i ask a one question?" parang nag uusisang tingin nito saakin.

Bahagya lang akong tumango.

"Do you love him?" deretsang tanong nito habang seryosong nakatingin saaking mga mata na hinihintay ang aking sagot.

"Hindi ko alam." tanging sambit ko.

"You will feel the same agony i felt for a years if you do rusina. Alexus won't care about us except for his two child. He will dump you like a trash like what he did to me. Kaya payo ko sayo bilang nagmamalasakit na bagong kaibigan, if you can stop. Stop yourself from falling, he will just use you." Aniya na nagpalunok saakin, bigla naman itong ngumiti saka isipit ang buhok sakanyang tainga at muling isinuot ang kanyang paboritong sun glasses kahit hindi naman maaraw sa loob.

Akmang tatayo na ito ng mag salita muli ako.

"Batid ko iyon at handa ako kung sakaling dumating ang araw na hindi nya na ako kailangan. Sige mag iingat ka." hindi ko na nakikita ang reaksyon nito sa aking sinabi dahil sa suot nitong sun glasses na tinted.

"I see. See you again, just send my sweetest regards to the kids. Bye." pag papaalam nito saka naglakad na patungo sa labas.

Pinagmamasdan ko nalang ang papalayo nitong presensya at nang hindi ko na ito maaninag ay napa sandal na lamang ako sa upuan habang pilit na inaalis ang mga katagang iniwan ni luzzet. Bakit nga ba ako naapektuhan sa sinabi ng luzzet na iyon? Kung tutuusin ay may punto ito ngunit hindi ko lang maiwasang malungkot saaking narinig.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon