Chapter 16 (His rare side)

1.1K 42 0
                                    

Pinagmamasdan ko lang ang mga magagandang bulaklak sa hardin
Habang nakasandal sa isang puno, maganda ang simoy ng hangin na dumadampi saaking balat. Nakaka wala ng bagabag.

Ipinikit ko ang aking mata habang pinapakiramdaman ang  buong paligid.

"You need to kill the root not the tree, find his way before he find yours..move..move!"

Bigla akong napamulat sa boses na narinig ko sa aking isipan, ano ang boses na iyon? Nahihibang na ba ako?

Napailing iling ako saka hinawi ang mga iilang buhok na tumatakip sa aking mukha nang biglang tumunog ang Cellphone ko na binigay saakin ni alexus. Ilang araw rin akong nahirapang gamitin ito dahil wala akong ka alam alam kung paano ito gamitin, nakakatakot naman kung masisira ko ito dahil mukhang mamahalin at isa pa galing ito kay alexus, sa boss ko.

Binuksan ko iyon at may natanggap akong mensahe, agad ko iyong binasa, nanlalaking mata na paulit ulit ko iyong binabasa dahil baka nagkakamali lamang ako, ngunit hindi. Si alexus nga ang nag text saakin, sa unang pagkakataon.

"You have to go with me now, prepare yourself."

Maikli lamang iyon pero sapat na para gimbalin ang kanina'y kalmado kung sarili.

Tama ba tong nababasa ko? teka, ano ba 'tong pinag iisip ko. Malamang parte lang ito ng trabaho ko ngayon.

Napatayo na ako saka tumungo sa loob, kailangan ko ng maghanda kung mahalagang bagay man itong paguusapan namin tungkol sa 'trabaho' tama trabaho lang.

Ilang oras rin akong nakulong sa loob ng kwarto kakapili ng damit na aangkop sa pupuntuhan ko.

Hindi ko naman siguro kailangan magpaganda at mag ayos ng todo, baka ano pa ang maisip ng boss ko.

_____

Narito na ako ngayon sa kompanya at kasalukuyang nagdadalawang isip kumatok sa pinto nya.

"Excuse me, aren't you going inside? Can you give a me a way?'' Napalingon ako sa babaeng may pagkatarayan ang boses saka nagmamadaling tumabi.

"Pasensya na." aniya ko, isang sipat lang sinagot nito saka kumatok sa pinto at pumasok.

Sana may ganoon rin akong lakas pumasok na walang pag-aalinlangan.

Sumarado na ang pinto habang ako ay nanatiling nakatayo sa labas ng may narinig akong pagkalabog ng gamit sa loob.

"Don't you dare come inside my office again, if you'll just bring a damn shit. Leave."

Pagkarinig ko ng pamilyar na boses na 'yon ay lumabas na ang babae na may lungkot sa mukha at mukhang gulat pang tumingin saakin.

"He's so hard isn't?'' aniya nito saakin saka inayos ang dala nitong folder, napa yango na lamang ako bilang tugon, saka ito umalis sa harap ko.

Napalunok ako bago kumatok, paano kung bulyawan nya rin ako gaya ng babae kanina? Bakit ba kasi ang init-init ng ulo nya palagi at parang hindi tao ang kausap kung manakit ng damdamin. Marahil ang iba ay sanay na, pero paano naman ang mga hindi pa?

Napakasama psh.

"Sir alexus." tawag ko rito dahil mukhang wala itong balak balingan man lang ako ng tingin at tutok lang ito sa ginagawa.

Walang buhay ang mga mata nitong tumingin saakin saka inalis ang salamin.

"What brought you here?" gustong tumaas ng kilay ko sa tanong nito, pero naalala ko palang kinulang ako sa kilay.

"Hindi ba't pinapupunta nyo ako rito?" aniya ko na nag pipigil na wag magpakita ng pagkainis.

"Hmm?"

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon