Chapter 33 (Her guardian/ Flash back)

777 25 1
                                    


Maganda ang panahon, sariwa ang hangin na nagpapasayaw sa mga sanga ng mga puno at halaman, samahan pa ng huni ng mga ibon na tila nag aawitan sa lilim ng sanga.

"Sa wakas nakalabas narin ako." masayang tugon ng isang bata, sumilay sa magaganda nitong mata at labi ang saya sa muling paglabas, pagkatapos ng mahaba habang pagkakakulong sakanilang tahanan na bagay na hindi nya nakasanayan.

Lumanghap ito ng sariwang hangin habang patalon talon na naglalakad na tila naaliw sa mga tanawin sa kagubatan. Napapatigil lamang ito pag may nakikitang kaaya-ayang bulaklak saka iyon pinipitas at iniipit sa likod ng kanyang tainga.

"Ay palaka!" halos mapatalon ito ng biglang may literal na palaka ang biglang tumalon sakanyang dinadaanan.

"Sa susunod wag kang biglang sumusulpot sa harapan ko, nakakagulat ka. Pwera nalang kung prinsipe ka hmp." pangangaral nito sa palaka na tila naiintindihan sya nito, muli itong nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa ilog na kumikislap kislap dahil sa mumunting sinag ng araw.

Akmang lalapit na sya rito nang makaaninag ito ng pigura ng tao, matangkad at may kulay itim na damit, matikas at matangkad ang taong ito habang ang mga kamay ay nasa kanyang likod na tila may malalim na iniisip habang nakatitig sa patuloy na pag agos tubig sa ilog.

"Nariyan ka pala."

Rinig nyang pagsasalita ng lalaki na  bagay na kanyang ipinagtaka, hindi naman ito nakatingin sakanya at wala rin itong ingay na ginawa upang mapansin ng lalakeng nakatalikod sakanya.

Matagal ito bago nagsalita nagbabakasakaling hindi naman sya ang kausap ng lalake.

"Bakit ka nagtatago? You can show up.'' muling pagsasalita ng lalake at unti-unting humarap sa batang babae.

"Kilala nyo po ako?" inosenteng tanong nito sa isang estranghero.

"Why not. Kilala ko ang lahat ng nakatira dito dahil pag-aari namin ang lupaing ito." Matipid na ngiti nito sa batang babae na napayango na lamang at tila may inaalala.

"Pamilyar po kayo..saan ko nga kayo nakita hmm.." hawak nya sa baba habang nakatingin pa sa ibaba na inaalala ang taong kaharap.

"We meet-."

"Ah oo! Naalala ko na, kayo po 'yong kausap ni mama at papa tuwing dumadalaw kami sa napakalaking mansyong iyon, pag aari nyo pala iyon. Tama po ba kuya?" nakangiting paniniguro nito sa lalake.

"Kuya?Ah...yeah you're right."
Pagsang-ayon nito. Nang biglang mapatigil at maalerto nang may naramdamang kakaiba sa paligid. Hindi iyon pansin ng batang babae at patuloy lang na nagkekwento ng ano-anong bagay dahil may taglay rin itong kadaldalan.

"Tapos alam mo kuya, may palakang biglang tumalon doon pa sa dinadaanan ko, kaya bigla akong napa--. Ahh! Bakit po?" nabigla ito ng biglang higitin ito ng lalaki at takpan ang mga mata ng batang babae.

"May...malaking palaka."

"Hah?!! Gaano po kalaki? Kakainin nya po ba ako kuya? Baka hindi na ako makauwi pag kinain na ako ng palakang 'yan uwaah!" napaiyak nitong sambit habang nakahawak ng mahigpit sa laylayan ng damit ng lalake.

"Hindi 'yon mangyayari.Wag kanang lumabas ng mag isa sa susunod at makinig ka sa iyong magulang." malumanay na ani nito sa batang babae.

"N-nababagot na po kasi ako sa bahay kuya.."

"Ipikit mo lang ang iyong mga mata, kasi pag dumilat ka maari ka nyang kainin. Magagawa mo ba?"

"O-opo kuya."

Isang kaluskos ang kanyang narinig at maya maya ay may lumipad na isang palaso sa kanilang kinalalagyan na mabilis na iniwasan ng lalake habang karga sa bisig ang batang babae na masunuring nakapikit ang mga mata sa takot na baka magkatotoo nga ang inani nito.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon