Chapter 39 (Full Moon)

662 26 0
                                    


Halo-halong pakiramdam na ang gumugulo saakin, kailan ba muli matatapos ang problemang 'to?
Mas lalong lumala si alexus, mas nagbago sya..kahit noong isang gabing paguusap na humantong pa sa isang hindi magandang pagtatapos. Lagi nya akong pinagbabantaan at minamanipula, lagi nyang sinusunod ang gusto nya palibhasa sanay na laging sinusunod.

~''~

"Saan mo ba talaga dinala ang kaibigan ko?" deretsong tanong ko kay alexus, ngunit heto nanaman at umaakto nanaman itong walang pakialam.

"Saan mo dinala si tunyel?" mariin kung tanong, ngunit hindi nya naman ako sinasagot.

"Hoy! Saan mo ba dina--aaah!!" bigla akong nagulat ng bigla nyang hilain ang aking pulsohan, lumamlam ang kanyang matang tumingin saaking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng takot sa mga matang iyon, na minsang kinagiliwan ko.

"Stop saying his name. Stop making me mad like this rusina." giit nya habang mahigpit na nakahawak parin saaking pulsohan.

"B-bitiwan mo ko." pagpupumiglas ko sa mahigpit nyang hawak.

"Don't forget who i am. Your just my slave and nothing. I can kill you both, but not now. Just do your job." nanlilisik ang mga mata nyang nakatitig saakin.

Napalunok ako at halos mawalan ng balanse sa pagbabago bigla ng kanyang mga mata. Ang dating kalmado ngayon ay tila hindi na nakapag-pigil. Ayaw ko magpakita ng kahit anong takot ngunit parang mabibigo ako lalo na't pag binitiwan nya ako ay paniguradong babagsak ako sa sahig.

Napakagat ako ng labi saka pilit na nilalabanan ang mga titig nyang nakakapanlumo.

"Know your place." dagdag nya pa saka ako marahas na binitawan. Bumangga ako sa matigas na bagay saka napaupo sa sahig habang hawak ang aking pulsohan na mahigpit nyang hinawakan.

"D-dad..What are you doing?" napatingin ako sa maliit na boses na iyon, pansin ko rin ang biglaang pagtigil ni alexus na nagulat rin siguro sa biglang pagsulpot ni aven.

"Baby.." biglang lumambot ang ekspresyon ni alexus na napatingin sa anak.

Napapikit ako saka kumuha ng lakas upang tumayo.

"Aven." pinilit kung pasiglahin ang  boses ko.

"Nawalan ako ng balanse kaya bigla akong natumba. Ayos ka lang ba? Saan na si kuya kad?" marahan kung dinala si aven sa labas, malayo sa ama nya.

~''~

"Ma'am nandito na po tayo." bigla akong nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses ng taxi driver.

"Salamat ho." nagbigay na ako ng bayad saka bumaba.

Nasa tapat na ako ng malaking gate ng mansyon, pinihit ko iyon gayon nalang ang aking pagtataka ng bukas iyon. Tuluyan akong pumasok sa loob saka inilibot ang paningin, madilim at napakatahimik ng paligid, kung hindi dahil sa bilog na bilog na buwan at sa magandang sinag nito ay wala akong makikita kundi kadiliman sa gitna ng gabi.

Kataka-takang walang mga bantay sa paligid, nakakapanibago. Inayos ko ang aking suot na may manipis na tela. Sa aking pagmamadali ay nakalimutan kung kunin ang jacket na inihulog ko mula sa bintana ng hotel na 'yon. Nawala sa isip ko, naging abala ako sa pagtakas.

Nilibot ko ang buong paligid ngunit mukhang wala akong makitang kahina-hinala. Pumasok ako sa loob ng mansyon saka isa-isang binuksan ang mga kwarto, huli akong napatigil sa kwarto ni alexus. Mahina kung pinihit ang tarangkahan at sumilip sa loob, nang mapagtantong wala si alexus ay agad akong pumasok. Napaka orginasado ng mga gamit at lalaking lalaki ang tema at kulay ng kwarto na bumabagay lang sakanyang personalidad. Kulay abo at puti ang kulay ng kanyang kama.

Dumako naman ang aking mata sakanyang lamesa, katamtaman lang ang laki ng kanyang mesa na pinapatungan ng babasaging salamin. Lumapit ako roon saka nagaalangang hinalungkat ang kanyang mga gamit. Akma kung bubuksan ang drawer nya ng may marinig akong kalabog.

Nanlaki ang aking mata kasabay ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. Papaano pag may nakakita saakin dito? Paan pag nahuli nya ako dito? Paniguradong mas malalagay ako sa peligro.

Nagmadali na akong iwan ang kwarto nya ngunit natigil ako ng may napansin akong susi sa hindi ko malamang dahilan ay dinampot ko 'yon saka isinilid sa maliit na bulsa ng aking damit.

Isinara ko ang pinto, muli kung nilibot ang mansyon. Medyo matagal na ako rito ngunit aaminin kung ang bawat sulok ng lugar na ito ay hindi ko pa natitingnan. Dinala ako ng aking paa sa basement, sakto ang daan. Madilim na kailangan kung mangapa sa bawat mahawakan ko, mas tumindi ang aking kyuryusidad ng makarinig nanaman ako ng isang kalabog. Nang tuluyan akong makarating sa basement ay hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw, napagtagumpayan ko namang paliwanagin ang madilim na basement. Medyo maalikabok narin dito, may napansin pa akong isang pinto na wari sa bakal na tila inurong dahil sa parteng iyon ay nahawi ang alikabok.

Nilapitan ko iyon saka sinubukang buksan, medyo nahirapan pa ako ngunit nagwagi naman akong mabuksan ito at ganoon nalang ang aking pagka-mangha ng may makita pa akong hagdan, makipot ngunit sa gilid nito ay may mumunting ilaw naman na nagbibigay liwanag.

Medyo may kahabaan ang hagdaan pababa, tanging sariling tunog ng aking suot na sapin sa paa ang aking naririnig at sa wakas ay naabot ko rin ang pinakadulo saka bumulaga saakin ang isang pinto na wari rin naman sa isang matibay na bakal. Nababalutan ng kadena at malalaking kandado. Ano ba ang nasa loob nito?

Naalala ko ang susing nakuha ko sa kwarto ni alexus, kinuha ko iyon saka isinilid sa kandado. Mukhang napakatibay nito na napakahirap na tibagin ng kahit ilang tao. Kumalas ang siradora saka ko inalis ang nakapalibot na kadena. Marahan kung binuksan ang bakal na pinto, medyo matigas na mukhang matagal ng hindi nabubuksan.

Nanindig ang aking balahibo saaking nakita, ang tanging nagbibigay liwanag sa halos walang lamang lugar ay isang maliit na ilaw.    Mas nagulat ako ng may makita akong pamilyar na pigura, nakasandal ito sa pader, magulo ang buhok at walang suot pang itaas. Nagkalat ang ilang dugo na mukhang sariwang sariwa pa. Nakakakilabot.

Nanginginig ang kalamnan kung inihakbang ang aking mga paa upang mas maaninagan ang taong naka yuko na tila walang malay. Maingat ang aking galaw, mabagal ang aking paghinga na umupo hindi malayo sa taong iyon. May dugo sa bandang noo nito, may dugo ring tumutulo sa likod ng kanyang tainga papunta sakanyang leeg.

Ngunit nang unti-unting itinaas nya ang kanyang ulo ay ganoon nalang aking pagkagitla.

"A-alexus?" gulat na may takot ang namuo saakin. Ibang iba sya ngayon na tila isang halimaw. Masyado syang maputla at tila hindi  ako nakikilala. Nakita ko ang pangil nya na parang handang sumugod sa isang pagkain.

A-anong ginagawa nya rito? Anong ginagawa ko dito?

Mabilis pa sa isang segundo ang paghila nya saakin palapit sakanya at wala kunwa-kunwang siniil ako ng malalim na halik. Mas nilalaliman nya at mas lalo ako hinahapit. Halos mawalan ako ng hininga na napakapit sakanya.

"Mmm.." pilit akong kumakawala ngunit mas lalo nya lang nilalaliman, nakabukas pa ang aking mata na unti-unting napapapikit.

Nang magkalayo kami ay habol ko ang aking hininga at sapo ang aking dibdib. Bigla nya akong itinulak kaya bigla akong napahiga.

"A-alexus anong ginagawa mo?" sinubukan kung lumayo, ngunit huli na ng pumaimbabaw sya saakin saka marahas na hinablot ang aking damot. Nagmumukha na syang halimaw sa aking paningin..anong nangyayari sakanya?

Tumambad ang aking panloob sa ginawa nyang pagsira sa aking damit. Muli nya akong hinalikan, ngunit kakaiba iyon at napaka pusok, pababa ng pababa saaking leeg at dibdib.

"Alexus..please itigil muna 'to.." may tumulong luha saaking mga mata. Alam kung hindi nya kayang gawin saakin ito..ibang ibang alexus ang nakikita ko.

Mahigpit at marahas ang kanyang paghawak saakin, sobrang lakas nya at hindi sya nakikinig. Patuloy ang ginagawa nyang paghalik saaking katawan. Muli kung ipinikit ang aking mata at isang butil ng luha ang nahulog sa aking pisnge.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon