Chapter 23 (Saving the innocent baby)

1K 37 0
                                    

Hindi ko maiwasang ma-guilty habang nakakikita ko si Alexus na mukhang frustrated. Ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganyan, dahil madalas wala itong emosyon.

Namayani ang katahimikan sa loob, hindi narin ako nagka abala pang umupo dahil sa kaba.

"Who said you to come?" nagitla pa ako sa biglaan nitong pagsasalita. Tumingin ito saaking mga mata at maya maya ay lumayo ang tingin. "Luzzet.." rinig kung bulong nya.

Paanong--.

"Now..you came because you want to know about me? Are you really that curious?" hindi pa ako nakasagot ay muli nanaman itong nagsalita na para bang alam nya na ang sasabihin ko.
"Are you ready to see my world.. where i really belong.."

Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya ngunit sa isang iglap ay nasa harap ko na ito, bigla akong natumba sa sahig dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwalang kaya nyang gumalaw ng ganoon kabilis.

"You could die here anytime..
Cut your throat, suck your blood, burn you alive or make you one of them and that's making me worried to death! Do you here me?!" galit na galit nitong sigaw saakin. Napapikit ako sa umalingawngaw nitong boses.
Para itong halimaw saaking paningin na kahit sa ano mang oras ay pwede akong sasakmalin.

"S-sorry..pakiusap tumigil kana alexus.." nanginginig kung pagmamakaawa rito habang may luhang umaagos saaking mga mata.

"Ahhhh!!"

"Owahh~ owahh~"

Napabaling ako sa binta ng marinig ko ang isang iyak ng bata na mukhang nasasaktan at isang lalaki na hindi magkamayaw sa pagsigaw ng kung ano man ang ginagawa sakanya. Bigla akong napatakbo sa bintana kahit nanginginig ang aking tuhod. Napaawang aking bibig habang may nanglalaking mata ng makita kung nasa isang malaking spinning well ang isang lalake, masaganang tumutulo ang dugo nito sa isang malaking glass jar at doon ang mga tao--. Hindi sila karapat dapat tawaging tao dahil mga halimaw sila! Nagtatawanan at may pananabik pa sa kanilang matang isala ang dugo nito sa isang glass wine habang ang lalaki ay kalunos-lunos ang itsurang nagmamakaawa at napapahiyaw sa sakit sa mga kabling nakagapos sakanyang mga binti at kamay.

Nanginginig ang kamay kung ikinuyom iyon habang nakahawak sa isang kurtina, deritsang napatulo ang aking luha ng makita ko ang isang walang kamuwang muwang na sanggol na nakahiga sa isang malapad na sementong bilog at duon ay kinakabitan ito ng maliliit na tubo sa ibat ibang parte ng katawan at doon din ay dumadaloy ang dugo nito na pinagpepyestahan ng mga halimaw na nakukuha pang humalakhak na parang demonyo.

"Ahhh!! Parang awa nyo na, maawa kayo sa anak ko! kahit ako nalang wag na yong anak ko parang awa nyo na." paulit-ulit itong nagmamakaawa ngunit tila naging bingi ang mga halimaw na mas nagpahirap sakanya.

Ang kanyang mga sigaw at pagmamakaawa ay tila naging magandang musika sa mga halimaw na nakapalibot sakanya.

Akala ko ay doon na iyon matatapos ngunit isang ingay ng
Paghihingalo naman ang aking narinig nasa apat pang malalaking bilog na may kaawa awang tao ang nasa gitna nito at nakagapos ng alambre ang kanilang kamay at paa na halos maputol na dahil sa talim nito.

Gusto kung masuka saaking nakikita, hindi ko na maintindihan ang takot, kaba, at sakit na naghahalo saaking emosyon.

"Mga halimaw kayo!! Mga hayop na walang kaluluwa!! Magbabayad kayo! Magbabayad kayo!'' sigaw naman iyon ng isang babae na kakapasok lang ng dalawang gwardya dahil wala ito masyadong sugat sa katawan tanging nagdudugong kamay at paa lang nito ang napuruhan dahil sa alambre.

Hindi ko na kinaya at muling bumigay ang nanginginig kung tuhod ngunit bago pa man ako bumagsak sa sahig ay may brasong sumalo saakin.

"B-bitawan mo ako!'' buong lakas na tulak ko kay Alexus ngunit parang balewala iyon sa lakas nya.

"That tells you a lot about me, I'm a freaking Vampire, we are rusina. We are." paulit ulit itong promoseso saaking utak.

Hindi totoo ang mga bampira, hindi sila totoo..

Paulit ulit na binabanggit ko saaking sarili, ngunit kahit anong kumbinsi ko sa aking sarili wala akong makitang rason para hindi magsabi ng totoo si alexus.

"Does this satisfied your curiousity now? Do you want to know more about me?!" pilit ulit akong kumalas sakanyang mahigpit na pagkakahawak.

"Lumayo ka sabi saakin! Parang awa mo na, lumayo ka saakin! Halimaw karin kagaya nila, pumapatay kayo ng mga inosenteng tao! Mga halang ang kalukuwa! Nakakasuka." buong lakas ko ulit na inihiwalay ang aking sarili sakanya na aking napagtagumpayan.

Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha.

"We drank their blood to keep us alive, if you think we're more evil, then yes your right." nakakatakot na boses halimaw itong nakatingin saakin ngunit ipinikit ko nalang ang aking mga mata, hinihiling na sana isa lang itong bangungot.

__
Third Person POV

Walang ka emosyon, emosyong tumanaw si Alexus sa bintana habang pinagmamasdan ang nangyayari sa labas, matagal na noong muli itong nakasaksi ng ganoong pagsasakripisyo para sa pagkamatay ng kanyang lolo na namuhay higit limang daang taon.

Natapos lang iyon ng maipasa nya kay Alexus ang kanyang yaman na dumadaloy sa loob ni Alexus, hinding hindi makakalimutan ni alexus kung paano mawalan ng buhay ang tinaguriang pinuno ng lahat ng mga bampira sakanyang braso.

Ito din ang araw kung saan namatay ang kanyang kasintahan na totoong minahal nya higit pa sakanyang buhay, nagbunga ang kanilang pagmamahalan na si Kadlez at Aven na may mapait ding kapalaran sa darating na panahon na kailangan nya ng kumilos at tuparin ang huling hiling ng kanyang namayapang lolo.

Hindi nya kayang kontrolin ang lahat ng bagay lalo na't sakanya binilin ang pinakamabigat na responsibilidad na mamuno. Maraming napuno ng inggit, galit at pagkamuhi dahil sya ang napiling mamuno ngunit mas pinili nitong mamuhay kasama ang mga tao kaya matindi ang pagkamuhi ng iilan.

'Owah~ owahh~

Isang kalunos lunos na sanggol ang patuloy sa pag iyak.

Ang naka yukong si Rusina ay muling sumilip sa bintana ng hindi nya kayanang marinig ang sanggol na ngumangawa dahil sa unti-unting pagkawala ng dugo.

Naglakas loob itong tumingala at humawak sa pulsuhan ni alexus kahit na natatakot ay nagmamakaawa itong iligtas ang batang walang kamuwang-muwang.

"That kid will die soonest." walang kabuhay buhay nitong sambit ngunit hindi nawalan ng pag asa si rusina at lumuhod ito sa harap ni alexus.

"Pakiusap iligtas mo ang sanggol alexus, walang kamuwang muwang at kasalanan ang batang yan para makaranas ng ganyang paghihirap. Nakikiusap ako, alam kung may magagawa ka, pakiusap." nangungusap ang mga mata nito na may luhang bumabagsak sakanyang mga mata.

"Iligtas mo sya alexus..pakiusap.." paulit ulit nitong pagmamakaawa habang nakahawak sa malamig na pulsuhan ni alexus na hindi mararamdaman na may pagtibok.

Inilapat ni Alexus ang kanyang kamay sa kamay ni rusina na mahigpit na nakakapit sakanyang pulsuhan na nagmamakaawa. Kinuha nya ang kamay nito saka inakay sa kama.

Buong akala ni rusina ay hindi sya nito pakikinggan ngunit narinig nya nalang ang pagbukas sarado ng pinto.

Nababalisang pinagmasdan nya ang kwarto na tanging sya nalang ang nasa loob.

Doon ay muling bumuhos ang kanyang emosyon, hindi nya na alam kung paano ito patutunguhan pagkatapos nyang malaman ang pagkatao nito.

Biglang sumagi sakanyang isipan ang mga bata..iniisip kung isa rin ba ito sa mga halimaw na kanyang tinatawag.

Ayaw nya itong paniwalaan lalo na sa batang si Aven na mas malapit sakanyang puso. Muli itong napahagulhol sa malaking posibilidad na isa rin itong bampira gaya ng mga nilalang na kanyang tinatawag na halimaw na halang sa dugo ng tao.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon