Chapter 48 (Come to you)

641 18 1
                                    

Third person POV

Nabalik sa realidad ang dalaga, dala ang sakit, poot at galit sa lalakeng  pumaslang sakanyang mga magulang. Ang lalakeng minsang nagbigay ng minsang kasayahan sakanyang puso, minsang kasiyahan.

Ang nagpaniwalang ang lahat ay magiging maayos dahil buo ang kanyang tiwala sa kanya na ngayon ay tila naglaho. 

Tinatanong ang sarili kung bakit..bakit si Alexus? Bakit nya iyon nagawa? bakit..

Pakiramdam nya ay pinaglalaruan sya ng malupit na tadhana. Walang luha ang kanyang mga mata na tila wala ng maibubuhos pa, na para bang isang rosas na nanunuyot dala ng matinding init.

"Ma'am saan po kayo pupunta? Ma'am?" agad na humarang ang gwardyang nagbabantay sa matayog na gate ng mga Vaudevill. Nandoon si Rusina, na ang tanging nasa isip ay maka-alis.

Nais nyang kumawala na sakanyang mala empyeernong puder, na puno ng kasinungalingan at pagmamanipula.
Nais nya na agad maglaho, dahil mas lalong napupuno ng poot at galit ang kanyang dibdib kung hindi pa ito makalisan sa lugar na kung saan--ang minsa'y, naging komportable ngunit miserable ang kanyang buhay.

"Tumabi ka." halos nagpipigil na tuluyang kumawala ang kanyang galit at magwala.

Napapagod na itong magpakita ng sobrang emosyon at kahinaan sa iba.

"Ma'am pinag-utos sa aming, hindi kayo--."

"Hindi pwedeng lumabas?" Pagtatapos nitong may panggagalaiti, kita sakanyang mata ang determinasyong makaalis na kaagad sa kahit anong paraan, kahit kumitil pa ng buhay. Hindi nya maintindihan ang sarili't tila nais nyang may dumanak na dugo.

"Pasensya na ma'am, sumusunod lang ka---ahhhhckk.. m-maam."

Agad na natumba ang tagabantay, may hiwa ang kanyang leeg habang nangingisay sa lupa.

Agad na nagulat si Rusina na tila di makapaniwalang nagawa nyang pumatay, ang pinagtataka nya'y hindi man lang yaon napansin o nailagan man lang ng gwardya ang kanyang pag sugod.

Talsik ng dugo ang nasa kanyang mukha, gayon din sa kanyang kamay na may dugo na ngayo'y tumutulo sa lupa.

Nanginginig at nagtataka man ay agad na umalis si Rusina papalabas ng gate bago pa dumating ang ibang gwardya.

Ngunit bago tuluyang nakaalis ay may nakita itong maliit na pigura kalapit sa mansyon, tila nakabantay lang ito simula kanina. Tila nasaksihan nito ang lahat. Ngunit wala itong ginawa at nanood lamang.

"Kadlez." Aniya ng dalaga saka tuluyang umalis dahil batid na niyang marami na ang tumutugis sakanya.


Walang naiisip ang dalaga kundi ang makawala at makatakas. Alam nyang imposibleng matakasan ang mga immortal na naghahabol sakanya.

'Tulungan mo ako..'

Tanging katagang nasambit nya sakanyang isipan.

'Slander'

Parang nauulit lang ang pangyayari kung saan, ang isang estranghero yaon ang tanging makakapagligtas sa batang babae.  

"'Yun! Get her!"

Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil ang kilos at galaw nila ay kasing bilis lamang ng isang hangin at hindi malayong mahabol sya ng mga ito.

"Bumalik na tayo ma'am." may humawak sakanyng braso at hindi nagkakamali iyon nga ang mga humahabol sakanya. Ang mga tauhan ni Alexus..

"Bitiwan nyo ako. Bitaw!" pagpupumiglas ni Rusina. Ngunit sadyang malalakas ang mga ito kaysa sa dalaga.

Walang ano-anoy kinarga sya ng isa na parang isang bigas. Kahit anong pagsisigaw nya ay tila walang naririnig ang mga ito at patuloy lamang sa paglakad pabalik sa mansyon.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon