Chapter 41(Photo)

682 24 0
                                    

Dumaan ang ilang araw, hinintay kung humupa ang tensyon upang maisagawa na ang aking plano. Nakakaramdam ako ng takot, ngunit hindi ko na hahayaang lamunin ako nito..sawang sawa na akong maging mahina.

Huminto ang aking mga paa sa silid ni alexus saka ipinihit ang siradora, inilibot ko ang aking paningin at ang tanging bumungad lang saakin ay ang kanyang mga libro at papeles na nakahelara ng maayos sakanyang lamesa.

Bakit nya ba kailangan pang magpakahirap sa pagtatrabaho kung kaya nya namang kunin ang lahat ng kanyang nais?

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mga libro at muling ibinalik ang tuon sakanyang lamesa. Marahan kung binuksan ang pinakamalapit nitong kabinet, ngunit puro lamang mga dukomento ang naroon, sunod kung binuksan ang isa pang kabinet na mga papeles rin naman ang laman ngunit sa ngayon ay mas makapal ito na may mga numero pang nakalagay.

Pansin kung hindi masyadong pinapasukan ng sinag at hangin ang silid na ito, kaya napagpasyahan kung buksan ang glass window na tinatakpan ng isang makapal na tela na mukhang matagal ng hindi nagagalaw o nabubuksan man lang. Nang matapos ay bumalik ako sa paghahalukay, kinuha ko ang mga tambak na papeles na may mga numero sa lamesa, dahil may napansin akong kakaiba..may nakapihit na isang litrato na sadyang itinalikod.

Dinampot ko ang litratong iyon saka matiim na pinagmasdan..isa itong napakagandang babae. Kulay kape ang kanyang malasutlang buhok, maliit ang kanyang mukha, matangos ngunit may maliit na ilong, napakaganda rin ng kanyang mga mata na kulay abo. Maganda ang kanyang ngiti, na para bang nakakahawa. Ngunit pansin ko rin ang kakaibang kulay ng balat nito na gaya sa mga...bata.

I-ito ba ang kanilang ina?

Lumakas ang ihip ng hangin, sobrang lakas na talagang nagpalipad sa mga papeles na aking inilagay sa mesa. Nanlaki ang aking mata ng para bang nag slow mosyon ito sa aking paningin habang lumilipad sa ere habang unti-unting nahuhulog sa sahig. Kasabay niyon ang pagkarinig ko ng mga yapak na papunta sa silid na ito.

A-anong gagawin ko? Halos mapatampal ako sa aking noo sa nasaksihan, nagkalat sa sahig ang mga papeles na bumagsak pa sa aking ulo.

"What is happening in here?" isang malamig na boses ang aking narinig na nagpabato saaking kinatatayuan. Sabi ko hindi na ako muli makakaramdam ng ganito tuwing makakaharap kita! N-ngunit bakit ba hindi ko maiwasan?

"A-alexus." payak kung ngiti, ngunit madilim ang awra nito na mukhang hindi nagustuhan ang kanyang nasaksihan sa dating napakalinis ng silid ay ngayon ay napuno ng nagkalat na papeles sa sahig.
"Maglilinis lang sana ako. Wag kang mag-alala aayusin ko ang--."
Mabilis pa sa hangin ang galaw nitong napunta saaking harapan saka may kinuhang bagay na hindi ko napansing mahigpit ko pa lang hinahawakan mula kanina.

"Why are you holding this photo?" mariin nyang pagkakasabi, na tila may galit rin sakanyang mga mata.

"Pasensya na kung nangialam ako, hindi ko sinsadyang makita iyan.'' tukoy ko sa litrato, na ngayon ay kanya ng hawak.

Inaasahan kung magagalit at sisigawan nya ako ngunit, ngayon ay iilang segundo lamang itong napatitig saaking kinaroroonan, hindi ko mawari kung anong nais nyang iparating ngunit isa lang masisigurado ko..nakikita ko ang mga galit sakanyang mga mata na unti-unting naglalaho at napalitan ng isang matinding pagkalungkot at pighati.

Masasabi kung..may minahal na ngang tapat si alexus, sa kabila ng kanyang masasamang pinapakita. Siguro'y naging mapanghusga ako, mali pala ako sa iniisip kung kailan man ay hindi tumibok ang kanyang puso sa isang babae, napatunayan iyan ngayon sa mga nakikita ko sakanyang mga mata. Totoo ngang nagmahal si alexus..ngunit bakit namatay ang kanyang asawa? Ano ang dahilan?

"Clean this room, file this papers in sequence. Organize it, bring it back to there original place..or later you will know what consequence is. Understood?" Parang batang turan nya saakin.

Tumango na lamang ako, saka ito lumabas sa kanyang silid na may malalaking hakbang.

Naupo ako at napahawak saaking batok. Rusina..bakit ba kakambal mo ang kamalasan? Hindi man lang marunong makibagay ayon sa mga nais mo.

Nagsimula na akong magpulot ng mga papeles saka hinanap ang pagkasunod-sunod nito.

_____

Tatlong oras ang lumipas bago ako natapos sa aking ginagawa, naupo ako sa kalapit na sofa at isinandal ang aking sarili.

'Hays..bakit naman ngayon pa.'

Lumabas narin agad ako ng silid na 'yon saka tumungo sa aking kwarto, ngunit nang pihitin ko ito ay hindi ko naman mabuksan.

Anong nangyari rito?

Muli ko iyong pinihit ng pabalik-balik ngunit ayaw talagang bumukas.

"Mom!"

May biglang yumakap sa aking baywang, napangiti ako sa maliliit na kamay na yumayakap saakin. Humarap ako rito saka, matamis na nginitian.

"Kamusta ang araw ng aming princesa?" hawak ko sa malambot at mamula-mula nitong pisnge.

"Good I guess?" hawak pa nito sa baba at muling tumingin saakin na may malawak na ngiti. " I found a friend again. He's really friendly, approachable and funny!" Masayang aniya.

"Hm..he? Bakit hindi mga girls ang kaibiganin mo baby Av." pagpapantay ko ng taas namin.

"I'm tired of them, I feel like they somewhat hated me." medyo malungkot na aniya, ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang bumalik ang sigla ng kanyang ngiti. "And it's okay! You don't have to worry mom. I pretty grown up, He said..I should haven't minding them if I wanted to be happy. He's more good and warmer than brother Kad." aniya na may hagikhik.

"Hey, I heard that!" sigaw ni kad, na naroon pala sa hagdan.

"Shh hihi." takip ni Aven sa kanyang bibig habang humahagikhik.

Napangiti ako sa pagiging positibo ng isipan ng batang 'to.

"Sana makilala ko ang kaibigan mo'ng iyan. Mukhang napakabuting bata." sambit ko saka ngumiting napatango si Aven.

"We should sleep now Mom. Good night." aniya na humalik sa aking pisnge bago patakbong pumunta sakanyang silid.

Napakasayahin at bait talagang bata ni aven, siguro ay ganoon rin ang kanyang ina. Nalulungkot lang ako para sa mga bata na hindi man lang nila nakasama ang kanilang tunay na ina. Nalulungkot rin tuloy ako para sa aking sarili dahil nararamdaman ko sila, lalo na ngayon na parang hindi ko na kilala ang aking sarili.

Ano ba talagang tinatago mo saakin alexus? Bakit pakiramdam ko, ikaw ang mas nakakaalam sa tunay kung pagkatao.

Nabalik ako sa realidad at muling sinulyapan ang aking pinto na kanina ko pa sinusubukang buksan ngunit bigo lamang ako. Ang susi naman ng kwartong iyan ay wari ko'y nasa loob. Siguro magpapalipas na lamang ako ng gabi sa living room, akmang ihahakbang ko na ng aking mga paa papunta sa hagdan ng marinig ko ang malamig na boses ni alexus sa hindi kalayuan.

"Sleep with me."

Bigla akong napalingon sakanya.
Tama ba ang pagkakarinig ko? May multo na ba sa mansyong 'to?

"If your not deaf, follow and don't let me wait. Your not a VIP." pahabol nyang ani saka naunang naglakad.

A-ano? Oo alam kung hindi ako vip! Bakit kailangan nya pang sabihin sa harap ko?!

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon