Chapter 22(Danger)

1K 39 0
                                    

Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos kakaisip kung pupunta nga ba ako sa nasabing lugar na nakasulat dito sa envelop.

Malalim akong huminga saka pinagmasdan ang aking sarili, nandito parin kami sa resort at sa makalawa pa ang uwi namin. Ang mumunti kung problema ay paano ko sasabihin sa mga bata na aalis muna ako.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Come exactly at 8 pm."

Muli kung naalala ang sinabi saakin ni luzzet. Ala syete na nang gabi, kabado ako at di mapakali sa aking lugar.

"Then, expect my everyday visit in your villa."

Muling narinig ko ang boses ni luzzet saaking isipan. Sa malamang ay pupuntahan nanaman nya si alexus pag nangyari.

"Luzzet! Gawain mo bang manggulo ng tao?!" inis na singhal ko sa harap ng salamin. Hinablot ko ang maliit kung bag saka isinukbit saaking balikat. Sana naman pagkatapos nito, hindi na ako guluhin ng babaeng 'yon.

Lumabas na ako ng pinto at nagtungo sa lugar na nakasulat sa loob ng envelop. Nagiwan narin ako ng sulat sa loob ng aking kwarto kung sakaling hanapin man ako nila lalo na ni aven na madalas akong katukin sa dis oras ng gabi para makinig ng kwento.

"Nandito na po tayo ma'am." aniya ng driver.

"Salamat po." abot ko rin ng bayad.

Paglabas ko palang ng taxi ay nanindig na ang balahibo ko sa hindi ko malamang dahilan.

Napalabi ako ng maaninag ko ang napakalaking gate saaking harap na kulay ginto. Mukhang isang mamahaling party itong napuntahan ko, rinig ko na sa labas pa lang ang matumal nilang tugtog.

"Your card ma'am?"

Bumaling ang atensyon ko ng may sumulpot na lalake sa aking gilid na hindi ko man lang napansin na ito'y papalapit o narinig man lang ang yabag ng paa nito.

"heto po." lahad ko sakanya ng hinahanap nya.

Tumango ito at sumensyas sa mga kasamahan nyang naka suot ng tuxedong itim. Kahit sila ay hindi ko rin napansin kanina. Masyado ba akong kabado para hindi mapansin ang mga presensya nila? Kasi kung titingnan mo kanina, parang walang katao tao ang nagbabantay sa labas.

Binuksan ng isa pang lalaki ang malaking gate saka ako inakay na papasok. Tumambad saakin ang napakalawak at napakalaking lugar na napuno ng maraming tao. May carpet pa sa gitna na abot hanggang dulo, na hindi ko alam kung saan patungo.

Nalula ako sa ganda ng lugar, may maliliit na fountain ding nakahilera sa gilid ng carpet na nagbubuga ng espesong kulay pulang tubig. Ngunit kakaiba ang isang iyon dahil mukhang kasing kulay ng dugo ng tao.

Hindi ko nalang maiwasang humanga sa lugar, ngunit saan si luzzet? Ito ba ang gusto nyang ipakita saakin?

Muli ko na sanang ihahakbang ang aking mga paa nang may marinig akong boses na literal na nagpataas ng aking buhok sa batok.

"Glad to see you here." ngumisi ang pamilyar na lalaking iyon saakin. Para akong na tuod ng lumapit ito saakin at inilahad ang isang kamay.

Napatingin ako sa nakalahad nyang kamay, Nagdadalawang isip man ay inabot ko ang kamay nya, nang maglapat ang aming kamay ay kasing lamig ito ng isang yelo. Hindi naglalayo ang temperatura ng katawan nito kay alexus.

Marahan nyang iginaya ang aking kamay na ipinulupot sakanyang braso. Saka kami naglakad sa gitna ng red carpet. Pakiramdam ko ay tutumba ako sa gitna dahil sa matang napapatingin saakin, kakaiba iyon na para bang nakakita sila ng isang masarap na ulam.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon