Chapter 21(Kadlez)

1K 39 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at muling nagpakita si Mr. Hawk, medyo matagal tagal narin noong huling bisita nya, dumadalaw lang siguro ito para sunduin ang mga bata para sa ilang araw na bakasyon, e hindi pa naman ngayon ang petsa ng bakasyonan. Napaka weirdo talaga, pilit rin akong isinasama ni Mr. Hawk sa bawat bakasyon ng mga bata.

Nagtataka lang ako na tuwing malapit na ang kabilugan ng buwan saka sumusulpot si mr.hawk at sinasabing kailangan na magbakasyon ng mga bata at ako. Tradisyon ba ito nila?  Kakaiba. Anong meron sa papalapit na kabilogan ng buwan at kailangang wala kami dito sa mansyon kasama si alexus.

Ito rin ata ang parehong sitwasyon kung saan kauna-unahang napapayag ko si alexus na papuntahin sa paaralan ang mga anak nya.

"Rusina, tapos ka na ba hija?"

Bumaling ako sa boses na may katandaang si mr. Hawk.

"Tapos na po." agad na sagot ko at ibinaba ang maliit kung bag kung saan nandoon ang kunting na damit na aking dala.

Rinig ko ang yapak nitong papaalis kaya sumunod narin ako.

Bago tuluyan akong makababa sa hagdan napasulyap ako sa mala opisinang kwarto ni alexus, kahit hindi ko man ito nakikita ay pakawari ko'y. Nandoon nanaman ito sa paboritong pwesto nya, tuwid na naka upo at naka kuros ang mga kamay. Minsan ganoon na rin ang pustora nya pag natutulog ng minsang nadatnan ko.

Tuluyan na akong bumaba at nandoon narin sila aven, kyut na kyut ang porma ni aven sa kanyang pink na pink dress at ponytail hair. Si kadlez naman ay suot ang sando sa loob nito at pulo naman sa labas at hawayan short nito na abot hanggang tuhod, busy nanaman ito sa paglalaro.

Medyo hindi ko napansin ang bilis ng aming byahe dahil nakarating na kami agad sa isang beach resort na pag-aari daw ng isang kakilala ni alexus. Ang masasabi ko, napakaganda ng lugar. Wala pa ata akong maipipintas sa bawat napuntahan kung bakasyon kasama ang mga bata.

"That's your room ma'am at sa kabilang kwarto nito ay kwarto nila aven at kad." Aniya ng isang nasa 30's na babae na mukhang kilalang kila ang mga bata.

Suki na ba sila rito?

"Sege at aalis na ako ma'am, pakitawagn nalang ako kung may gusto at kailangan pa kayo." aniya nito, tumango ako at nagawad ng ngiti bago ito tuluyang umalis.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad saakin ang napakalaking kwarto, minsan talaga nasasanay na ako sa ganito karangyang pamumuhay. Para kong naging isang buhay princesa sa isang iglap. Hindi pala princesa kundi isang reyna at ang hari ay si alexus.

Hindi ko maiwasang mangiti sa kalokohang pumasok sa isipan ko. Humiga ako sa puting kama, ang lambot at ang sarap sa pakiramdam.

Ginawa kung unan ang aking mga kamay habang nakatingin sa ceiling. Kamusta na kaya sila tiya at tiyo sa probinsya? Maganda na kaya ang pamumuhay nila? Hindi na siguro nagtitinda si tiyo ng isda, hindi narin siguro nagiging mainitin ang ulo ni tiya dahil lagi na silang may pera. Eh 'yong si lola kaya, ano na kayang balita sakanya.

Bumangon muli ako saka naglakad patungo sa malaking salamin kung saan malinaw na malinaw kung nakikita ang aking sarili. Napahawak ako sa aking mukha, pakiramdam ko malaki na ang aking pinagbago pagdating sa panlabas na anyo, pero nanantiling si rusina parin ang nasa loob.

Ang dating itim kung balat ay nagiging kasing kulay na ng gatas, nawawala narin ang maliliit kung tigyawat at mas naging maaliwalas ng tingnan ang aking mukha kumpara dati at lalong lalo na ay humaba narin ang aking buhok na umabot na hanggang balikat. Ang buhok na nilustay ko at ginawang boy cut dati ngayon ay patuloy ng tumutubo. Bumabalik narin ito sa dating kulay.

Dumaan ang dapit hapon ng biglang nagyaya si aven na maglibot libot sa loob ng resort, wala naman akong rason upang tumangi.

"Mom look, i want to build a sand castle too." tingin ng bilog na bilog nitong mata saakin na may mahahabang pilikmata. Naiingit siguro ito sa ginagawang sand castle ng mag-ina sa di kalayuan.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon