Chapter 42 (Golden hour Glass)

722 21 0
                                    


Tanghali na ng magising ako, hindi dahil sa napasarap ang tulog ko sadyang hindi lang ako nakatulog ng maayos habang himbing na himbing si Alexus.

Umaga na nga siguro ako inantok, nag-unat ako ng mga kamay sabay hikab. Hindi rin naman pala masama maging gwardya nya sa gabi.

Napa-iling ako ng pumasok sa aking isipan ang isang gabing iyon.

_____

"Aren't you going to lay here?" tapik nya sakanyang higaan. Hindi ko mawari kung pinagti-tripan nya lamang ako o ano.

"Sinadya mo bang isarado ang silid ko?" walang ganang tanong ko, ngunit isang tipid na ngiti lamang ang kanyang ginawad.

W-wag ka ngang ngumiti ng ganyan.

Lumayo ang aking tingin, saka pinaglaruan ang aking sariling kamay.

"Just come." parang bata nitong aniya.

Biglang nanigas ang aking katawan at kusang napatayo, na para bang may buhay ang aking mga paa na maupo sa kanyang kama.

"Ginagamitan mo ba ako ng mahika? Ano ba ang--."

"Shh..they might hear you." hinila nya ang aking kamay na nagpahiga saakin.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko magawang gumalaw kahit hindi naman kami ganoon kalapit.

Pagkakataon ko na siguro upang magtanong. May makuha man akong matinong sagot o wala..mahalaga parin saakin ang kaibigan ko at araw-araw kung iniisip ang kanyang kalagayan sa bawat oras na nagdadaan.

"Alexus..sabihin mo saakin na hindi mo nilagay sa panganib ang buhay ng kaibigan ko. Sya na lang ang meron ako.." mahinang sambit ko, nagbabakasakaling tugunin nya ako.

"You still think about that asshole ah."

"Syempre naman. Paano ko ba naman makakalimutan ang isang kaibigan? Ikaw may kaibigan ka hindi ba? Pwede mo ba namang makalimutan ang isa sa sakanila." senseradong aniya ko habang nasa ibang bagay ang tingin.

"I don't have one, so I don't have someone to forget."

"Papaano naman si Mr. Hawk? Isang tauhan lang ba ang tingin mo sakanya?"

"You don't have to know." walang ganang sagot nito saka ginawang unan ang dalawang kamay.

"Ang unfair..hindi ka pa patas lahat ginagamitan mo ng awtoridad at kapangyarihan." biglang sambit ko.

Eh nakakainis, masyado syang maraming lihim na tinatago.

"What's the use of power and authority if you won't use it?"

"Ano ang gamit nun, kung hindi mo ginagamit ng maayos?"

Hindi ito sumagot. Ay hala sumobra ata ako.

"I already release your so called friend, I gave him a good life to start in return of staying away from you." Seryoso nitong sambit, na para bang normal na lamang ito para kay Alexus. Ngunit para saakin ay napakalaking bagay. Mahalaga sakin si tunyel, mahalaga sakin ang aking kaibigan.

Napaawang ang aking bibig..hindi ako makapaniwalang ginawa nya 'yon para layuan ako ng sarili kung kaibigan.

"Sya nalang ang meron ako, bakit mo ba ito ginagawa?" pagkokompronta ko sakanya na may halong sakit.

Hindi na maganda ang ginagawa ni alexus. Hindi na ito tama, hindi tamang magdesisyon sya kung sino ang hindi at pwede sa tabi ko. Buhay ko parin ito!

"Because..I wanted to." Simpleng sagot nito, na mas lalong nagpsama ng aking loob.

Napataas ang aking kilay sakanyang sinabi.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon