Chapter 49(On his Place)

678 22 1
                                    

Rusina's POV

Nagising ako sa isang malambot na kama, napamulat ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Mukhang babae ang may-ari nito base sa desenyo at mga gamit.

Napabangon ako sa kama saka bumaba, lumapit agad ako sa bintana at pinagmasdan ang nasa labas. May isang pamilyar na pigura ang nakita ko roon, nakahawak ito ng pana at palaso, pinakawalan nito ang palaso at saktong tumama iyon sa dart board sa mismong gitna.

Hindi ko maiwasang humanga.
Ngayon itinaas nya ang kanyang kamay at kusang naalis ang patalim na pinabalik sakanyang kamay. Akmang bibitawan nanaman nya ang palaso nang bigla itong napalingon sa aking gawi.

Agad akong napatago at maya maya'y umupo sa kama.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, pagkatapos nang pangyayari kahapon ay wala na akong masyadong maalala, nagising na lamang ako sa puder nya.

Ilang saglit pa ay may narinig akong katok sa pinto saka 'yon bumukas. Hindi ako nagkakamali, si Slander nga--dala dala pa nito ang isang tray ng pagkain.

Napakaaliwalas ng kanyang mukha na nakangiti pa saakin. Nakakahawa ang kanyang ngiti.

"Here... eat. Good your awake, malang gutom kana." aniya saka inilapag sa kama ang maliit na table na puno ng iba't-ibang pagkain.

"S-salamat." nahihiyang sagot ko, ramdam ko narin ang gutom ng aking tyan.

"I cooked it for you. How do you feel now?" tanong nya habang nakatingin saakin.

"Salamat. Okay na ako ngayon." sagot ko, medyo nahihiya talaga ako kay Slander na noong una ay akala ko'y isang masamang tao. Hindi pa maganda lagi ang trato ko sakanya tuwing nagkakatagpo kami.

"I can't believe you grew up so beautiful Rusina. Sorry if I haven't tell you anything in the first place we met. Hindi mo sana ito nararanasan. You shouldn't have treated like a prison. Did alexus really treat you bad? If he did. Then I would like to say sorry on his behalf." aniya habang hawak ang aking kamay at nakatitig sa aking mga mata.

Ramdam ko ang kanyang tunay na pag-aalala saakin.

Kaya ba ganoon nalang ang naging reaksyon nya at trato saakin noong una naming pagkikita sa opisina ni Alexus?

"Hindi mo naman kasalanan Slander..Paumanhin rin..kung hindi kita nakilala agad." mahinang sambit ko, dahil wala naman itong ginawang masama sa una't-una pa lang. Si Alexus ang pinaglaruan ang isip at buhay ko. Sya ang nagparamdam saakin ng matinding sakit at hirap. Sa una pa lang pala ay pinapaikot nya na pala ang buhay ko sa isang kasinungalingan.

Ano bang ginawa ko sakanya? Ano bang ginawa ng aking magulang sakanya? Pinaglingkuran naman ito ng magulang ko sa abot ng kanilang makakaya, pero bakit..

Ganyan na ba talaga kasama ang taong--. Hindi ko alam ang itatawag pa sakanya sa sobrang kasamaan nang nagawa nya.

Natanggap kung isang bampira si Alexus kasama ng pagtanggap ko sa mga anak nya, ang hindi magandang ugali ni kadlez at malamig na pagtrato saakin ni Alexus at kung minsan..pinaparamdam nyang mahalaga ako..o ang mas mahirap paniwalaing minahal nya ako.

Ngunit isa lang palang malaking KASINUNGALINGAN ang lahat.

Naiinis ako, nagagalit at nasasaktan. Hindi lang dahil sa ginawa ni Alexus, kundi pati sa aking sarili. Dahil matapos ng lahat ng ginawa nya saakin..sa kaloob-looban ko may puwang parin pala sila sa puso ko. 'yon ang hindi ko kayang itanggi sa aking sarili, kahit na napupuno ng galit ito.

Bigla kung naramdaman ang pagyakap sa akin ni Slander, gaya ng pagyakap nya saakin noong bata pa lamang ako. Maaring kakaiba ang temperatura ng kanyang katawan ngunit nakaka pag bigay ito saakin ng kaluwagan.

_____

Third Person POV

Isang araw nang wala si Rusina sa mansyon ng Vaudevil. Nalulungkot ang batang si Aven na nangungulila sa dalaga na tinuring nyang ina.

"Stop making such face. Do you want to play?" panggugulo ng kanyang kuya Kad. Ngunit nakapanghalubaba lang ito habang nakatingin sa labas.

"I want Mom." She whispered.

"She's not your mom Aven. Stop calling that woman a mom!" hindi maiwasang mapataas ng boses ng kanyang nakakatandang kapatid.

"Don't shout at me." she frowned.

"Tss." kadlez throw the toy he's holding saka umalis palabas.

Ngunit ang batang si Aven ay nakapanghalubaba parin habang iginagalaw ang mga paa at nakatingin sa labas hinihintay ang dalaga na tinuring nyang ina.

Samantala...

Sa loob ng Axe underground, naging mas strikto ang kanilang pinuno sa pag te-train ng kanyang mga tao. Naroon rin si Alexus sa fighting ground kung saan nakikipaglaban sa mga tauhang naroon. Tila wala itong paki kung mapatay ang mga tauhan ng Axe.

"Who's next?" walang buhay nyang tingin sa mga Axe's na ang iba ay halos iwas na madapuan ang kanyang mata na halos magliyab sa galit. Ibinubuhos nya lahat sa pakikipaglaban ang lahat ng galit nya dahil sa kauna-unahan ay natalo ito ng kanyang kapatid. Ngunit hindi roon natatapos ang lahat, dahil ito'y umpisa pa lamang.

"Stop it now Alexus. We don't have to lack some people." aniya ni Mr. Hawk sabay hawak nito sa balikat.

Alexus turn on him, looking at the old man with sympathy.

"I felt sorry for your loss." He said sincerely.

Isa sa mga protector ng dalaga ay anak ni Mr. Hawk. Si Pierce na pinaslang ni Slander sa isang labanan habang nais ibalik ang dalaga sa mansyon, ngunit nabigo iyon dahil sadyang kakaiba ang lakas ni Slander na hindi magkakalayo sa lakas ni Alexus. Iisang ama ngunit iba ang mga ina.

Ang ina nya ay galing sa isang pinakamataas at makapangyarihan na uri habang si slander na kadugo nya lang sa ama ay galing sa pinakamababang uri ang kanyang ina. Isang tagasilbi na naghahangad ng isang pinakamataas na posisyon sa kanilang mundo.

Agad namutawi ang lungkot at pighati sakanyang mga mata na pilit na inaalis at ipinapakitang malakas sa kabila ng pagkamatay ng kanyang anak. 

"Ginawa nya lang ang kanyang responsibilidad at ipinagmamalaki ko ang kanyang katapatan sa inyo. Ito ang aming kapalaran at buong puso namin iyong tatanggapin, kahit buhay pa ang kapalit." aniya ng matanda, na isang pinakamatagal na kapanig ng kanyang lahi lalo na kay Alexus at sakanyang lolo.

"You'll get the justice and his life will be worth as gold. I'll promise. This is for all the things you've done to my family and especially for me." Alexus said with authenticity. He's assuring it to his loyal disciple.

Sa hindi kalayuan ay merong lalake ang nagmamasid sakanila, poot at galit rin ang namutawi sakanya, ngayon mas tumindi ang kanyang galit na maghiganti para sa pagkamatay ng kanyang kapatid at ina, na pinaslang din ng walang awa at sakim sa kapangyarihan na ina ng kanyang kalaban. Si slander. His mother who was been accused of being a bloody dark witch who controlled and practice a forbidden black magic who can control and kill a human, turning them into uncontrollably beast.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon