Chapter 43 (Accompany me)

663 18 0
                                    

Bumaba na ako sa kotse, sa pagbaba kung iyon ay naka akay na ang mga  tauhan ni Alexus. Pag pasok ko pa lang sa entrance ng kanyang kompanya ay marami ng bumabati saakin na talagang nakakailang.

Hindi parin talaga ako nasanay sa kakaibang trato nila saakin. Parang isang napakataas na tao, na kung tutuusin ay isa lang naman akong pangkaraniwang tao.

"Good afternoon Mrs. Vaudevill." bati saakin ng tauhan ng pumasok ako sa elevator.

"Good afternoon rin." naiilang na ngiti ko rito. Mrs Vaudeville..iba parin talaga saaking pandinig. Kakaiba, hindi ko mawari kung anong dapat maramdaman. Parang totoo.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng biglang pagpapa punta saakin dito ni Alexus, ngunit kung ano man iyon. Ikinagagalak ko 'yon.

Tumunog ang elevator, lumabas akong nangunguna habang nasa likod ko ang mga iilang tauhan ni Alexus. Nang marating na namin ang tapat ng kanyang opisina ay nilubayan na ako ng kanyang mga tauhan. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.

Nadatnan ko itong naka upo sakanyang mesa, hawak-hawak ang kanyang sintido. Hindi gaya ng dati ay napatingin na ito saaking gawi. May kaunting ngiti pa sakanyang labi ngunit saglit ko lamang iyon nakita.

"May kailangan ba akong gawin dito, sir Alexus?" magalang nantanong ko sakanya. Umayos ito ng upo habang nakatingin parin saakin.

"Yes, please sit down." aniya, umupo ako sa kulay abo nyang sofa, hinihintay kung ano ang dahilan ng pagpapapunta nya saakin.

Pormal na pormal ito sakanyang itim na office attire. Puting polo sa loob at kulay asul na kurbata na kanyang tinanggal sakanyang leeg.

Hindi ko maiwasang nakawan ito ng tingin, nahuhumaling parin ako sa ganda ng kanyang perpektong pigura, na parang isang nilalang na wala kang mapipintas...maliban sa mala arrogante nitong ugali..minsan?

"Move."

Naalis ang tingin ko sakanya ng magsalita ito na nakatayo na pala saaking harapan.

Umusog ako, kahit ang laki-laki naman ng sofa.

"At the side." aniya, wala naman akong nagawa pa at umurong sa pinakadulo.

Tinanggal nya ang kanyang coat at umupo sa sofa.

"I want to rest for a while." pag kasabi nya nun ay inalis nya ang aking kamay saaking hita saka roon humiga.

Hindi ko maintindihan ang malakas na kalabog ng aking puso. Napapigil ako sa paghinga habang sya ay prenteng nakahiga habang unan ang aking kandungan.

Ito pala ang nais nya..ang gawin akong unan.

Hindi pa ito nakuntento at bigla nyang hinawakan ang kaliwa kung kamay saka iyon idinampi sakanyang makinis na mukha. Hindi ako nakaimik sa sunod nya pang ginawa, itinapat nya ito sakanyang labi saka hinalikan.

Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa nyang 'yon na may mainit na pakiramdam.

Muli nyang kinuha ang isa kung kamay saka iyon hinawakan ng mahigpit.

Halos hindi tuloy ako makahinga sa kabog ng aking dibdib.

Pero bakit kaya..may kakaiba sakanya ngayon? May nangyari kaya? Dahil base sa nakita ko kanina ay mukhang pagod ito na hindi ko naman madalas nakikita o sadyang ngayon ko lang ito napansin.

Hindi ko maiwasang mapatingin sakanyang mukha at pagmasdan itong maigi. Walang hindi mahuhumaling kay Alexus.

Nakapikit ang mga mata nito, matiwasay na natutulog na parang isang bata. Marahan kung inalis ang kamay kung hawak nya. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang aking daliri na parang didikit ang mabango nitong amoy sa aking daliri.

Nais kung tanungin si Alexus sa aking mga magulang. Wala ng galit ngunit ito'y napalitan ng tampo. Bakit nya ito inilihim saakin ng matagal? Ngunit alam kung may dahilan si Alexus na pilit kung inuunawa.

_____

Third Person POV

Walang ka alam-alam ang dalaga sa mga sunod-sunod na problema ang dumating kay alexus, may mga nangyayaring hindi maganda sakanyang kompanya.

Ang pagkamatay ng kanyang mga tauhan.

Nasabing ang iba ay nakitaang mismo nilang ka trabaho ay tila nawawala sa sarili at nanakit ng iba at ang mas matindi ay nakukuha nitong kagatin ang katrabaho hanggang sa maubusan ng dugo.

Ito ang isa sa mga malaking suliranin sakanya na alam nyang may kinalaman rito ang kanyang angkan.

Ang taong biglang nakakagat ng isang bampira na mula sa pinakadilikadong bampira na matagal nya ng tinapos ay bumabalik. Hindi nya malaman kung papaano ito nangyayari ngayon, gayong matagal ng natapos ang lahi nito. Ang bampirang walang kinikilala, mga hayok sa dugo, walang awa kung kumitil, na nakatira dati sa masukal na bundok.

Tinatawag itong uncontrollable blood sucker. Dahil hindi nila mapigilan ang mga sarili tuwing nakakaamoy ng dugo ng tao, hindi gaya sa mga tulad ni Alexus na kaya paring magtiis sa kabila ng uhaw at gutom na kanilang nararamdaman. Maliban nalang sa araw ng kabilugan ng buwan, kung saan..hindi mo rin sila maaring mapigilan.

Isang sumpa na sa kanilang lahi, kaya napili ni Alexus na kulungin ang sarili hanggang matapos ang kabilugan ng buwan. Ngunit ang kapalit nito ay matinding pagdudusa, uhaw, gutom at matinding pagnanasa. Halos nawawalan sila ng control sa sarili, ngunit ng matuklasan ito ng dalaga ay maswerte parin itong nakaligtas sa kabila ng napagdaan.

Samantala...

Sa skwelahan ng mga bata ay may nangyayari ring kakaiba. May iilang bata ang nawawala at nakikita pa ng ilang araw ang bangkay na dilat ang mga mata na walang bahid ng kahit anong sugat.

Sa kabilang banda, habang papasok si Aven ng kanyang silid ay napansin nitong walang ingay sa loob, tanging tunog lang ng airconditioned ang maririnig.

Humakbang pa ito papasok at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ng makita ang iilang nakahandusay na katawan sa kanilang sahig. Bigla itong nakaramdam ng takot...nang biglang may nagbukas ng pinto.

Bumungad sakanya ang kanyang lalakeng kaobigan, si drax. Gaya nya ay gulat rin ang namitawi sa mukha nito.

"W-what happened to them?" nanginginig ang boses ng batang lalake ngunit nakuha nitong ihakbang ang mga paa papunta sa gulat ring si aven.

"I just saw them lying here..when I came here.." halos maiyak nitong sabi, habang nakatingin sa kapwa nito mag-aaral.

Ang batang lalake ay naglakas loob na tingnan ang kanilang pulsuhan saka mabilis na lumayo.

"They're dead. We should get out of here before someone could saw us." a boy said, holding aven's little hand.

"B-but we should tell them..teachers." aven suggested.

"Better not." a boy said like a big person.

"What do you mean?" aven keep asking.

Nagpatuloy sila sa pagtakbo paalis sa lugar na iyon.

"We're just a kid. So better act like, we don't know anything and let the authorities find it." a boy said.

"I want to see my brother." Aven cried helplessly.

"You better go." the boy said, releasing her hand.

Aven run out, bursting in tears as if she have done something wrong.

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon