Chapter 36 (They forget about me)

1K 27 6
                                    


Hindi ko inaasahang magkikita kami ni tunyel sa ganitong paraan.

"Matagal kitang hinanap rusina." medyo hingal pa nitong aniya.

"Ano ang dahilan?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? Hindi ba sinabi kung pupuntahan natin ang probinsya natin noong huli nating pagkikita sa mall?" biglang nangunot ang aking noo at tila inaalala kung nagkaroon ba kami ng huling pag-uusap dahil ang alam ko ay ngayon lang muli kaming nagkita.

"H-hindi ko matandaan..paano ka nga pala nakarating dito?" naguguluhang tanong ko.

"Dito na ako naninirahan halos magkakalahating buwan, simula noong makalimutan ako ng lahat..nagbabasakali akong pag nakita kita muli ay maaring mapatunayan kung hindi ako gumagawa ng kwento. Baliw ang turing nila saakin rusina..wala nang nakakaalala saakin..wala na..maliban sayo." may lungkot sa boses nito, magulo ang buhok at mukhang hindi masyadong nakakatulog.

"Tunyel..hindi ko alam ang pinagsasabi mo, naguguluhan ako nang sobra." Pagsasabi ko ng totoo.

"Hindi mo ba naalala ang pagkikita natin sa mall rusina? ang mga usapan natin nang araw na iyon..limot mo na ba?" may pag-aalalang tanong niya, kung hindi ko lang kilala si tunyel ay baka napagisipan ko na ito ng masama dahil sa kakaibang kinikilos nito.

"Wala. Dahil hindi naman tayo nagkita." aniya ko. Dahil iyon ang totoo, wala akong maalala na nagusap kami at tungkol sa pagkalimot ng lahat ng tao sakanya sa probinsya. Nababaliw na ba ang kaibigan ko?

Napa upo ito sa sahig na tila nawalan ng lakas.

"Siguro'y sa susunod ay limot mo narin ako." mahina ngunit malinaw ko itong narinig mula sakanya. Umupo ako at saka pumantay kay tunyel, iniangat ko ang kanyang mukha na mukhang pagod at sukong suko na.

"Hindi totoo 'yan. Hindi ko kailanman malilimot ang isang kaibigang katulad mo." mahinahon kung sambit rito, ngunit hindi parin mababakasan ng pagka kumbinsi ang mukha ng aking kaibigan.

Makahulugan itong tumingin saakin bago nagsalita. "Sasama ka ba saakin rusina?"

"Saan tunyel?"

"Sa probinsya." aniya na nagbigay ng kaunting pagkagulat saakin ngunit agad ring nakabawi.

"Ngunit..maari bang magpaalam muna ako bago ako sumama sayo?"

"Hindi!" agad nitong sagot na kinagitla ko. "Pinababantayan ka ng taong iyon rusina, pinaghihigpitan ka nya kung sino man iyon. Malakas ang kutob kung hindi iyon papayag, kaya plakiusap sumama ka nalang?" dagdag pa nya. Saglit akong natahimik.

Marahil naguguluhan lang si tunyel, nais ko rin namang umuwi saamin..ngunit ayaw kung pag-alalahanin si alexus at mga bata sa biglaan kung pag-alis.

"Mapagbibigyan mo ba ako rusina? Kahit ngayon lang?" malumanay nitong tanong na may pagsusumamo.

"Tunyel.." tanging nasambit ko habang nasasaktang nakikita itong miserable.

"Hindi pa ako nababaliw rusina, ngunit kung hindi ako makaka kuha ng mga katanungan sa aking mga tanong baka tuluyan na akong mawala sa sarili."

"Tunyel!" suway ko rito. "Wag mong sabihin iyan."

"Hindi ko na alam rusina..ikaw nalang ang pag-asa ko. Kinalimutan na tayo ng mga taong malalapit saatin at hindi ko hahayaang pati ako kalimutan mo."

"Anong ibig mong sabihin na 'saatin'?" naguguluhang tanong ko.

"Alam kung limot mo na iyon ngunit sasabihin ko sayo muling wala ka nang mababalikan, dahil kahit ikaw ay nilimot na ng lahat. Marami ng nagbago simula noong umalis ka rusina."

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon