Chapter 47(Sorrow of the past)

619 21 2
                                    

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad pauwi sa aming tahanan ay bigla na lamang nanikip ang aking dibdib, nakaramdam ako ng biglang pagka bahala..parang bang may nangyaring hindi maganda.

Hindi ko namalayang lakad takbo na ang aking ginagawa patungo sa amin, sa aking pagmamadali ay may nasagi pa akong malaking bato na sanhi ng aking pagkadapa sa lupa.

"A-aaray.." mahinang daing ko sabay hawak sa noo, may dugo..bat ba napaka lampa kung bata..nakaramdam ako ng panandaliang inis sa sarili. Sabay angat ng aking paningin sa langit nang may mapansin akong usok, usok na nagmumula sa pamilyar na lugar.

Agad akong napabangon, saka nagpatuloy.

Muntikan ng ako'y manlumo ng makita ang umuusok na iyon ay galing sa aming tahanan. Lalapit sana ako nang mapansing may mga hindi kilalang tao, hawak-hawak nito ang mga iba't-ibang sandata.

A-ano ginagawa nila sa Bahay namin?
Si Ina'y at ita'y..Hindi p-pwede ito!

Pilit kung itinatago sa mga kahoy ang maliit kung katawan, sabay gapang papunta sa likuran ng aming bahay habang nakatago sa nagtataasang damo.

Hindi ko maintindihan ang kaba na aking nararamdaman, patuloy lang sa paggapang. Malalaki at nakakatakot ang kanilang mga pigura, alam kung hindi sila mapagkakatiwalaan.

Marahan kung inakyat ang bintana, sapat lang upang masilip. Ang nangyayari sa loob.

hinanap agad ng aking mga mata si Ina'y at ita'y, ang mga gamit sa loob ay nagkasira-sira at ang iba'y nasusunog na.

Agad na nangkalaki ang aking mata ng makitang nakaratay sa sahig ang aking mga magulang, nanghihina at tila'y naliligo sa sariling dugo.

Kaharap nila ang isang matipunong pigura, unti unti itong naglabas ng patalim at walang kunwa-kunwang nilagutan sila ng hininga.

Sa aking pagkagulat ay muntikan ang mahulog, kasabay ng naguunahang luha sa aking mga mata. Bumigay ang aking inaapakan, nagbigay yaon ng tunog, sapat lang upang mapalingon sa akin ang halimaw na pumaslang sa aking mga magulang.

Halos malaglag ang aking panga ng malamang kung sino ang taong yaon..

Pinagsilbihan ka ng aking mga magulang ng buong tapat. N-ngunit b-bakit..

'Alexus'

Biglang nanlaming ang aking katawan. Ang kanyang mga mata.. Mata ng isang halimaw na walang awa kung pumaslang.

Alam kung papalapit na ito sa aking lugar, Nang may kamay ang tumakip sa saking bibig saka ako kinarga papalayo sa lugar na 'yon.

Sana'y magising ako sa masamang panaginip na ito. Si I-inay at Itay..

Patuloy ang aking paghagulhol sa hindi pamilyar na taong tumulong saakin. Patuloy ako sa pag pahid ng aking luha na tila walang katapusan.

Patuloy na bumabalik ang kanilang imaheng naghihirap, duguan at nagaagaw buhay sa aking isipan. Nanginginig ako sa takot at galit! galit sa aking sarili dahil wala akong nagawa upang tulungan ang aking mga magulang! H-hindi ito pwede!!

Inilapag ako ng marahan ng hindi pamilyar na lalake, naka kapa itong itim. Hindi ko masyadong masilayan ang kanyang itsura ngunit alam kung wala itong masamang binabalak. Iba sya sa mga taong yaon, kakaiba ang kanyang bilis nung niligtas nya ako. Hindi ko alam kung ako ba'y magpapasalamat o hindi..

"Dapat hinayaan mo nalang akong mamatay roon ginoo.." Malungkot na aniya ko, habang humihikbi.

"Kailangan mong mabuhay." Aniya.

"Ngunit si Ina'y at itay.. Wala na sila.. pinatay sila ng halimaw na 'yon!!" Punong puno ng galit na sigaw ko.

"Kailangan mong mabuhay para sa kanila, Rusina."

Napaangat ang aking luhaang mga mata sa kaniya, " kilala nyo po ako?"

Gumawad lang ito ng maikling ngiti, hindi ko man masilayan ng maayos ang kanyang mukha ngunit alam kung ngumiti ito.

Biglang lumakas ang ihip hangin at gayon din ang pagkatanggal ng kanyang talukbong at roon ko lang nasilayan ang napaka ganda nitong mukha, maputi na tila ka kulay ng isang papel. maitim na maitim ang mga mata at kilay nito na may matangos na ilong. Napansin kung may kulay pulang likido ang naroon sa kanyang labi. Sugat na sariwang sariwa.

"Mag-iingat ka Rusina, magkikita pa tayo. P-protektahan kita laban sa kanya." Pagkasabi nya noon ay agad itong naglakad papalayo.

"Ginoo.. maari bang malaman ang iyong pangalan?"

Saglit itong napalingon saakin, "Slander. Ikanagagalak kung makilala ka. Rusina."

"Salamat Ginoo. Pipilitin ko pong mabuhay.. "

upang maipaghiganti ko ang aking mga magulang.

napakuyom ang aking mga kamay, sabay pahid ng aking mga luha.















A/N: Sobrang ikli lang nito, hope you like this short hint of flash back ni Rusina.
Follow for more *wink*

Wife for hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon