Chapter 305

596K 19K 27.7K
                                    

A/N: Kumusta ang selebrasyon? Grabe! Patapos na ang January pero wala pa rin akong magawang matino. Hayzt!

Anywy, roman hyway. Here's the update. Don't expect too much, wala re-read na naganap kasi nag-mamadali akes.

Hope yah enjoy.

Guessing game

Jay-jay's POV

Paano po manampal ng Horoscope?

Kapag kaya nag-google ako makikita ko ang sagot? Kanina pa ko naaalibadbaran sa dalawa na to. Gusto ko silang sampalin.

Hindi ko sasabihing si Ella yung isa.

"Gusto mo ba Jay?" Biglang tanong sa 'kin ni—ehem—Ella habang inaabot ang container ng spaghetti.

Sa wakas! Nag-alok din.

Nakaramdam yata dahil sa sama ng tingin ko sa mga pagkain sa harap niya.

Handa na sana akong tumango at sumagot ng malutong na 'oo'. Kaso buset tong kapatid ko. Hinatak niya ang kamay ni Ella pabalik.

"Wag mong bigyan yan." Sabi pa niya at sumubo ng sandwich na dala rin ng babae niya.

Mabilis akong napasibangot sa kanila. Animal na Horoscope!

"Napaka-damot mo!" Inis na sabi ko at tinignan naman niya ko ng masama.

Papalag? Papalag? Totoo naman!

Kahit isumpa pa niya ko. Malasin man ako sa mga susunod na araw. Basta mapamuka ko lang ang kadamutan niya.

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Ella na katapat lang nitong Horoscope. Inirapan ko naman siya.

Isa ka pa!

Sa lahat ng kasalanan sakin ng babaeng to, ngayon ko lang masasabi na masama talaga ugali niya.

Ang damot niya kasi! Pagdating niya si Aries lang pinakain niya. Eh ako? Ano ako dito? Display? Palagay niya sakin? Hindi ba ko marunong magutom?

Tapos parang nang-aasar pa talaga sila. Dito pa nila naisipan kumain sa kwarto, samantalang sa labas sila kumain kahapon. Ano? Nananadya lang?!

"Mabulunan sana kayo!" Sabi ko na halos maiyak na sa inis.

Malakas na tawa lang ang narinig ko galing kay Aries. Samantalang napailing-iling naman si Ella.

Ang dadamot nyo!

Gusto ko ng kumain! Wala bang maghuhulog ng pagkain dyan galing sa langit? O kaya sampalin nyo ko ng hamon. Pero parang mas maganda kug babatuhin ako ng inihaw na manok. Naiiyak na ko sa gutom, puyat at inis.

Hindi na nga ako pinatulog na Hari ng mga Dimunyong, pesteng, kumag at tukmol na Ulupong na yon. Tapos hindi pa ko makakakain.

"Gusto ko ng kumain." Sabi ko at nagpagulong-gulong sa hospital bed.

Muntik pa kong malaglag dahil maliit lang naman ang kama. Pati unan napag-initan ko ng kagat-kagatin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong bumangon.

Pagkain?

Akala ko si Kuya na ang dumating. Sabi niya kakausapin lang daw niya doctor namin at aalamin kung pwede na kami umuwi. Nagbilin ako ng pagkain kaya kanina ko pa siya hinihintay.

Nakangiting lumapit sakin si Yuri. "Bakit ganyan itsura mo?"

Agad kong tinignan ng masama yung dalawa sa kabilang kama pero kataka-takang tumalikod sila samin at tahimik na kumain. Tumingin sandali si Ella kay Yuri pero mabilis din niyang binalikan si Aries.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon