Chapter 3

2.4K 42 0
                                    

Kinabukasan.

Maaga akong nagising. Bukod kasi sa pagiging alalay ko (kuno) kay Gray ay tumutulong din ako kay Yaya Melinda sa kusina tsaka naglilinis na rin ako ng bahay.

Kung gaano ako kaaga gumising, mas maaga namang gumising si Sir Gray minsan. Almost two or three in the morning? At kung bakit? Malamang naaadik na naman sa paggawa ng computer programs at gaming. Kaya ganun kasungit, kulang ng tulog eh.

Usually binubulabog nya ako sa madaling araw since katapat lang ng kwarto ko ang kwarto niya. It's either magpapatimpla sya ng kape o nagpapahatid ng pagkain. At himalang hindi nya ako ginising ngayo---

"Hey, woman! Get me a cup of coffee!" Kinalampag nya pa ng malakas ang pintuan ko saka binuksan.

Sabi ko na nga ba eh, walang himala. Nilapitan ko sya at wala sa oras na nakapamaywang.

Napataas naman ang kilay nya at hinagod ako ng tingin.

"Baka tamaan ka sa 'kin Sir!"

Ang halay mo sa umaga Sir. Beke nemen.

Nagsimula namang kumunot ang noo niya.

"Baka ikaw ang tamaan sa akin kapag hindi mo pa 'ko pinagtimpla ng kape!" Ayy nagalit.

Kinamot ko ang ulo ko dahil hindi na talaga madaan sa biro ang dragon. Kailan nga ba aamo yan?

"Eh Sir, alas singko na po ng umaga. Mag-gatas nalang po kayo mamaya."

"What?! Milk are for babies. Are you treating me like a one year old?"

"Hindi naman sa ganun Sir. Concern lang naman po ako eh nu? Hindi dapat inaaraw-araw ang kape!"

Dali-dali akong tumungo at bumaba sa hagdan upang tulungan na si Yaya Melinda. Iniwan ko si Sir Gray do'n, bahala sya.

Asa namang concern ako. Palusot ko lang yun dahil tinatamad akong magtimpla hihihi.

A few hours later. Nagprepare na kami ng table for breakfast at simula ng iniwan ko si Sir Gray sa hamba ng pintuan ko kanina, hindi na nya ako kinibo. Problema nito?

"Son, mauna na kami ng dad mo sa office. Okay? May biglaang tawag kasi ng importanteng kliyente." sambit ni Ma'am Sophia

"We got to go, son." dagdag naman ni Sir Dalton.

Mayaman sila Gray. His father is the CEO of the Chavez Central Gaming Corporation while his mother on the other hand ang Public Relations specialist. Kaya nga nakahiligan ni Gray ang computers eh and to tell you, computer engineering ang kurso nyan. Sana ol.

Tumango lang si Gray at tumayo na rin. Actually, pinareha ko talaga halos lahat ng schedule ng classes ko sa schedule ni Sir Gray, vacants nya at vacants ko. Mahirap na.

"Sir, ang gatas ny---"

Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Get my things upstairs. I'll start the car." Yun lang at umalis na sya.

Moody. Kung hindi mo iinomin ang gatas, edi ako ang iinom! Inisang lagok ko yun. Tsk.

Dali daling kong kinuha ang gamit nya at sumakay na sa passenger seat ng kotse. Yaya eh.

After a while of deafening silence...

"Did you drink it? The glass was empty." seryosong sambit nya.

"Ha?" Ang alin?

Kumunot naman ang noo niya.

"Are you stupid? Damn! How I wish you're a bit wittier. You're too slow for my damned ego!"

"Aba! Bakit galit ka na nman?! Ano ba kasi ang drink drink na pinagsasabi mo? The glass was empty ka pang nalalaman!"

"Nevermind. Just shut up. You're loud!"

Wait. Ang gatas ba ang ibig nyang sabihin?

"Teka. Ang gatas b---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang ini-on ang stereo at nagpamusic with full volume. Gaaaaaah!

Ini-off ko naman yun mula sa likuran.

"Wee? Binalikan mo ang gatas, ano?" mapanukso kong tingin. Eh, aayaw ayaw pero gusto naman. Pa baby damulag pa eh.

"W-What?! Seriously, binalikan ko because I was going to throw it on the sink. What's with that creepy look?"

Nawala naman ang sigla ko. Ang sama talaga nito.

"Weeeeeeee? Di---"

For the nth time, hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil ini-on na naman nya ang stereo. Napakawalang modo talaga nito.

I-ooff ko na sana ito pero sa halip na stereo ang mahawakan ko, ang isang kamay niya lang naman na nakatakip sa stereo.

Natigilan kaming dalawa at wala sa oras na nakapagpreno sya. Agad kong binawi ang kamay ko nang maramdaman ang init at mala-kuryenteng sensasyon na nagmula sa kamay niya. Ano yun?

Pinaandar naman nya kaagad ang kotse at kitang-kita sa side mirror ang pagkailang nya dahil hindi nya mapermi ang kanyang mga mata.

Wait naiilang sya? Baka naramdamn nya rin ang kuryente!

"Damn. Get the alcohol in my bag, woman!"

Aba. Akala ko pa naman nailang to, ang arte arte!

"Nakakasakit ka na ah! Bahala ka dyan, ikaw ang kumuha. At tsaka, akala ko ba matalino ka, bakit parang pangalan ko hindi mo malaman! Pa woman woman ka pa dyan eh!" Tirisin ko yang mata mo, gusto mo?

Huminto nman ang kanyang sasakyan sa di kalayuan ng school at di karamihan ng mga etudyante. Dito kasi ako nagpapa drop sa kanya dahil ayaw kong ma-issue. Dean's lister at famous pa naman ang lolo niyo.

Lumabas na ako ng kotse, bahala sya. Tiningnan ko naman sya at nagtataka kung bakit hindi pa sya umaalis.

"Sorry, not sorry...

...Ysha."

Ysha.

Natigilan naman ako. Yun ang unang pagkakataon na tinawag nya ako sa aking pangalan.

Ngingiti na sana ako pero...

"I'm not that stupid not to know your name, woman. I'm not like you. STU.PID."

At umalis na sya ng tuluyan.

Uminit naman ang ulo ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga tong Gray Dragon na to! Aaaargh!

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now