PART I

3.3K 50 0
                                    

Prologue

"Gray! Come down!", excited na tawag ng isang magandang babae na tantsa ko ay nasa middle 40's na ang edad. Katabi naman nito ang kanyang asawa.

Ito siguro ang tinutukoy ni mama noon na amo niya- sina Ma'am Sophia at Sir Dalton. At Gray pala ang pangalan ng anak nito.

Unang tapak ko ito sa pamamahay ng mga Chavez at masasabing napakalaki talaga ng bahay nila.

"Son! ASAP!"

Hindi sumagot ang lalaking nagngangalang Gray. Grabe namang anak 'to. Kanina pa tinatawag, ang tagal umimik.

O baka natulog?

Ilang sandali ang nakakalipas, narinig ko naman ang ingay na nanggaling mula sa taas. Hindi ko namalayan ang pagbaba ng isang lalaki mula doon.

Napatitig ako sa mukha nito. First impression? Gwapo. Kamukhang-kamukha nito ang parents niya. Ay natural anak e. Ang boba mo, Ysha!

"What now, mom?!", asik nito at nanatiling nakatayo lang sa hagdan.

Ni hindi ako nito tinapunan ng tingin. O baka hindi lang niya ako napansin?

"Son, you remember your former yaya right? This is her daughter, Ysha, our new maid. Most of the time, she will be your personal maid. Mag-aaral din sya sa school mo.", saad naman ng tatay nito at tinapik ako sa balikat. "Ysha, that's my son Gray."

Tumango lang ako.

Ibinaling ng nagngangalang Gray ang mata nito sa akin. He stared at me for a moment, completely wearing his serious and unreadable face expression. Iniwas ang tingin sa akin at napalean sa railings ng hagdan. Napataas ang kilay nito at nagkibit-balikat.

"So, dad? Is that all?", masungit na sabi nito.

Anak ng! Ang sakit nun.

"Could you come here for a bit Gray to shake hands with her?"

Mas kumunot lang ang noo nito sa sinabi ng mommy niya pero sumunod naman. Inilahad ko ang aking kamay pero he just looked at me. Foolishly.

"Do you even wash hands, woman?"

Aba! I rolled my eyes at him. Gwapo sana pero masungit. Hindi mo talaga madedetermine ang personality ng tao without a firsthand experience. Kung patarayan lang nman tayo, edi okay ako!

"Ikaw? Nakapaghugas ka rin ba?" I fired back.

He stared at me wide-eyed and hissed unfavorably. Matalim ang tingin nito  at kitang-kita ang pag-igting ng kanyang panga, mainit ang ulo dahil sa pagsagot ko.

There I know, that he is no ordinary boss because he is...
.
.
.
my hot-tempered boss...

------

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now