Chapter 20

1.4K 39 3
                                    

Palipat-lipat ang tingin ng mommy ni Gray sa amin nang pagbuksan kami nito ng pinto. Bukod kasi sa basa kami ay nakita pa niya ang magkasugpong naming kamay.

Pasado alas nueve na ng gabi nang makauwi kami ni Gray. Natagalan kami dahil sa traffic sa kalsada. Pero okay lang yun kasi matagal ko namang nakasama si Gray sa loob ng sasakyan. Hihi.

"Goodness! Gray. Ysha. What happened to the two of you? Why did you get drenched? Come in immediately!" eksahedarang tanong ni Ma'am Sophia kahit hindi nman na masyadong halata ang pagkabasa ng uniform namin. Natuyo yata slight dahil isang oras din kaming natraffic.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at ngumiti ng nakakaloko nang dumapo ang tingin nito sa magkahawak naming kamay. "Aha! And you're holding hands!"

Nailang ako sa pagkakatingin ni Ma'am dun kaya pilit kong kinuha ang kamay ko but to no avail, hinigpitan lang ni Gray ang pagkakahawak sa akin. Hila-hila niya ako ng pumasok kami ng bahay habang ramdam ko pa rin ang mata ni Ma'am sa amin, gustong usisain kung anong nangyari.

Para akong nasa pelikula. Ipapakilala ng lalaki ang babae sa mommy nito at sasabihin ng lalaki, 'Sya ang babaeng papakasalan ko ma! Sa ayaw at sa gusto niyo, di nyo ako mapipigilan!' Charot lang.

"Yaya Melinda, mag-init ka ng tubig. And prepare the food for Ysha and Gray.", sigaw ni Ma'am Sophia kay Yaya na nasa kusina.

"Ma'am, wag na po. Ako na po ang mag---" pagpupumilit ko sana pero tinigilan ako ni Ma'am.

"Shhh." Ngumiti ito sa akin at malisyosang tiningnan ang kamay namin ni Gray. Kumindat ito na parang may ipinapahiwatig.

Napakagat-labi naman ako samantalang si Gray ay kalmadong nakatingin lng sa mommy niya.

Nakuha naman ang atensyon ni Sir Dalton na ngayon ay nakatingin na din sa amin pero bago ito magsalita, inunahan na ito ni Gray.

"We'll talk later Mom, Dad. Ysha's getting cold already. We'll take a hot shower."

"Oh! You'll take a shower together?"

"Hindi po!"

"That's none of your business, mom."

Napatingin ako kay Gray dahil sa sinabi niya. Bakit ganun pa ang sagot niya? Pwede namang diretsang 'Hindi!'. Nakakahiya tuloy kay Ma'am, baka anong isipin nun.

Nakita ko ang pagngiti ni Ma'am at ang pagtawa ni Sir Dalton nang tumalikod na kami papuntang kwarto. Eeeh.

Kakapihit ko lang sa siradura ng kwarto ko nang muling natigilan ako sa sinabi ni Gray.

"Mom's idea is great. Shower together?", suhestiyon niya na nakapagpagulantang sa akin. Seryoso ito at hindi halata na nagbibiro.

Feeling ko namumula na ako simula pa kanina dahil ang straightforward nya sobra. Eh, kung magkakasabay kami, makikita yung ano... Yung ano... Aaaaaah!

"You don't like the idea of taking a shower with me?" He said while crossing his arms and eyed me carefully.

Napalunok ako sa intensidad ng boses niya. Mukha ko pa lang ngayon, para na akong natatae. Hindi naman sa hindi ko gusto pero kasi... kasi... hindi pa ako readyyy!

Pero ano, sige?

Bigla syang tumawa sa naging reaksyon ko at pinitik ako sa noo. 

"Kidding. Go ahead. See you later.", sabi niya at pumasok na sa kanyang kwarto. Bago yun ay nginitian pa niya ako ng nakakaloko.

Hilaw naman ang ngiti kong napatitig sa pintuan ng kwarto niya.

Pinaasa ka na nga, tinawanan ka pa!

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now