Chapter 29

1K 26 1
                                    

Nagpatuloy lang kami sa halikan ni Gray. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang ko at mas pinalaliman pa ang halik. Hindi ko kayang tumigil dahil tila kay hirap tupukin ng apoy na nag-aalab sa sistema namin. Is it because we're overjoyed kaya parang sabik na sabik kami sa isa't isa?

Natigilan lang kami nang may boses na nagsalita mula sa mikropono. Sila Nathan lang naman. Akala ko ba naging multo 'to?

"Rated SPG."

"Ang susunod na eksena ay nangangailangan ng 'Striktong Patnubay at Gabay' ng mga magulang."

"Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Druga na hindi angkop para sa mga batang manonood."

Kahit nag-aalangan ay bumitaw kami ni Gray sa isa't isa. Potang panira talaga huhu. Kumunot ang noo namin at tiningnan ang audience. Nakita ko namang tinakpan ni Papa ang mga mata ni Yvo at ni Yvonne. Parang nakalunok ako ng bato dahil doon, pigil pigil kasi. Ganoon ba talaga pag naghahalikan, nawawala sa sarili? Or dahil si Gray ang kahalikan kaya ganun? Charot.

Nakatingin naman silang lahat sa amin at pinagmamasdan kung ano ang susunod naming gagawin. Ano bang dapat gawin? Shall we proceed to SPG kagaya ng turan ni Nathan kanina? Charess!

Pero sa totoo, awkward nga.

Pero nawala yung awkwardness nang biglang nagsalita si Nathan at nagtatawanan pa yung tatlo. Hindi na ako nakaramdam ng selos sa kanya dahil kahit anong gawin niya, nakatali na si Gray sa akin e. Mehehe.

"O pare, ituloy nyo na. Sorry walang kama."

Kama. Para saan? Kailangan pa ba nun?

"What?!"

"Pero nilambutan talaga namin yang carpet para may mahigaan kayo. Lab ka namin, right guys?", si Nathan

"Yeah. Love you bro!", segunda nung dalawa.

Umigting ang panga ni Gray at pinanlisikan ng mata yung kaibigan niya. Galit din naman ako ha, sarap mambitin e parang si awtor lang. Charot.

"You fucktards!"

"Sabi nga naming ituloy niyo lang e.", painosenteng sabi ni Jackson at namamanghang tumingin kay Gray, "Teka pare, to be continued after ten years ba yun?"

Tapos nagkantyawan sila.

"Who wants to continue it when you ruined the mood! And damn you, we haven't gone that far. It's not too sexual!"

"Hindi naman namin sinabing sekswal ha.", balewalang sabi ni Nathan.

Nagsalubong naman yung kilay ni Gray. Ako rin, support ako sa fiancee ko. Fiancee? AAAAAAHH! Kilig.

"What? Why would you rate it as SPG, then?!"

"Horror yun pare... Horror sa mga single.", at tumawa na naman yung tatlo pagkasabi ni Nathan nun. Na parang masaya pa sila dahil nakagawa sila ng excuse.

Kumunot naman ang noo ko. Taposakit horror? Tsaka nakita ko naman ang pag-angat ng labi ni Gray. Nakangisi na ito sa tatlo.

"So, it's a horror for you? Right, because you're single."

Tiningnan ko si Gray at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila.

"Bakit horror yun?" tanong ko sa kanya at binaling ang tingin ko kay Nathan, "Wala kang kahalikan?"

Umawang naman ang labi ni Nathan at hindi makapaniwalang tumingin sa aming dalawa. Pati sina Jace at Jackson, naestatwa rin. Relate?

"Tangina!"

Nagtawanan lang ang lahat dahil sa kulitan namin kaya wala na kaming nagawa ni Gray at nakitawa na lang.

"Tumigil na kayo, may mga bata!", si Papa na napailing na lang.

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now