Chapter 2

2.4K 60 3
                                    

Narito ako sa tapat ng pintuan ni Sir Gray at naghihintay ng magandang tyempo para kumatok. Aba, kailan nga ba ang magandang tyempo? Napailing na lang ako at kinatok na ng tuluyan ang pintuan ni Sir Gray.

"Sir! Sir!" tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot.

Ano nga bang kababalaghan ang ginagawa ng dragon na iyon sa loob? Napaismid ako sa aking ideya at pinihit na lang ang pintuan. Hindi nakalock, nakatulog ba sya?

Tuluyan na akong pumasok sa kanyang silid at inilibot ang aking paningin. Typical boring. Black 'n white kasi ang theme niya. 

"And who told you to enter my room?"

Napatingin ako ng biglaan kay Sir Gray na galing pala sa bathroom, bagong ligo? Ano pa ba?

Pinunasan nya ang kanyang basang buhok and his other towel on the waistline. Gwapo sya, oo, pero iba ang nakapagpatigil sa akin. Wait.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Anim.

Anim na abs. Hindi gaanong masculine pero it adds attraction to his glory. May abs din kasi ang asawa ko. Hindi ko naman napigilang i-assess sya sa ibaba and before I could fully do that...

"It looks like you want to eat me. Where are you looking, woman?" taas kilay niyang sabi at tila seryosong seryoso na nakatitig sa akin. His expression is unreadable.

Akala ko hindi ako pamumulahan ng mukha dahil immune na ako sa abs ng asawa ko pero I got it all wrong when I looked at Sir Gray's abs. Iba talaga kapag sa personal at up close nakikita eh nu?

Tiningnan ko pa ito. Is it soft? Hard? Rock har---

"Baka gusto mong ako ang mapahiya sa kakatitig mo sa akin, babae?"

"Nahiya ka ba?"

"W-What? Not really? Why would I?" Tumalikod sya sa akin at kumuha ng damit sa kanyang cabinet. Namula ang kanyang kaliwang tenga at napabuntung-hininga ng wala sa oras.

"Sabi mo eh."

Kitang-kita na naman ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Do you know that you're talking indecent to me right now? Get out already, will you?!"

Okay.

Papalabas na sana ako ng kwarta nang nagsalita na naman sya. Ano na naman?

"Are you stupid? Plain stupid? Or extra stupid?"

"Inaano ka ba dyan, SIR?!"

Galit na naman to.

"Watch your mouth! What's the purpose of bringing that food here if you'll just return it back downstairs? Don't you have some common sense? Leave the food but you get out!" mapagtimping sagot niya sa akin at ginalaw ang kanyang panga.

Napatingin naman ako sa tray ng pagkain na dala ko. Ganun pala yun. Ah. Okay.

Ilalapag ko na sana sa study table ang tray nang makita ko ang mga nagkakalat na engineering drawing papers, techpen, scratch paper, at iba pa.

"Put it on my bed."

Inilagay ko naman ng dahan dahan sa kama niya ang pagkain.

"Oh ayan!"

Iniangat ko ang tingin sa kanya para makita lang na nakatitig din sya sa akin. Ano na naman ngayon?

"May kailangan pa kayo sa akin, Sir?" pilit kong itinago ang pagkairita sa aking boses. Nakakairita naman kasi ang pagkaka hot-tempered niya eh!

"Now leave."

I am about to leave his room nang hinawakan na naman niya ang braso ko. Pabalik-balik?

"Wait up!"

"Ano?!"

Binitawan nya ang braso ko at tila nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang nais niyang sabihin.

"So, who's hotter? That idiotic and silly guy or me?"

Napatanga na naman ako for the nth time. Seriously, may personality disorder ba tong boss ko?!

Dinukot ko naman sa bulsa ko ang selpon at itinaas iyon. Pinaglipat-lipat ko ang aking tingin kay Sir Gray at sa asawa ko, sino nga ba?

Bigla na namang nag mala-dragon ang aura ni Sir at tiningnan ako ng masama.

"You still did not delete that?!"

"Eh, si---"

"Erase that picture until tomorrow or I'll break that phone. Now get out!" pilit naman nya akong itinulak palabas. Nakakarami na to ah!

"Eh, sir teka nga lang."

"What?!"

"Pasensya na po pero hot pa kasi ang wallpap---"

*Pak*

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pabagsak na niyang isinara ang pinto.

Hot pa ang wallpaper ko pero mas hot naman kayo. Hot-tempered. Tch.

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon