Chapter 23

1.2K 28 1
                                    

Pabagsak kong isinalampak ang pagod kong katawan sa sofa. Ikalawang araw na ng semestral break ngayon. Nanlupaypay akong nakatitig sa hawak kong walis tingting na ngayon ay napapaligiran na ng alikabok. Maagang umalis ang parents ni Gray habang si Yaya Melinda naman ay naglalaba ng mantel, kurtina, bed sheets at iba pa.

Narito ako sa living room. Inalis ko lang kanina ang namumuong cob webs sa sulok ng dingding na hindi ko napagtuunan ng pansin sa nakaraang araw. At nang dahil yun sa paglalandian namin ni Gray. Charot.

Iniwan ko syang nakatulog sa silid niya dahil mukhang pagod ito. Pagod naman talaga kami dahil sa nangyari kagabi.

Syempre, malikot kayong mag-isip kaya iba ang iniisip nyo haha.

Pero yung totoo...
.
.
.
Ginapang lang naman kasi ako ng uod kagabi.
-
F  L  A  S  H  B  A  C  K

"Gray, matutulog na ako sa kwarto ko.", paalam ko sa kanya habang pilit na sinusupil ang antok na nagbabadya sa lalamunan ko.

Alas nueve y medya na ng gabi. Nagyaya kasi ito kanina na manood ng movie sa laptop niya. Hollywood movie yun kaya nahirapan akong intindihin. Kung sana Kdrama yun kagaya ng Crash Landing On You pero crush mo di naglanding sayo, panigurado akong hindi ako matutulog.

Tumalikod na ako pero mabilis nitong nahila ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa kama.

"No. You sleep here."

"Sa kwarto ko ako matutulog. Nakakahiya na kay Ma'am ano!"

Nag-aalangan akong tumayo dahil gusto ko naman talaga. Kesyo may hiya factor pa ako e.

Pilitin mo pa ako, mga isang beses. Charot.

Bago pa ako makatayo, mahigpit na niya akong nayakap at madaling isinandal ang ulo nito sa aking balikat.

"You can sleep in your room if you can get rid of my arms." At mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin. "As if naman papakawalan kita."

Gusto ko naman yung yakap niya pero ang higpit kasi. Naiipit at nasasakal ako. Yung parang Choke Me Daddy lang ang peg.

"G-Gray, ang higpit. Di ako makahinga."

Mabilis naman syang kumawala sa pagyakap sa akin at tiningnan ako.

"My bad. You okay?"

Sa halip na sumagot ay tumango na lamang ako.

"Okay. Let's just play a game. To determine kung saan ka matutulog."

"Anong game?"

"Wormzone."

"Hindi ko naman alam yun e."

Kinuha nya mula sa lampshade table ang phone niya at pinakita ang app ng Wormzone.io sa akin. May kung ano syang pinindot at nakita ko kung paano niya nilaro yun.

"It's pretty simple, my woman. Ang gagawin mo lang naman ay kainin ang mga goods na nakadisplay dito to gain the worm's weight. Also, you should not hit your worm's head on the other players' worm body or you'll get killed. And the goal is..." binitin nya ang kanyang sasabihin at nginitian ako ng nakakaloko.

"Ano?"

"Pahabaan at palakihan." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. May kung ano kasing hidden meaning ang ngisi niya. Maya-maya'y pinitik niya ang noo ko dahil sa kawalan ko ng reaksyon. "I'm flirting with you. Care to flirt back?"

San banda flirt doon? Yung pagngisi niya? Napanguso na lang ako.

Pero nagulat ako nang panandalian nya akong hinalikan sa labi.

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now