Chapter 19.5

1.3K 39 1
                                    

Ysha's POV

Takbo lang ako ng takbo sa kung saan. Halos panay din ang pagsinghot ko dahil patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

Tanginang paa 'to, nasaan na ba ako?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para lang makitang hindi ako pamilyar sa lugar na iyon. Walang katao-tao roon. Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Naiinis ako, nagagalit, nagseselos at ngayon kinakabahan naman.

Humaplos ang malamig na hangin sa aking balat na nakapagpatayo ng balahibo ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil bukod sa basa kong pisngi ay basa din ang manggas ng uniform ko.

Ang weird. Pinahid ko ba ang luha ko sa manggas ko? O baka minumulto ako?

Minumulto ba ako kasi na-ghosted ako? Charot.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kabobohan ko. Tuluyan ko ng tiningala ang kalangitan at nakita ang dahan-dahang pagpatak ng ulan. Natulala ako doon. Pambihira! Kung kailan naman ako nagdrama, ngayon naman 'to nagshowdown!

Napalunok ako ng makita ang madilim na daan sa unahan, itutuloy ko pa ba ang pagtakbo ko? O babalik na ako? Kung babalik naman ako, babalikan ba ako? Tuluyan ng nabasa ang uniform ko dahil sa biglaang paglakas ng ulan. Sisilong pa ba o magpapaulan?

Wala sa sariling nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Nakatulala lang ako sa mga dahon na sumasayaw sa hangin. Muli na namang nanumbalik sa isipan ko ang eksena kanina. Nanunubig na nman ang mata ko. Hindi ako umiiyak, ulan to!

Kainis!

Pota kasing Gray na 'yan e! Sabi gusto ako pero nawiwili sa kakahawak nung lintang yun. Sabi gusto ako tapos...

"YSHA!!!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Gray na tumatakbo palapit sa akin. Basang-basa ang mukha nito pati na rin ang soot nitong uniform. Kita ko ang pag-igting ng panga niya at bahagyang pagkunot ng noo nang makita ako.

Tangina. Bakit nandito sya? Agad akong tumalikod at nakahandang tumakbo ulit pero napatda ako sa aking kinatatayuan dahil sa agaran nyang paghawak sa kamay ko.

"Damn it Ysha, stop running already! Kanina pa ako humahabol sa 'yo. Just... Just please stop, okay? Please.", nahihirapang sabi niya kasabay ng kanyang malakas na buntong hininga. Hindi ko ma-point out kung para saan yun pero nababanaagan ko ang relief sa buntong hininga na iyon.

Kanina pa sya humahabol sa akin? Paano?

Kinuha ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Nabigla sya sa inasta ko at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Pero bigla naman iyong nawala. Baka nililinlang lamang ako ng mga mata ko. Ako dapat ang nasasaktan e. Tiningnan niya ang mukha ko at tila may inuusisa doon. Kumunot ang kanyang noo at matagal na tumitig sa mata ko. Hindi ko kayang makipagsabakan sa mga emosyon sa kanyang mga mata kaya umiwas nalang ako ng tingin at umatras sa kanya. Basang-basa na kami ng ulan ngunit parang hindi namin alintana yun. Walang ni isang nagsalita na tila pinapakiramdaman lang namin ang damdamin ng isa't isa.

"Were you crying? Are you mad at me?", He finally asked after minutes of silence.

Napairap ako sa hangin.

"Hindi! Bakit naman ako iiyak?! Kaiyak-iyak ka ba? Galit? H-hindi ako galit! Kagalit-galit ka ba?", sagot ko sa kanya na hindi pa rin makatingin. Ibinaba ko nalang ang tingin ko sa paanan ko. Hindi ko kayang tumayo sa harapan niya ng ganito. Para akong kakainin ng bara sa aking lalamunan.

Wala sa oras na napabuntong-hininga ako para pakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na emosyon. Hindi naman masikip ang bra ko pero nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko.

My Hot-Tempered BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant