Chapter 27

1.1K 30 9
                                    

Napabuntong hininga ako.

Ilang beses ko ng inulit ang ayos ng aking buhok dahil wala talagang bagay sa akin. Kanina pa ako dito nakaharap sa salamin. Ayaw ko naman yung nakasanayan kong ayos na nakaponytail lang. Napakasimple kong tingnan nun para sa soot kong formal white dress na binigay ni Gray sa akin kanina. May naka-embed pa naman itong mga maliliit na white pearls and embroideries sa gilid.

Tiningnan ko muli ang mukha ko sa salamin at napag-isipang ilugay na lang ang mataas kong buhok ko. Hindi rin masyadong straight but it looks quite alright. Nag-iisip nga ako kung magmi-make up ba ako kasi sabi ni Gray first official date daw namin 'to.

I want to look presentable. For him.

Napangiwi ako, wala naman akong make up kit e. Kaya naglagay nalang ako ng konting lipgloss at pulbo.

Tiningnan ko ang oras sa wall clock.

4:55 pm

Putcha. Alas tres pa ako nag-ayos pero ano? 4:55? Nagmadali ako. Shiz. Ang sabi kasi ni Gray ay kailangang ready na ako at 5 pm. Dali-dali kong isinoot ang puting doll shoes na regalo ni Ma'am Sophia sa akin noong birthday ko.

"You need to finish that in thirty minutes. I'll kill you if you're late!"

Papanaog na ako sa hagdan nang makita si Gray na may kausap sa cellphone at parang gigil na gigil ito. Tila gustong sakalin ang nasa kabilang linya.

He hanged up the phone afterwards. Nakalapit na ako sa kanya pero hindi pa rin niya ako napapansin dahil nakakunot ang noo nitong nagtitipa sa cellphone. Katext? Kanina pa syang umaga nakaharap sa phone niya e.

Titikhim na sana ako pero biglang umangat ang kanyang tingin sa akin. Maybe he felt my presence.

Tuluyan ng nawala ang atensyon nito sa cellphone and he looked at me stunned and dumbfounded.

Kinagat niya ang labi niya para supilin ang ngiti na namumuo sa kanyang labi.

"Damn! I guessed it, right. Bagay nga sayo ang dress. But I didn't expect that you'll look this gorgeous.", Hinawakan nya ang buhok ko at nilaro ang ilang hibla roon. "You even let your hair fall. Naturally."

"Pero hindi ako nagmake-up." Naiilang kong sabi sa kanya.

Tumitig lang sya ng maayos sa akin.

"The natural look suits on you, though. I like it this way.", tapos ngumiti sya.

Nahawa yata ako sa pagkakangiti niya kaya nginitian ko sya pabalik.

"A-Ang gwapo mo rin." Takte, nautal pa talaga ako.

He wore a black three piece suit na lalong bumagay sa fair nyang balat. Pinaresan niya naman ito ng itim na sapatos. He also waxed his hair. Natigilan ako. I noticed that our outfits look good together.

So, pinagplanuhan nya talaga to?

"W-What? N-Ngayon l-lang a-ako g-gwapo?" Tumawa sya ng malakas pagkasabi niya nun habang ginaya ang pagkautal ko kanina. Geez.

Hinampas ko sya sa kanyang dibdib. Minsan na nga lang magcompliment yung tao e. Hinuli naman niya ang braso ko.

"So, ngayon lang ba talaga ako gwapo?"

"Gwapo ka naman palagi e." heh.

He chuckled na parang satisfied sa sinabi ko. Bigla namang dumako ang tingin nito sa aking labi.

"Naglagay ka ng lipgloss?"

Napakamot ako sa ulo, "Hindi ba bagay?"

"It suits you well pero bakit naglagay ka pa?" sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko. So, hindi niya gusto? But then he smiled again, "Buburahin ko rin naman yan mamaya."

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon