Chapter 13.5

1.6K 34 1
                                    

Ala una ng madaling araw.

Isang oras na ang nakakalipas nang maghiwalay kami ni Gray. Isang oras na ring pinilit ko ang aking sarili na makatulog. Pero hindi nakikiayon ang antok sa akin. Kaya hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ko.

Haaaay. Ano ba ang magandang gawin?

*Beep beep*

Napatingin ako sa selpon ko nang magvibrate yun. Sino na naman ba ang nambubulabog ng madaling araw. Kitang hindi ako makatulog e.

Nashock ako nang makita kung sino ang sender- si Gray lang nman. Hindi yun mahilig magtext at tsaka ang lapit lang ng kwarto namin e.

Naramdaman ko naman na napangiti nalang ako bigla.

Natigilan ako. Baka multo yun, at iniangat lang ang labi ko. Makikitulog na ba ako sa kwarto ni Gray? Hekhek.

'You awake? 🙈', message niya.

'Oo.', I replied. Alam nyo naman sgurong mahina akong magtipa kaya tipid lang ang replies ko. Mwehe.

'Why haven't you sleep yet?'

'Hindi ako makatulog.'

'Can I call you?'

Nataranta naman ako sa message nya. Bago pa man ako makapag-isip ng reply ay may incoming call na sya. Bakit tinanong pa e, tatawag din naman.

"Bakit ka napatawag?" bungad ko sa kanya.

I can hear him chuckle from the line. Shit na malagkit. Bakit parang iba ang pagkakarinig ko sa tawa niya. Para kasi yung tawang nang-aakit. Leche.

"Unique thing of saying Hello, my woman. Hello, too."

Taena. Bedroom voice.

"L-Loko, ba't ka nga napatawag?"

"I want to hear your voice before I sleep. How about you? Can't sleep?"

"Hindi nga. Ba't may patawag tawag ka pa? Ang lapit lang ng kwarto mo sa kwarto ko. Pwede mo nman akong puntahan dito."

Ang arte nito!

"Ows? Ayaw mong tinatawagan ka? Gusto mo lang sgurong makita ako eh! Hahaha. God, this is making me crazy." rinig ko ang matunog niyang tawa sa kabila.

Teka nga, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Malakas na sguro ang tama nito kasi wala pang tulog. Tsk.

"Asa ka naman. Ang punto ko lang naman ay---"

"Yeah, no need to explain, my woman. I just wanted to try calling you at night. Like this. Damn, it feels really good! Also, I won't bother myself going to your room right now. Baka mamihasa ako sa kakahalik sayo. And I need to think."

Kung magkaharap lang sguro kami ngayon, sguradong ngumingisi na naman ito sa tono pa lang ng boses niya. Na speechless naman yata ako dahil dun.

"Ah ganun. So, anong iniisip mo?", sabi ko na lang.

Pinakiramdaman ko sya sa kabilang linya nang bigla syang tumahimik. Ilang sandali rin bago sya umimik.

"Hindi ano, sino. Ikaw! Boom."

"Ano kamo?"

Bakit may Boom?

"God Ysha, you're so slow." sabi niya at napabuntung-hininga.

Hindi naman sa slow ako. Naiisip ko lang kasi yung kantang Neneng B dahil sa Boom. Nirelate ko lang pero walang konek e.

"Nevermind. Can't sleep yet? Want me to sing a song for you?"

"Wee? Talaga ba? Marunong ka bang kumanta?"

"Ouch, you're hurting my expertise in singing. Just listen to my song and sleep okay?"

Ano naman ang kakantahin niya?

"Siguro nga masyadong mabilis

Ang pagyanig

Ng puso ko

Para sa puso mo

Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig

Sa takbo ng isip

Hindi ko maipilit

Tila ako'y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa'yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo... 🎶"

Teka teka lang. Alam ko ang kantang ito eh!

"Kapit lang ng mahigpit

Aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tal---- 🎶"

"Binibiro mo ba ako. Hindi mo ako pinapatulog eh!", sabat ko sa pagkanta niya.

"What? I'm seriously singing here.",seryosong sagot nya na may himig ng pagtataka.

"Paano ba naging seryoso ang kantang yan?! May pakiyod-kiyod yan eh!"

Paano na lang kaya kung kumanta sya habang sumasayaw ng Tala. Makakatulog pa kaya ako? Eeeeeeh.

Tumikhim sya, pagkatapos ay narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. Ilang minuto din ang nakalipas bago sya nagsalita.

"Seriously Ysha. You're thinking about the dance step. You need to focus more on the lyrics of the song. O baka green-minded ka..."

Napahikab ako nang wala sa oras at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ni hindi ko nga alam kung ano ang huling sinabi niya e.

Hindi naman nakakaantok yung Tala, lalong-lalo na kung pakiyod-kiyod na dance step yung naiisip ko.

At alam ko na ang sagot ko kung kumanta si Gray habang sumasayaw ng Tala. Yung sa may pakiyod-kiyod na part. Sino bang hindi makakatulog dun?

Makakatulog ka talaga! Wala yung experience ih. -.-

* * * * * * * * * *

My Hot-Tempered BossHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin